"Oh! Hi pare! kumusta?" bati ni Mr. Allan sa kaibigan nitong si Don Gostavo Villasis."Ito ok lang pare... ikaw..... kumusta ka na? ang laki na ng pinagbago mo?" masayang saad ni Don Gostavo kay Mr. Allan Bernardo.
"Alam mo Gostavo.... ako parin ito, si Allan Bernardo.... ikaw ang malaki ang pinagbago? Ikaw ang kumusta?"
"Wala naman pare ganun parin ako... ah siya nga pala misis ko si Emma, mahal ko, ang kaibigan ko na matagal na panahon na hindi kami nagkita si Allan Bernardo." pakilala ni Don Gostavo sa dalawa.
"Atlast nakita narin kita ng personal Mrs. Villasis.... matagal ko ng alam na ikaw ang napangasawa ng kaibigan ko at naririnig ko na ang pangalan mo before at ngayon.... because you're one of the hiers of Montemayor family. I'm.... so glad to meet you."
"Same to you Mr. Bernardo, I'm glad to meet you too.." sagot naman ni Donya Emma dito sabay abot ng kamay ni Mr. Allan Bernado..... "At hindi naman ako ang hier ng pamilya namin.. Mr. Bernardo, baka si kuya ang naririnig mo at hindi ako?" pagkakaila naman ni Donya Emma dito na siyang kinangiti nito.
"Napapansin ko masyadong pormal ang tawagan ninyong dalawa... kaibigan kita Allan kaya kaibigan ka narin ng pamilya ko kaya ok lang na mga pangalan natin ang itawag natin sa isa't-isa." saad naman ni Don Gostavo sa kanila na inayunan naman nila.
"Mahal ko.... maiwan ka muna namin ni Allan at may pag-uusapan lang kami, ikaw na ang bahalang mag-order ng mga pagkain natin mahal ko." paalam ni Don Gostavo sa asawa nito na sinang-ayunan naman ni Donya Emma.
AVC HOTEL:
Dahil sa sitwasyon ay hindi na nakapalag si Zander ng posasan na ito ng mga NBI at ibababa na ito sa parking lot ng biglang may dumating na dalawang babae kaya napatigil ang mga ito...."D!" sabay na tawag nila Zai at MG.
"D? are you ok?" nag-aalalang tanong ni Zai dito.
"Yes, I'm ok now... bakit andito kayo?" takang tanong ni Derick sa dalawang best friend nito, dahil sinandya niya talaga na hindi na ipaalam sa dalawa ang sitwasyon nito dahil alam nito na busy ang dalawang kaibigan nito sa kanilang mga buhay may-asawa.
"Ang daya mo D... noong kami ang nangailangan ng tulong andyan ka para sa amin... ngayon naman na ikaw ang may mabigat na problema sinusulo mo lang..." tampong saad pa ni Zai dito na kinatango naman ni MG tahimik lang ito dahil may alam narin ito sa buhay ni Derick.
"At kaya kami andito dahil gusto naming damayan ka.... at D... totoo ba ang nalaman namin kay MG at AV na ... na asawa mo si Diane Villasis six years ago pa?" tanong ni Zai dito.... na siyang kinatango ni Derick.
"Kaya pala ng first meeting nyo noon sa birthday party ni mama Margareth para siyang nakakita ng multo sa katauhan mo." saad ni Zai dito ng maalala nito ang tagpong iyon.
"Oo Zai... pero that time hindi ko pa siya kilala, nakalimutan ko ang nakaraan ko dahil sa Moran na iyan.... siya ang nagpabugbog sa akin at siya rin ang huling pumalo sa ulo ko ng baseball bat noon." paliawanag ni Derick kay Zia at si MG ay nakikinig lang dahil alam na nito ang kwento ng buhay ng best friend nila.
"D, gusto kung makita ang mga anak mo ang sabi sa akin ni MG kambal daw sila.... babae at lalaki pa at kamukhang kamukha mo pa daw." saad ni Zai dito na nakalarawan ang kasiyahan sa mukha nito.
"Soon Zai soon... hindi pa nila alam na buhay ako... na ako si Steven Robles ama nila pero ngayong nahuli na ang mag-amang Moran na iyan... magpapakilala na ako sa kanila."
"Aasahan ko iyan D." wika uli ni Zai ng may maalala ito..."D, siya ba ang may kagagawan ng lahat... sa pagkawala ng memorya mo?" tanong ni Zai dito sabay turo kay Zander...
![](https://img.wattpad.com/cover/24231886-288-k180180.jpg)