Chapter 06

3K 216 6
                                    


Nagulat ako nang may bigla nalang kumalabit saakin, tinawanan pa ang reaksyon ko. Ang gwapo.


"Sorry, What's bothering you?" Marami.


"Wala, bababa na ako, ikaw rin ba?" Pag-iiba ko sa usapan. Hindi ko alam isasagot ko e.


"Not yet, i'm staying here for awhile," Ani nya at umupo ng maayos sa tabi ko. Tumingala sya at tinitigan ang langit. "I don't get it,"


"Huh?" Nakita ko syang ngumiti habang nakatingin sa langit.


"I don't know, why they need to do this," Hindi ko magets! English pa!


"I don't.. Get you,"  Nilingo nya ako, napaka seryoso ng mukha nya.


"You don't need to understand, what I want you to understand."


"Why?" Ano ba 'to? Q and A?


"Let's go back," Tumayo sya. "It's nice talking to you,"


"It's nice talking to you, too." Nakangiting ani ako at tumayo na rin.


Pagkababa namin wala ng tao. "Anong oras na ba?"


"It's already midnight," Hating gabi na? Ang bilis naman. "Nag-inuman sila,"


"Huh? Sino?"


"Them," Itinuro nya pa ang kubo na ang daming kalat. Tinunguan ko nalang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.


Naramdaman kong nasunod sya saakin. Hindi ko nalang pinansin baka kasi magkatabi kwarto namin.


Huminto na ako nang nasa tapat na ako ng kwarto namin at nagtatakang nilingo sya.


"Saan ang kwarto nyo?"


"There," Turo nya sa kabilang kubo na medyo malayo saamin. "Hinatid lang kita,"


Nginitian ko naman sya. "Thank you and goodnight,"


"Good night," Ani nya habang lumalapit sya saakin.


"O-okay," Naabanteng sabi ko.


Nang maramdaman ko yung pintuan sa likod ko ay tumigil na ako.


"Sweet dreams.." Nakangiting ani nya at mas lalong lumapit saakin. Iniyuko nya ang ulo nya para magpantay yung paningin namin dahil medyo matangkad sya saakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko!


One inch! One inch! At mahahalikan nya na ako! Gusto ko syang itulak pero hindi ko kaya, hindi na ako makagalaw parang naging yelo bigla ang katawan ko.

Anonymous Desire #1: Equivocate of Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon