Chapter 02

3.1K 224 17
                                    


Tiningnan ko naman ang kamay nya nang ialok nya sa harapan ko. No choice ako at nakipag-shakehands na din.


"Shaina," Pagpapakilala ko habang nakikipag-shakehands, tumungo naman sya at umupo na ulit sa harap ng inuupuan ko.


Pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagbabasa, nag-usap naman agad sila.


"So bakit ikaw ang sumusundo saamin ngayon?" Pam asked.


"Ask your cousin."


"Bakasyon na nila. Mas advance ata talaga yung bakasyon nila kaysa saatin. In short dito sya magbabakasyon," Sagot ni Luis, kinakain nya na yung tinago nyang Ensaymada.


"Mga anak, dito muna kayo hangga't hindi pa tumitila ang ulan," Biglang litaw ni mama sa gilid namin. "Kumain narin kayo, nagluto ako ng masarap na ulam," Napatingin pa sya sa nakaupo sa harap ko. "Oh? May isa pa pala tayong bisita, ka'y gwapong bata naman nito."


"Ako mama! Ako ang pogi!" Biglang sabat ng sipsip. Sanay na talaga silang tawaging mama ang mama ko, mga sipsip, lalo ka na Luis!


"Oo naman gwapo ka rin naman," Natatawang sabi ni mama.


"Anong rin!? Ma? Hindi ako first na gwapo sayo?! Sha! Ipaglaban mo ako!" Tinawan ko naman sya at inirapan. "Isa kang traydor!"


"Gwapo mo kaya," Ani ko. "Bukas ililibre mo ako ah,"


"F.o tayo nyan!" Nagtawanan naman kami lalo sa sinabi nya.


"Wag nyo ng awayin yan si Raven. Oh sige na gwapo ka na," Naawang sabi ni mama kay Raven. "Pumunta na kayo sa lamesa doon sa kusina at kakain na tayo."


Nagsitayuan naman kami ngunit yung naka-upo sa harapan ko ay umiiglip. Napagod siguro sa pagpunta dito, mukhang wala pang kasamang pumunta dito, ganyang edad may lisensya na sya? Nakakabilib.


Nilapitan ko sya at kinalabit, dahil yung magpinsan ay nauna na. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganto kalapit, ang gwapo nya nga, makapal na kilay at pilik mata, matangos na ilong at higit sa lahat ang ganda ng kurba ng labi nya, ang pula hindi na kailangan lagyan ng kung ano-ano para lang mamula natural kumbaga.


Nagulat pa ako ng idilat nya yung mata nya, ang lapit ko pa naman sa mukha nya kaya halos matumba na ako, hahawakan nya pa na sana ako para alayan, pero nakatayo agad ako ng maayos.


"What are you doing?"


"G-ginigising ka?" Nauutal na sagot ko dahil sa kahihiyan.


"Why?"


"Baka kasi gabi na, kaya kakain na?" I said, full of sarcasm.


"Do i need to eat? I'm not hungry,"


Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon