CHAPTER 5

14.4K 342 5
                                    



"PAPA!" gulat na wika ni Diane sa ama nito at siya namang pagpasok ng mga tauhan ni Don Gostavo at hinawakan nila si Steven sa magkabilang kamay, at lumapit si Don Gostavo sa anak niyang si Diane....

"Magbihis kayo!" utos ng Don sa kanilang dalawa... "At kayo alam nyo na kung saan nyo dadalhin ang lalaking yan!" sigaw na baling ng Don sa mga tauhan nito.

"Papa! huwag nyo pong dadalhin si Steven... Papa! please huwag nyo siyang sasaktan! papa!" pakiusap ni Diane sa ama nya at nagsisimula ng nagsibaksakan ang mga luha ni Diane.

"Ang sabi ko mabihis kayo!" sigaw pa ng Don sa kanila, at sila'y nagbihis na at walang babala na sinunok ng dalawang tauhan ni Don Gostavo si Steven, na siyang nagpatakbo kay Diane palapit kay Steven.

"Papa! no... stop it! papa mahal ko si Steven at mahal nya ako, parang awa mo na papa, pabayaan mo na kami." umiiyak na pakiusap ni Diane sa ama nito na siya namang lapit ni Don Gostavo sa anak at.......

"PAK!" sampal nya kay Diane...... "Suwail kang anak! anong ipapakain sayo ng lalaking yan... mabubuhay ka ba nyan? mag isip isip ka nga Diane!" sigaw ni Don Gostavo sa anak at sabay hila dito at agad namang lumapit ang dalawang tauhan pa ni Don Gostavo at humawak kay Diane.

"Papa, parang awa mo na..... pabayaan mo na kami ni Steven." pagmamakaawa ni Diane sa ama.

"Don Gostavo, mahal ko po ang anak nyo gagawin ko po ang lahat para maibigay ko po sa kanya ang mga kailangan nya." sabat naman ni Steven sa usapan ng mag-ama.

"Ikaw!? ano bang magagawa ng isang hampas lupang kagaya mo? Masyado kang mataas mangarap iho..... ilugar mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan." sagot ni Don Gostavo kay Steven..... at dahil pilit paring kumakawala si Steven sa pagkakahawak sa kanya ng mga tauhan ni Don Gostavo ay inundayan na naman siya ng mga suntok sa sikmura at sa mukha nito..

"Papa! tama na!!! tama na!" sigaw ni Diane sa papa nito at sa mga tauhan nito at bumaling ang Don kay Diane.

"Pak!" gumising ka Diane..... "Itigil mo na ang kahibangan mo." sampal uli ni Don Gostavo kay Diane.

"Kayo alam nyo kung saan nyo yan dadalhin." utos ni Don Gostavo sa mga tauhan nito at kinaladkad na nila si Diane palabas ng kwarto.

"Papa, saan nyo dadalhin si Steven papa?" iyak na tanong ni Diane sa papa nito na di sinagot ng Don at patuloy parin nilang kinaladkad si Diane pasakay sa isang sasakyan at si Steven naman ay inundayan pa ng ilang suntok bago nila sinakay sa isa namang sasakyang dala nila.

"Papa parang awa mo na, hayaan mo na kami ni Steven! papa! papa!" pagmamakaawa ni Diane sa ama na parang walang naririnig.

"STEVEN! STEVEN! MAHAL KO! STEVEN!" sigaw ni Diane hanggang naipasok na nila ito sa loob ng sasakyan..

"DIANE DIANE DIANE MAHAL KO!" sigaw din ni Steven

"PANGAKO DIANE BABALIK AKO..... BABALIKAN KITA! DON GOSTAVO PAG NAGKITA TAYO ULI IKAW NAMAN ANG YUYUKO SAKIN! PANGAKO YAN!" mahinang sigaw ni Steven na umabot sa pandinig ng Don, at bago pa nila naipasok si Steven ay sinuntok pa nila ito ng ilang beses hanggang sa nanghina na ng tuluyan at ito'y kitang kita lahat ni Diane.

"Papa, huwag nyong papatayin si Steven papa mahal ko sya. PAPA!!!!!!!" sigaw ni Diane na binaliwala lang ni Don Gostavo

"Sige tayo na." utos ni Don Gostavo sa driver nila. at umalis na sila at naiwan si Steven sa mga tauhan ng papa nya.

Samantala sa mansion ng mga Villasis hindi na mapakali si Aling Carol na parang ang kalahati ng puso nya ay namamatay na parang nawalan ng pakiramdam at puno ng kaba ang dibdib nito...

"Diyos ko po! ano po tong nararamdaman ko! ang anak ko po! patnubayan Nyo po sya! bantayan Nyo po sana sya lagi!" taimtim na panalangin ni Aling Carol ng bigla nalang nabitawan nya ang hawak hawak nyang baso, na lalong nagpakaba sa kanya at tamang tama namang tumatakbong papalapit si Donya Emma sa kinatatyuan nya...

"Carol..... Carol... Carol!" tawag ni Donya Emma kay Aling Carol

"Bakit po Donya Emma." sagot ni Aling Carol sa Donya ng biglang lumuhod ito sa harapan nya.

"Carol... patawarin mo ako! patawarin mo ako?" paghingi ng tawad ni Donya Emma kay Aling Carol na inawat naman ni Aling Carol sa pagkakaluhod ni Donya sa harapan nya.

"Donya Emma bakit po?" nag aalalang tanong ni Aling Carol dito.

"Ang asawa ko.. alam nya na kung nasaasn ang dalawa. Carol ako..... ako ang tumulong sa kanila para maging masaya sila pero ako pa ata ang dahilan ng kinapahamak nila lalo na si Steven. huhuhuhuhu" iyak na pahayag ni Donya Emma kay Carol na syang nagpahina kay Aling Carol.

"Ang anak ko! ang anak ko!" sigaw ni Aling Carol na kinabigla ng lahat ng tao sa mansion.

"HINDI!!!" STEVEN" sigaw ni Aling Carol na di alam ang gagawin at puno na ng luha ang mga mata.

VILLARAMA MANSION!!
Nagtaka si Don Philip dahil sa biglang paglakas ng kaba ng dibdib nya na parang namamatay ang kalahati ng puso nya ng di nya maintindihan...

"Baka nasasabik lang akong makita ang mag-ina ko?" sa isip ng Don.

"Mahal ko, malapit na tayong magkakasama ng anak natin." sa isip ni Don Philip.

Pero di parin maalis sa isip ni Don Philip kung bakit sya kinabahan ng ganun kalakas sa tanan ng buhay nya....

"Sana nasa mabuting kalagayan ang mag-ina ko." sa isip pa ng Don.

Samantala sa habang palabas palang ng bakuran ang sasakyang kinalululanan ni Steven ay may humarang dito na dalawang sasakyan at bumaba ang anim na kalalakihan.. at walang ano ano ay kinuha nila dito si Steven na nanghihina na at halos wala ng malay.....

"Dalhin nyo yan at ilagay sa sasakyan." utos ng pinakapinuno nila at sumunod naman ng mga tauhan nito, hanggang sa umalis ang dalawang sasakyan na dala si Steven.

Lahat ng iyon ay nakita ni Mang Rico ang katiwala sa bahay na yun na pag aari ni Donya Emma.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon