Sa pagbukas ng pintuan ay napatingin ang batang lalaki sa kanila na agad na tumakbo papalapit sa kinaroroonan nila..."Mummy!!!" sigaw ni Steven Jr, at tumakbo itong papalapit kay Diane at yumakap.... "Where have you been mummy?"
"Hi! Baby Prince." sagot naman ni Diane sa bata..... "May sinundo lang si mummy." sagot naman nito sa anak at.... " But.... Baby why are you here?" tanong ni Diane sa batang lalaki "Lucy bakit kayo nandito di ba tulog na dapat si Steven sa oras na ito?" baling naman ni Diane sa yaya ng mga anak.
"Eh, Ma'm nag-iiyak po kanina si Steven ng hindi kayo mahanap sa loob ng bahay kaya po nagpahatid na po kami dito sa Taxi." paliwanag ni Lucy dito. magtatanong pa sana si Diane dito ng magsalita uli ang bata...
"Mummy! Where have you been? I can't see you at home?" tanong uli ng batang lalaki kay Diane, at ng makalapit na ito kay Diane ay yumakap ito at humalik sa pisnge ng ina, ng yumuko si Diane para salubungin ito.
"I just went somewhere, Baby Prince... and look!!! I brought your Uncle DL here." sagot ni Diane sa anak, na kinatingin ng bata sa mga kasama ng kanyang ina.
"Wait! Wait!" awat ni DL sa kanila.... "MUMMY!?" gulat na turan ni DL dito.... "This little cute guy he.... he called you Mummy!?" wika pa nito habang palipat lipat ang tingin niya sa mag-ina.
"DL..."
"What is going on here Diane!?"
"DL." tawag ni Diane dito at.... "I will explain."
"Yes you must Diane." sagot ni DL dito ng magsalita ang asawa nito.
"Oh My God! DL Babes, sabihin mo na nagkakamali o namamalikmata lang ako sa aking nakikita?" mahinang saad ni MG sa asawa nito.
"Why?" tanong naman ni DL sa asawa nito.
"Look at this little cute boy... look Babes.." utos pa nito sa asawa na siya namang ginawa ni DL at...
"You got it right Babes!?"
"Yeah!" sagot ni DL sabay tingin kay Diane ng... "How can na magkahawig sila ni Villarama?" sa isip pa nito.
"Hi! po.. Good evening po." bati ng bata sa mag-asawa sabay ngiti nito sa kanila na siyang nagpalabas ng dalawang biloy nito sa pisnge.
Dahil sa tuwa ni MG na hindi maipaliwanag ay kusa narin itong lumuhod sa harapan ng bata at walang ano-ano ay niyakap niya ito...
"Baby, How are you? Your so handsome! and kamukhang kamukha mo siya alam mo ba?" wala sa sariling tanong ni MG sa bata.
"Thank you po Aunt." sagot ng bata kay MG, magsasalita pa sana si MG ng marinig nilang nagsasalita si Stephanie.
"Dad-dy.... Dad-dy..." tawag ni Stephanie sa ama habang tulog ito.... "Dad-dy... Dad-dy!!!" ulit pa nito na siyang paglapit ni Diane sa higaan ng anak at sumunod narin sina MG at DL dito habang karga naman ni DL si Steven Jr.
"Baby Princess... Shhh don't worry Daddy will coming soon ok.... Just get will soon baby." saad ni Diane sa anak na nakahiga sa kama. Na siyang bukas uli ng pintuan at iniluwa si Donya Emma ang mama ni Diane.
"Diane nakakuha ka na ba ng larawan ni Steven anak?" tanong ng ina nito ng makita ni Donya Emma na hindi nag-iisa ang anak nito.
"Ah! mama andito po si DL at ang asawa nito na si MG." pagbibigay alam ni Diane sa ina.
"Tita good evening po kumusta na po kayo? Tita siya po ang asawa ko si MG." pagbati ni DL sa ginang at pakilala sa asawa nito.
"Good evening po tita." bati rin ni MG sa ina ni Diane.