Chapter 13

2.9K 211 26
                                    


"Pumayag na si mama!" Masayang sigaw ni Pam habang natakbong palapit saamin. Gulat akong napaharap sakanya ng umupo sya sa tabi ko.


"Paano mo naman napapayag si mama? Balikan lang rin ba tayo?" Tanong ko agad. Dahil hindi parin ako makapaniwala na kung bakit ay sa Baguio pa?!


"Wala tinanong ko lang sya kung pwede ka ba namin isama, tapos sabi nya oo," Pagpapaliwanag nya. "And of course no, doon tayo matutulog sa hotel namin sa baguio. At alam na rin ni mama na doon ka matutulog,"


"Okay? Sandali, kukuha lang ako ng dadalhin-" Nagtatakang tiningnan ko sya ng pigilan nya ako. "Bakit?"


"Sagot ko ang date mo, kaya lahat ng gagamitin mong damit ay akin." Natawa pa sya ng makitang wala parin akong maintindihan. " Makakasama rin kasi natin si Trevor, hindi mo ba alam na lahat ng farm sa baguio ay pag-aari nila. At ito pa may company rin sila, kahapon ko lang nalaman dahil narinig ko sa usapan nila mom at dad."


Ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman nya sinasabi saakin. Ngayon lang saakin sink in na tuwing magkasama kami at sa tuwing ihahatid nya ako gamit ang magarang sasakyan nya ay don palang ay masasabi ko ng mamayan sya. Hindi ko inexpect na halos magkayaman sila ni Pam. Lapitin ba talaga ako ng mayayaman?


Bakit kaya hindi ko man lang napansin iyon? Dahil ba kaysa sya ang isipin ko ay ibang tao ang iiniisip ko?


Ang hirap rin palang abutin ni Trevor ang pinagkaiba nga lang nila ni Matthew ay si Matthew ang gusto ko at hindi si Trevor. Si Trevor naman ay may gusto saakin si Matthew hindi.


Nang tingnan ko ulit si Pam ay nakangiting-aso sya saakin. May plinaplano nanaman siguro 'to? No choice nanaman ako! Ilang beses pa ba akong magihing no choice? Tapos si mama, parang hindi man lang nagdalawang isip.


Napabuntung-hininga nalang ako at umupo na nang maayos.


"Tara na, alis na tayo," Gulat ulit akong napatingin sakanya dahil sa agad na pag-aaya nya. Agad-agad?


"Ngayon na?" Tanong ko. Nag-aalinlangan pa ako kung tatayo na ba talga ako. "Ang bilis naman, akala ko ba, hapon pa?"


"Hindi na ba hapon?"


"Wasak!" Tiningnan ko ng masama si Luis ng natawang sumingit sya sa usapan. At sa pang-aasar nya saakin. "Oh? Inaano kita jan?"


"Kasama ba talaga 'to?" Tanong ko ulit habang nakaturo kay Luis.


"Ayaw ko man syang isama pero kailangan, sya lang ang alas ko kay mommy," Nakasimangot na paliwanag nya.


"Wow?! Parang hindi mo ako inistorbo ng napaka-aga para makapunta dito ha?!" Iritang ani Ni Luis. "Tsaka hindi ka talaga pwedeng umalis ng wala ako 'no!"


"Oo nga! Pinaliwanag ko na nga, tanga ka,"


Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon