CHAPTER 33

18.7K 383 6
                                    



Dala ng kuryusidad ng mag-asawang Villasis... sinundan nila ng tingin ang mga apo nila na patakbong sumalubong sa mga bagong dating at ganun nalang ang gulat ng mag-asawa ng mapagsino nila ang isa sa mga ito.

"CAROL!" gulat na bigkas ni Donya Emma.

"Donya Emma... Don Gostavo!" gulat na wika rin ni Donya Caroline dahil hindi niya akalain na makikita niya ang mga ito dito sa pamamahay ni Diane at biglang maalala ni Donya Caroline ang sinapit ng anak sa kamay ni Don Gostavo noon... kaya nanginig ang laman nito sa galit kay Don Gostavo na siya namang naramdaman ni Don Philip kaya hinawakan ang asawa nito sa bewang na nagsasabing magpakahinahon lang siya.

"Ca-carol?" nauutal na tawag ni Don Gostavo kay Donya Caroline....  "Carol ikaw ba iyan....? Carol ang tagal kitang pinahanap para humingi ng tawad sa iyo sa nagawa ko sa anak mo." pahayag ni Don Gostavo dito.... "Carol."

"P-Pinahanap nyo ako Don Gostavo!?" gulat na wika ni Donya Caroline ng mahimasmasan ito.... "Pinahanap nyo ako para humingi kayo ng atawad o.... para patayin din ako gaya ng ginawa nyo sa anak ko." galit na sagot ni Donya Caroline dito.

"Carol alam ko..... alam ko hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko sa anak mo.... pero nagsisisi na ako.... anim na taon ko narin na dinala ang bigat sa aking konsinsya at kalooban ko ang ginawa ko noon.... pero Carol maniwala ka man o hindi..... hindi iyon ang plano ko para sa anak mo.... may plano ako sa anak mo pero hindi iyon.... hindi iyong kitilin ang buhay nito." naiiyak na saad ni Don Gostavo na nakalapit na pala ito kila Don Philip at Donya Caroline.

"Don Gostavo kung hindi iyon ang plano nyo sa anak ko.... ano Don Gostavo? Alam mo bang hindi ko lubos na makilala ang anak ko noong makita ko siya Don Gostavo.... sira ang mukha ng anak ko at naliligo sa sarili niyang dugo... paano ko kayo mapapatawad Don Gostavo? PAANO? Sabihin mo sa akin kung paano Don Gostavo?" galit naring tanong at iyak ni Donya Caroline dito at dahil sa eksinang nakikita ni Diane ay tinawag na nito si Lucy para ilabas muna ang mga bata... na siya namang ginawa ni Lucy at sinunod ng mga bata na makikita sa mga mukha nila ang pagtataka.

"Carol... Hindi ko na alam ang nangyari noon dahil iniwan ko si Steven sa mga tauhan ko noon hindi ko na alam ang nangyari." pagsusumamo ni Don Gostavo..... "N-Nabalitan ko nalang noon na patay na si Steven.... hindi iyon ang plano ko Carol." giit pa ni Don Gostavo habang naglalabdas na mga luha nito sa pinsnge..... "Mahigpit.... mahigpit ko na pinagbilin sa mga tauhan ko na dalhin si Steven sa isang lugar... sa isang rest house namin sa Tagaytay... para doon ko turuan ng lahat ng bagay na may kinalaman sa mga kabuhayan namin.... dahil noon paman alam ko ng siya na ang mapapangasawa ng anak ko.... lalo na ng hindi sumipot ang anak kong si Daine sa engagement party nila ni Zander... doon palang tanggap ko ng siya ang kapalaran ng anak ko... at alam ko na  doon liligaya ang anak ko.... pero kailangan ko paring magmatigas at paghiwalayin sila pansamantala para ituro lahat sa anak mo ang dapat niyang matutunan sa aming kabuhayan... at alam ko rin na mas pipiliin ni Diane ang makasal at makasama ang tanong mahal niya kaysa makasal sa iba." mahabang paliwanag ni Don Gostavo na nakaluhod na sa harapan ni Donya Caroline at siya namang lapit ng mag-ina nito na sina Diane at Donya Emma.

"Papa,... tama na po... tapos na po iyon." umiiyak naring awat ni Diane sa papa nito sa pagkakaluhod sa harapan ng mag-asawang Villarama.

"Gostavo mahal ko... totoo ba ang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Donya Emma sa asawa nito..... "Hindi.... hindi ikaw ang kumitil sa buhay ni Steven?" gulat na tanong ni Donya Emma sa asawa nito na siyang kinatango ni Don Gostavo.

"Kunng totoo iyang sinasabi mo Don Gostavo.... bakit humantong sa kamatayan ang anak ko?" tanong ni Donya Caroline dito... "Ikaw lang.... ikaw lang ang may galit sa anak ko noon dahil minahal niya ang kaisa-isang anak nyo..... iyon ang kasalanan ng anak ko sa inyo... iyon lang Don Gostavo pero ano ginawa mo.... ano!?" galit naring tanong ni Donya Caroline dito.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon