CHAPTER 1

33.4K 434 8
                                    



"Inay, tulungan ko na po kayo dyan?" saad ni Steven sa inang na abala sa pagluluto ng kanyang agahan.

"Huwag na anak, mag-aral ka nalang dyan...... at kaya ko nato." tutol naman ng ina ni Steven na si Aling Carol.

"Inay, hayaan nyo po kapag nakatapos na po ako ng kolehiyo..... titigil na po kayo sa pamamasukan sa mga Villasis.... ako na po ang magtratrabaho para sa inyo." wika ni Steven sa ina sabay yakap dito.

"Tama anak, kaya dapat mag-aral kang mabuti... para makapagpahinga naman si nanay." sagot naman ni Aling Carol sa anak sabay yakap din dito.

"Opo nay, hayaan nyo po nay..... magiging magna cum laude po ako sa pagtatapos ko ng kolehiyo, pangako po." sagot at pangako ni Steven sa ina na siyang kinangiti naman ni Aling Carol.

"Alam kong makukuha mo iyan anak dahil matalino ka." sagot naman ni Aling Carol sa anak.

"Opo, dahil kayo po ang nanay ko." sagot pa ni Steven sa ina at..... "Inay, salamat po at pinalaki nyo po ako, inaruga at pinag-aral... mahal na mahal ko po kayo inay." madamdaming pasasalamat ni Steven sa ina na lalong humigpit ang yakap ni Aling Carol dito.

"Syempre kasi anak kita at ika'y mahal na mahal ko.... at gagawin ko ang lahat para makatapos ka ng pag aaral." tugon naman ni Aling Carol saanak na si Steven.

"Nay, siguro kung buhay lang po si tatay masaya rin sya ngayon para sakin." pahayag pa ni Steven sa ina.

"Oo naman anak..... dahil mahal na mahal ka ng tatay mo." sagot naman ni Aling Carol sa anak at.... "O, sige na anak at papasok na ako sa Mansion at baka malate pa ako, pagalitan na naman ako ni Aling Matilda, iyong katiwala sa mansion." paalam at paliwanag ni Aling Carol sa anak.

"Inay ihahatid ko na po kayo, wala naman po akong gagawin ngayon.... mamaya pa po ako maglilinis dito sa bahay..... and remember nay its saturday." pahayag ni Steven sa ina..... Nais nyang maihatid ang kanynag ina dahil narin sa kagustuhan nitong masilayang muli ang nag-iisang dalaga ng mga Villasis.

Tuwing sabado ay hinahatid nya ang kanyang ina sa Mansion ng mga Villasis dahil gusto nyang ligtas na makarating ang nanay nya sa mansion at makita na rin ang dalagang Villasis. Ang mga Villasis ay isang kilalang pamilya at isa sa pinakamayaman sa lugar ng Bulacan.

"O, Sige na nga... halika na anak baka makidnap pa ang nanay mo." biro naman ni Aling Carol sa anak.

"Opo nay, tayo na po." sagot naman ni Steven sa ina at..... "Ang ganda kaya nga nanay ko, at kamukha kita, kaya gwapo ako." wika ni Steven sa ina na siyang kinangiti ni Aling Carol at sabay na silang lumabas ng bahay nila patungo sa mansion ng mga Villasis.

"Mmmmmm.... salamat anak pero mas kamukha mo ang tatay mo, subrang gwapo nya kagaya mo." saad ni Aling Carol sa anak na may bumalot na lungkot sa mga mata ni Aling Carol....

"Talaga nay?"

"Oo.... kaya tama na iyang pambubula mo sa akin at bilisan na nating maglakad para makarating na ako sa mansion." sagot at pagtatapos ni Aling Carol sa usapan nilang mag-ina.

Pagdating nila sa may gate ng mansion ng mga Villasis ay pumasok na ang kanyang ina....

Sa tuwing inihahatid ni Steven ang kanyang ina ay lagi nyang tinititigan at tinitingala ang napakalaking bahay at...

"Kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong bahay, para sa nanay ko?" sa isip ni Steven habang nakatingin sa malaking bahay ng mga Villasis.

Samantala sa loob naman ng mansion ay abala ang lahat na kasambahay sa mga gawaing bahay.... at sa loob ng isang nakasaradong silid sa pangalawang palapag ng mansion ay nandoon ang nag-iisang anak nila Don Gostavo at Donya Emma Villasis na walang iba kundi si Diane... na kadungaw sa may bintana at kitang-kita nya ang isang gwapong lalaki na nakatingala sa mansion nila na wari'y kay lalim ng iniisip nito kaya.....

"Sino kaya sya?" tanong ni Diane sa sarili nito.

Diane Villasis ang nag iisang anak nila Don Gostavo at Donya Emma na labingwalong taong gulang.

"Ang gwapo naman nya?" wika pa ni Diane sa sarili habang nakatingin parin sa lalaking nakatayo sa may harapan ng bahay nila.

"Bakit ganun... ang bilis ng tibok ng puso ko?" tanong ni Diane sa sarili sabay kapa sa sariling dibdib. "Siguro anak ni Aling Carol yun?" tanong pa ni Diane sa sarili at bumaba si Diane at dali-dali nitong pinuntahan si Aling Carol na abala sa paglalaba ng mga damit nila.

"mmmm... magandang umaga po." pabulong na bati ni Diane kay Aling Carol na kinagulatnaman ng huli.

"Sinyorita!!! magandang umaga din po! Ano po maipaglilingkod ko po sa inyo?" nababahalang tanong ni Aling Carol kay Diane.

"mmmm... nay...... may itatanong po sana ako sa inyo?" nahihiyang tanong ni Diane dito.

"Ano po yon sinyorita?" takang tanong ni Aling Carol kay Diane.

"Mmmmmm..... Kaano-ano nyo po yong naghatid sa inyo? K-kwan po kasi....... nakita ko po kasi kayo kanina sa may gate na..... na.... kasama nyo po ito." nahihiyang tanong at paliwanag ni Diane kay Aling Carol na syang kinangiti nito.

"Eh! sinyorita... anak ko po yun, tuwing sabado po kasi, sya ang laging naghahatid sa akin dito sa mansion nyo." paliwanag ni Aling Carol sa dalaga.

"Ah! ganun po ba? Ilang taon na po sya? kasi po wala po akong kaibigan.... baka pwede po syang maging kaibigan ko po, atleast anak nyo po sya at kilala na po kayo ni papa." mahabang paliwanag ni Diane kay Aling Carol.

"Pero sinyorita...... baka po magalit ang papa nyo?" nag-aalalang tanong ni Aling Carol dito.

"Aling Carol, ako na po ang bahala kay papa, pagbibigyan nya naman siguro ako ni papa, di po ba?" tanong ni Diane kay Aling Carol

"Ewan ko po sinyorita.... pero alam nyo naman po ang papa nyo?" sagot ni Aling Carol sa dalaga.. "At saka busy po ang anak ko ngayon sa pag aaral." pagdadahilan pa ni Aling Carol.

Magsasalita pa sana si Diane ng makita nitong palapit na sa kanila ang kanyang yaya na si Aling Cita.

"Sinyorita tawag po kayo ng papa nyo sa sala." saad agad ni Aling Cita sa alaga.

"Sige po pupunta na po ako doon, salamat po Aling Carol." paalam ni Diane kay Aling Carol. At pumunta na si Diane sa sala nila at nadatnan nya doon ang mag-asawang sina Don Robert Moran, ang maybahay nyang si Donya Olivia Moran at ang nag-iisang anak nila na si Xander Moran, na mulat sapol ay hindi na nya kasundo.

"Oh, iha you're here, come lets join us." yaya ng ama nitong si Don Gostavo kay Diane.

"Iha, you're so beautiful! come sit here beside me." puri at anyaya naman ni Donya Olivia kay Diane, at umupo nga si Diane sa tabi ni Donya Olivia.

"You know iha, bagay na bagay kayo ng anak kong si Xander." wika ni Donya Olivia at.. "Balae dapat planuhin na natin ang kasal ng mga anak natin?" baling naman nito sa mag-asawang Villasis.... na sinang-ayunan ng papa nya na kinagulat nya...

"What?! Papa!" sigaw at biglang tingin ni Diane sa papa nito.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon