Chapter 08

2.9K 214 5
                                    


Katulad ng dati, sa front seat parin ako pinaupo. Bat ba lagi nalang akong pinapaupo dito?


"How's your day?" Napalingon naman ako sa nagsalita sa tabi ko. Ako ba ang tinatanong nya?


"Kami? Hindi mo tatanungin? Sya lang ba yung may ginawa buong araw?!" Madramang ani ni Luis sa likod ko. Ako nga ang tinatanong ng katabi ko. Umupo pa sa gitna namin ni Matthew si Luis, buti nalang at hindi nya inupuan yung kambyo.


Hindi nalang sya sinagot ni Matthew. "I don't care about you,"


"Wow?! Edi sana hindi ka saakin nagtext,"


"Pampam," Natawa naman ako sa sinabi ni Pam kay Luis.


"Sabato ka ah!" Ano daw?


"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala na, baliw na talaga 'to," Pang-aasar ulit ni Pam.


"Sabaterang sarap iuntog sa bato! Ayon ang ibig sabihin ng sabato, sakin mo lang maririnig yon kasi nga unique ako," Grabe iba talaga ang pagkabaliw ni Luis.


"Walang unique na papansin!" Nagsitawanan naman kami maliban kay Luis.


"Bakit pinagtutulungan nyo ako! Ikaw Pam! Hindi ka gugustuhin ni Shoun mo!"


"Personalan na ba 'to?!"


"Joke lang, ang ganda mo ngayon, anong shade ng liptint mo?"


Hindi ko nalang pinansin yung nag-aasaran sa likuran ko, Hindi ko narin sinagot si Matthew sa tanong nya saakin kanina kasi may sumingit, pero kahit wala namang sumingit hindi ko rin naman sya sasagutin. May silbi din ang pagiging baliw ni Luis.


Mabilis lang ang byahe dahil nakasasakyan kami at wala namang traffic. Nakita ko na kaagad ang isang restaurant, nagulat pa ako na mali ang inaasahan ko, akala ko sa pang sosyal na restaurant kami dadalhin dahil nga mayaman ang katabi kong 'to. "Aling Lisa's Bicol Express," Pagbabasa ko pa sa pangalanng restaurant.


"Masarap ang mga pagkain nila dito," Ani ng katabi ko. Tumungo-tungo naman ako habang tinitingnan ang kabuohan ng restaurant. Isang simpleng restaurant pero halatang masarap nga ang mga pagkain dahil ang daming nakain sa loob.


 Nahirapan pang makahanap ng pagp-parking-an dahil halos mapuno na ang parking-an. Buti nalang at may aalis na sasakyan kaya nakapagparking din kami.


Pagkahinto ng sasakyan bumaba kaagad ako, hinihintay ko nalang na magsilabasan sila sa sasakyan. Pagkababa ni Matthew, tumabi kaagad sya sa tabi ko habang hinihintay yung dalawa na nagtutulakan palabas sa sasakyan. Umusog pa ako ng kaunti para lumayo sakanya, naiilang ako!


"Tara na! Gutom na ako, uubusin ko pa lahat ng pera ni Matt," Takbo kaagad ni Luis papasok sa restaurant.


"Kung ako sayo Matt hindi ko t-tropahin yang si Raven, sakit lang sa ulo yan," Ani ni Pam habang nailing. Tinawanan naman sya ng kasabay kong maglakad. Bakit nga ba sinasabayan ako nito? kanina pa ako naiilang! Ang gwapo nya pang tumawa! 

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon