Chapter 04

3.1K 221 18
                                    


Sa buong byahe ay tahimik lang ako sa tabi ni Matthew. Sobrang hiya ang nararamdaman ko, buti nalang at hindi narinig nila pam sa likod ang pakikipag-usap saakin ni Matthew.


"Hoy Raven! Wag ka ngang magulo!" Sigaw ni Pam sa likuran ng sasakyan.


"Hala feeling 'to, ikaw kaya ang magulo,"


"Ang ingay! Kapag ako nawalan sa mood magbasa, malilintikan talaga kayo saakin!" Pang-sasaway ni Kat sa dalawa.


"Luh? Papansin si Kat,"


"Luh? Bida-bida si Raven Luis."


"Hala! Crush ako ni Kat! Inistalk ako!"


"Oo crush kita, pasapak nga."


Kanina pa maingay yung sa likod namin. Mga ilang oras ay tumahimik din sila. Ng tingnan ko ay mga tulog na ito.


Magdamag lang akong nakatingin sa bintana. Iniisip kung paano hindi maaakit kay Ma- Shit?! Maaakit? Nababaliw na ako!


Basta Sha hindi ka na dapat titingin kay Matthew para hindi ka lalong mapahiya.


Feeling ko magkaka stiff neck ako sa ginagawa kong tango at iling sa tingin ko ay mukha pa akong tanga. Tanghali na nang itigil ni Matthew ang sasakyan.


"Were here." Bigla naman akong napatingin sa gilid ko ng bigla nalang itong bumaba sa sasakyan.


Hindi ko alam na ang tagal ko na palang lutang. Tiningnan ko pa yung mga tao sa likod namin. Mga tulog pa sila kaya bumaba na rin ako sa sasakyan. Ano ng gagawin ko ngayon?!


Naistress ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung saan na nagpunta si Matthew. Nagmasidmasid nalang ako sa paligid, wala pa kami sa exact na falls, dahil may nakita akong sign na Hibuscus Camp. Akala ko falls ang pupuntahan namin? Dito pala kami pupunta pero akala ko sa falls?


"Asan na tayo? Are we here already? That fast?!" Gulat pa ako ng biglang lumabas si Pam. Mukha syang batang sabik na sabik na mabilhan ng kendi. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hindi ko nalang sya pinansin. "Kayo jan! Gising na!"


Naglalakad na pabalik si Matthew. Hindi sya nakakasawang titigan. Nagulat pa ako ng bigla syang napatingin saakin. Nag-iwas kaagad ako. Isa kang taksil Shaina!


"Dito na lang tayo sa Hibuscus Camp. Mas makakapag-camping tayo dito kaysa sa mismong Concosep falls. Consocep rin namang itong Hibuscus Camp," Sabi nya kaagad pagkarating sa harapan naamin. Nagsilabasan naman lahat ng tulog kanina.


Alam ko ang Consocep falls at Hibuscus Camp pero hindi pa ako nakakapunta alin man sa dalawang iyon. Ang daming nagsasabi na maganda ang Consocep falls dito sa Bicol. At ang dami rin nagsasabi na ang Hibuscus Camp naman ay parang Baguio, dahil na siguro sa malamig daw.

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon