Chapter 12

2.9K 212 14
                                    


Pagkatapos sabihin saakin ni Pam na isang Playboy daw si Matthew. Lumabas ulit kami kwarto at pinagtutulak papasok sa loob ng cr.


Tiningnan ko naman ng masama si Luis ng makita ko syang tinatawanan ako dahil sa pagtutulak saakin ni Pam.


"Maligo ka muna, iaabot ko nalang sayo ang napili kong susuotin mo," Ani nya pa at sinaraduhan ako ng pintuan.


Nang matapos akong maligo ay hinihintay ko nalang si Pam na katukin ako mula sa loob ng cr.


Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong pumayag sa date kuno na sinasabi ni Pam. Pumayag ba ako dahil sa narinig ko? Biglang nanamang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Pam. Playboy? Si Matthew? Pinaglalaruan nya ba ako? Hindi naman siguro. Tsaka bakit nya naman ako paglalaruan? Praning lang ako! Biglang hindi gumanda ang pakiramdam ko. Hindi ko 'to ginusto.


"Sha?" Gulat akong napalingon kay Pam na hawak ang doorknob ng pintuan ng tawagin nya ako, hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Hindi ko pala na lock ang pintuan? Buti nalang nakatapis na ako at walang nagtangkang pumasok. "Tapos ka na maligo? At okay ka lang? Ang putla mo!"


"Okay lang ako," Sagot ko at tiningnan sya nya masama. "Hindi ka kumatok!"


"Sorry naman, hindi mo kasi nilock. Uso maglock girl," Paninisi nya pa saakin. At inabot saakin ang isang light blue dress. "Oh, ito suotin mo, dalian mo ah," 


Nang makalabas na si Pam ay nag-aalinlangan pa akong isuot ang  ipinahiram nanaman nya saakin na dress. Pero sa huli ay sinuot ko rin.


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin ng maisuot ko ang ipapahiram nanaman saakin ni Pam. Isang light blue na dress ang pinahiram nya saakin. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa suot kong ito. Pero natatakpan ang ng dress ang balikat ko, fitted din sa bewang ko at hanggang sa talampakan ko ang haba ng nito.


Nang maisuot ko na nang maayos ang dress ay nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko pang nag-aabang si Pam sa sala.


Nang makita nya ang kabuohan ko ay nagulat pa ako ng patakbo syang nagtungo sa harapan ko. Kaya hindi ko maiwasang matawa. Hinila nya pa ako kaagad para magtungo sa kwarto ko. Nang nasa loob na kami ni Pam ay doon nya lang ako nagawang pagmasdam.


"Well.." Seryosong inikutan nya ako habang nakahawak sya sa baba nya na para bang naghahanap ito ng sagot at pagkatapos nya akong ikutan ay nagtatalon sya sa harap ko dahil sa, bagay ata saakin ang damit na pinasuot nya saakin. "I'm so Great! Lahat ata ng damit ko ay bagay na bagay sayo! Mas lalo kang gumanda sa suot mong yan!"


"Well, thanks to you," Natatawang sagot ko. Ang hilig nya talaga akong ayusan, kahit ayoko at higit sa lahat ay hindi mawawala sakanyang purihin ako. 


Naalala ko tuloy nung unang beses nya akong purihin, noong Christmas party namin nung grade 8 pa kami. Hiyang-hiya pa ako non dahil hindi ako sanay na purihin. Hindi na daw ako mukhang nerd sa damit nyang ipinilit na ipasuot saakin, dahil hindi nya nagustuhan yung dapat na sususotin ko. Pinatanggal nya pa saakin yung salamin ko nung araw na yon kaya medyo nanlalabo ang paningin ko non. 

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon