Kinabukasan. Ingay sa buong bahay ang nakapag-gising saakin. Ang sama ng pakiramdam ko. Pagkalabas ko ng kwarto, ang paglamon ni Luis ang bumungad saakin. Iginala ko pa ang paningin ko baka sakaling makita ko sya.
Hindi ko alam kung bakit hinanap ko pa sya e, alam ko namang wala sya. Baliw na ako.
"Sha! Kain!" Pag-ayaya nya saakin. Tinunguan ko nalang sya at pumunta na sa banyo para gawin ang ginagawa ko tuwing umaga.
Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin. Pagkalabas ko ng banyo, iginala ko nanaman ang paningin ko. Sha! Wala nga daw sya ngayon hanggang sa linggo! Wag na umasa.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko habang umuupo.
"Sinusundo ka namin," Sagot ni Luis habang ang sarap ng kain. Tumungo nalang ako at kumain na din.
Hindi na saakin bago ang pagsundo nila saakin dahil noong naging magkaibigan na kami sinusundo na nila ako. Pero dati sundo lang ang ginagawa nila, pero nung mag-grade 9 kami, magsusundo tapos makikikain. Level up kumbaga.
Palihim na natawa ako naisip ko. "Dalian mo na jan Sha! Baka malate tayo. Ang malate pa naman magiging cleaners," Nagmamadaling Ani ni Luis.
"Cleaners tayo ngayon," Sagot ko. At tumayo na dahil tapos na ako kumain.
"Tanga," Tumatawang ani ni Pam kay Luis.
"Tuesday ba ngayon?" Tiningnan nya pa ang cellphone nya. "Oo nga, cleaners tayo ngayon. Salamat ma! Bukas ulit,"
Kinuha ko naman ang bag ko at sumunod na sakanila. Sa likod ako umupo katabi si Pam at si Luis ang umupo sa tabi ng driver seat. Hindi katulad kapag si Matthew ang nagd-drive ay sa tabi ako ng driver seat lagi pinapaupo nila Pam.
"Ang tahimik mo ngayon Sha? Ano meron?" Tanong saakin ni Pam.
Nilingon ko naman sya at nginitian. "Puyat lang ako, kasi nga sa Thursday na ang periodical test natin? Nagr-review ba kayo?"
"Bukas nalang ako magr-review para hindi ko agad makalimutan," Sagot saakin ni Luis habang busy sya sa kakalikot ng phone nya.
"Nagreview narin ako kagabi, pero hindi ako nagpuyat," Biglang ani Pam. Tinunguan ko nalang sya at umayos na ng upo.
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi dahil sa puyat ako. Dahil siguro sa nararamdaman ko. Sigurado na ba 'tong nararamdaman na 'to para sakanya?
Alam ko sa sarili ko na gusto ko na sya at indenial lang ako dahil hindi ko matanggap. Hindi ako tanga, na itatanggi na hindi ko sya gusto, pero ang totoo ay gusto ko sya.
"Ayoko.." Nakayukong umiiling na mahinang ani ko.
BINABASA MO ANG
Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]
Fiksi RemajaShaina Judy Flores is a poor woman who grew up in a poor family in the province and through her hard work and perseverance, she become one of the scholars of a wealthy University in Manila. What if, she finds out that she is not the real child of hi...