Prologue

1.9K 64 8
                                    


Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ang lahat ng ito para lang sa isang lalaki, I mean bakit ako maghahabol kung nasaakin na ang lahat? I'm famous, I'm hella rich, I'm beautiful and I'm smart.

Ano pa bang wala saakin na hinahanap ni Edzakiel sa iba? Oo, nao-offend ako but I don't know why I can't stop pushing myself to him like, puwede naman akong mamili ng kahit na sinong gusto ko. But then I chose someone who doesn't even see me as an option to be her girlfriend.

Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala ko ang mga kagagohang ginawa ko para lang mapansin niya ang isang babae'ng katulad ko na kahit saan mapunta ay pinagkakagolohan ng lahat pero para sa kaniya ay isa lang akong babae na normal at hindi worth it pagkaroonan ng interes.

FLASHBACK

"May I call on Edzakiel Barber to come in the stage for awhile please?" I confidently called him out.

Nakita ko siya sa corridor ng school at may kasamang mga babae na halatang nagkokonwari lang na magpapaturo sa kaniya about some lesson pero obvious naman na nagpapacute kay Edzakiel.

Nabaling ang atensiyon saakin ng lahat, sa mismong araw ng intramurals kung saan kasali ako sa mga kandidata ng Mr. & Ms. Intramurals sa school ako aamin sa lahat kung sino ang lalaking gusto ko para tumigil na sa pang gugulo ang grupo nina Zed saakin.

Tinitigan ko si Ed na halatang nagulat nang tawagin ko ang pangalan niya, I know he likes me too and I can prove that to everyone right now, kung hindi siya aaminin ay ako na mismo ang gagawa noon para sa kaniya.

He slowly walked towards me with his usually blank face at nag papanggap na hindi gusto ang pag tawag ko sa kaniya, his hands inside his pocket that makes him look a lot cooler than any other boy in this school.

At nang makalapit siya saakin ay agad ko siyang nginitian.

"What do you want?" Magugulat sana ako sa pagiging direct to the point niya.

Pero kagaya nga ng alam ng lahat ganoon na talaga ang katangian ni Edzakiel and that's one of the hundred reasons as to why of all guys na interesado saakin ay siya ang napili kong gustohin.

"Well, first of all good afternoon to each and everyone of you, I would like to make a very big announcement today that might change your life." Pagbibiro ko pa at wala mang natawa ay wala akong pakialam doon. "Just kidding."

Suminghap ang lahat ng student sa paligid, alam kong hindi nila ko gusto at iniisip nila na masama ang ugali ko, wala akong pakialam dahil nasasakanila naman iyon kung sino ang gugustohin nila o hindi, I don't like them either.

"Ano bang kailangan mo? I'm busy, kaya dalian mo na kung ano man ang pakay mo sa pag papapunta mo sakin dito." Mahinang sabi ni Edzakiel saakin.

I smiled at him and suddenly grabbed his hands, naramdaman ko ang pagkagulat niya noong hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya but I still continued at hinarap siya.

"Edzakiel Barber, I want you to be my boyfriend." Deretsahan kong pag amin sa kaniya.

Nabigla ang lahat kagaya ng inaasahan ko, I have been planning to do this since last month, I mean I can do this anytime soon if I want to, but I want it to be special at gusto ko sa harap ng maraming tao, sa harap ni Zed.

"Ano?" Mahinang tanong saakin ni Edzakiel.

I smiled at him, saka ko hinila ang batok niya para mailapat ko ang labi namin sa isa't-isa, I didn't plan for it to be long pero iyon ang nangyari.

Hindi ko alam pero parang nag slow motion ang lahat noong maramdaman ko ang labi niya sa labi ko, it's not like it's my first time to kiss a guy, I'm a celebrity after all so I have dated a lot of guys before.

Pero ibang-iba ang pakiramdam ng labi ni Edzakiel sa labi ko, para bang saktong-sakto ito at ang labi niya talaga ang nakatadhanang mailapat sa labi ko, it was so magical and I love it.

But, the flouting heart around me fell to the ground when he suddenly pushed me lightly and looked at me with his disgusted face.

I was shocked...

All this time siguradong-sigurado ako na gusto niya rin ako, but then anong nangyari ngayon? Kung ibang lalaki ang nakahalikan ko siguro ay hindi na nila gugustohin pang pakawalan ang mga labi ko, but why Edzakiel?

"Answer her!" Ang sigaw ng lahat.

"Would you really be her boyfriend?"

"OMG! WHAT DID I JUST SAW?"

"IS SHE CRAZY?!"

Gusto kong sumigaw at itulak si Edzakiel pababa ng stage at kausapin siya ng masinsinan, pero noong mas umugong pa ang hiyawan ng mga schoolmates namin ay bigla niyang pinulot ang microphone na nabagsak ko noong itulak niya ako palayo sa kaniya.

"DO YOU LIKE HER? LIKE REALLY?!"

"SAY YES!"

"SAY YES!"

"SAY YES!"

Paulit-ulit na sigaw ng lahat, bigla akong napangiti dahil sa supporta ng lahat as expected ay mas marami parin akong fans dito sa school kesa sa mga taong ayaw saakin, and they make me smile each day.

Nabigyan ako ng pag-asa, tinignan ko si Edzakiel and he was there standing na para bang hindi siya mapakali at ang laking abala ng pangyayari na ito sa kaniya.

"MAN! SAGUTIN MO NA, NAPAKASWERTE MO SA KANIYA!" Sigaw ng alam kong kaibigan ni Edzakiel.

Nginitian ko siya at kinindatan, mukhang nagustohan naman niya iyon noong tumango siya saakin at paulit-ulit na pinilit si Edzakiel na sagutin ako.

"So ano na? Do you accept my offer Mr. Barber?" I asked him again.

"Bro! Hindi ka magsisisi, diba sabi mo may crush ka? Siya yun diba?" Mas lalo akong napangiti noong makita kong ngumiti rin ng bahagya si Edzakiel.

So may gusto nga siya saakin? How magical, I knew it from the start that he likes me, sino ba naman ang hindi magkakagusto saakin? I'm famous, I'm beautiful and I'm rich.

Hindi ko alam kung ano pang hahanapin niya sa iba na wala sakin, I am a perfect girlfriend for him.

"I'm sorry, pero may girlfriend na ako..."

Natigil ang hiyawan nang sabihin iyon ni Edzakiel, at napanganga ako nang bigla niyang hablotin ang best friend ko na isa sa dalawang MC ng Mr. & Ms. Intramurals, he grabbed Narsha's hands and took her away from the stage kung saan hindi namin sila mahagilap.

And from there, nagsigawan ang lahat at sari-sari ang mga opinyon nila sa nangyari, may ibang nabigla at nalungkot may mga sinabing ipinahiya ko ang sarili ko, may iba namang walang pakialam at higit sa lahat may ibang nagalit.

Oo, galit ako dahil sa nangyari, syempre gusto ko si Edzakiel at umamin ako sa kaniya sa harap ng maraming tao, there are camera's everywhere and I am sure na magv-viral ang pangyayaring ito sa internet.

Most of the people will judge me, and I am used to that, and some people will give me pity but I don't care.

Galit ako kay Narsha, kasi ipinagpalit ako ni Edzakiel sa isang nerd, servant, cheap at walang sense of fashion na babae, ang sabi nga nila may lechon na nga naghanap pa ng kwek-kwek.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako pinanghinaan ng loob, at mas lalo lang akong ginanahan na mapasaakin si Edzakiel, the answer behind the question about why I like Edzakiel Barber more than anyone because I know he is different and kindda weird.

And I will work my ass off until I take his heart and make him love me back.

Hindi ako binansagang pambansang desperada kung susuko ako ng ganito kaaga.

Edzakiel Barber, I will make sure that, I'll Be Your Someday.






Disclaimer:

This is a work of fiction. Any resemblance of events, places, businesses and names of people dead or alive is a coincidence only.

2019

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon