Dahil sa narinig ni Diane ay hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan niya."Hindi ako papayag na panghimasukan nyo ang puso ko papa, naging masunurin ako sa inyo sa lahat lahat pero huwag naman po sana pati puso ko eh diktahan ninyo." ngitngit ni Diane sa sarili.
"Tama yang sinabi mo kumadre, dapat na nating iplano yan para may mga apo narin tayong aalagaan." sagot naman ni Don Gostavo sa sinabi ni Donya Olivia Moran.
"Alam mo kumpadri, kapag naikasal na mga anak natin..... tiyak na mga gwapo at maganda ang mga apo natin." sabat naman ni Don Robert Moran na siyang nagpaismid kay Diane na kitang-kita ito ng mama nitong si Donya Emma...
"Syempre papa mana ako sa inyo... at wala sa lahi natin ang pangit." singit naman ni Xander sa mga to... na mas lalong kinangiti ng papa ni Xander.
"Alam nyo magmerienda muna tayo mamaya na natin pag usapan yan." sansala ng mama ni Diane, dahil alam nya kung ano ang nararamdaman ng anak nya ng oras na iyon.
"Mabuti pa nga." sang-ayon ng papa ni Diane at sabay-sabay na silang tumayo at sila'y nagtungo sa harden kung saan nakahanda ang mga nagsasarapang pagkainna mga native delicasies na gawang Pinoy.
Habang abala ang mga magulang nito sa pakikipag-usap sa mga Moran sa mga sari't-saring problema tungkol sa negosyo nila at sa pagplaplano sa kasal nila ni Xander ay nagpaalam muna sya...
"Ma, pa tita and tito, can I go to my room first?." paalam ni Diane sa mga to...
"Why iha? may dinaramdam ka ba ngayon?" tanong ni Donya Olivia kay Diane na parang isa na nitong anak.
"I-I just..... not feeling well tita." matipid na sagot ni Diane kay Donya Olivia.
"Ah, ok! but if you want.... Xander can send you to your room, right son?" saad ni Donya Olivia kay Diane sabay baling sa anak nito.
"No, I'm ok tita, thank you." pagtanggi ni Diane sa alok ng Donya.
"Mama, Diane is big already, she know where's her room." sagot naman ni Xander sa ina.... na may ngiti sa mga labi nito kaya mas lalong nainis si Diane dito at.....
"Excuse me po." paalam ni Diane sa mga ito at umalis na si Diane sa harden at papasok na sya sa bahay nila ng malingap sya sa kaanilang gate at nakita nitong may tao doon na kausap ng kanilang guard, at biglang bumilis ang tibok ng puso nya ng mapagsino nya ang lalaking kausap ng kanilang guard kaya dali-dali syang lumapit sa mga ito at......
"Manong guard sino po ang kausap ninyo?" kunwa'y tanong ni Diane sa kanilang guard at tuluyan na syang lumapit sa gate at natulala sya sa kanyang kaharap...
"OMG! mas gwapo pala sya sa malapitan, bakit ganun..... ang bilis ng tibok ng puso ko." sa isip ni Diane
"Yes, anong kailangan po nila?" tanong ni Diane sa lalaki ng siya'y makabawi sa pagkatulala dahil sa lalaking kaharap nito.
"A-ah.... kakausapin ko po sana ang nanay ko senyorita, kung pwede lang po sana?" nahihiyang tanong ng lalaki na walang iba kundi si Steven sabay kamot sa ulo ng binata.
"Ah....., sinong nanay mo ba?" tanong ni Diane na kahit alam nya ng si Aling Carol ang nanay nito.
"Si Aling Carol po senyorita ang nanay ni Steven." pagbibigay alam ng guard kay Diane. "Ay, sya nga po pala senyorita, sya po si Steven Robles, Steven sya naman si senyorita Diane." pakilala ng guard sa dalawa.
"Kinagagalak ko po kayong makilala senyorita Diane." magalang na wika ni Steven.
"Ganun din ako Steven, mmm...... manong pakitawag nalang po muna si Aling Carol at ako na lang po muna dito." utos ni Diane sa guard nila...... at umalis na ang guard para tawagin si Aling Carol..
"Thank you senyorita." pasasalamat ni Steven kay Diane.
"Mmmm..... Steven pwedeng Diane nalang ang itawag mo sakin...... kasi para naman akong matanda kung may senyoritang nakadikit sa pangalan ko, hundi naman ata nagkakalayo ang edad natin at higit sa lahat di ka namin tauhan dito." pahayag ni Diane na kinangiti ni Steven sabay labas pa ng dalawang biloy sa magkabilang pisnge nito.
"Pero senyorita, nakakahiya naman po kasi.... kasi po halos lahat po dito sa lugar natin ang tawag sa inyo ay senyorita tapos ako sa pangalan lang ko po kayo tatawagin." paliwanag ni Steven sabay kamot sa ulo nito.
"Basta Diane ang itatawag mo sakin at Steven narin ang itatawag ko sayo." pamimilit ni Diane dito, na kinangiti nilang dalawa na sya namang dating ni Aling Carol....
NEW YORK CITY....
"Don Philip, tawag po kayo ng asawa nyo, may sasabihin daw po syang mahalagang bagay sa inyo." pahayag ng isang katiwala nila Don Philip sa mansion nila sa New York."Oh, sige Jona susunod na ako." sagot ni Don Philip dito at sabay ligpit ng mga papeles na hawak nya at sya'y pumunta na sa kwarto nilang mag-asawa.
Pagkapasok ni Don Philip ay nakita nya agad ang asawa at ang doctor na personal na nangangalaga sa kanyang asawang si Donya Claudia...at siya'y lumapit at...
"Phi-lip mahal ko, gusto sana kitang maka-usap.... doc, pwede po bang iwan nyo muna kami ng asawa ko?" hiling ni Donya Claudia sa kanyang doctor sa mahinang boses na siyang sinunod naman ng huli.. at lumabas na ng kwarto....
"Mahal ko, a-lam mo na ma-hal na ma-hal ki-ta no-on pa-man.. pe-ro a-lam ko na kahit ka-ilan ay di mo ko mi-nahal o I rather said that you love me but hindi katulad ng pag-ma-mahal mo sa kanya... alam ko rin na sa sasa-bihin kong ito sa iyo ay tu-luyan mo na akong kamumu-hian, pero na-gawa ko lang iyon dahil mahal na mahal kita.... gusto ko bago man ako puma-naw sa mun-dong ito mai-tama ko lahat ng pag-kaka-mali ko..... Philip mahal ko.. huhuhu......" iyak ni Donya Claudia
"Claudia, ano bang pinagsasabi mo, gagaling ka pa magtiwala ka lang sa Kanya." sansala ni Don Philip sa mga sinasabi ng asawa nito.
"No, mahal ko, kai-la-ngang ma-laman mo na ang totoo bago pa ako ma-matay, alam ko oras nalang ang hini-hintay ko, at pagod narin ako sa pakiki-pag-laban sa sakit kung cancer, Philip mahal ko, nag-sinu-ngaling ako sayo noon, tungkol sa ba-baing mahal mo na best friend ko, sinabi ko sa kanya na buntis ako at ikaw ang ama, nag-paraya sya para sakin kahit alam kung mahal na mahal nyo ang isa't isa... at hindi to-toong suma-ma sya sa ibang la-laki at di rin totoong na-matay sila sa isang buss accident.. huhuhuhu ga-wagawa ko lang ang mga yun dahil alam ko na haha-napin mo sya pag alam mong buhay pa siya, at ako rin nag-palayas kila tatay Tacio at nanay Pacing dahil alam ko mag-susum-bong sila sa iyo, pata-warin mo ako mahal ko...." nahihi-rapang saad ni Donya Claudia sa asawa na alam nyang galit na galit na ito sa kanya.
"Tapos na yun Claudia, baka masaya na sya sa lalaking asawa nya na ngayon. Kalimutan mo na yun." saad ni Don Philip sa asawa na kahit galit na ito ay hindi nya pwedeng ibunton ang galit nito dito dahil naging mabuting asawa rin naman ito sa kanya.
"No... mahal ko, hana-pin mo sila mahal ko, hana-pin mo sila para mata-himik na ang kun-sinsya ko bago pa ako mamatay, at kapag naha-nap mo sila ihingi mo ako ng tawad sa best friend ko. huhuhu." saad pa ni Donya Claudia kay Don Philip sabay bigay ng isang envelope kay Don Philip.
"Anong ibig mong sabihing sila, Claudia?" takang tanong ni Don Philip sa asawa nito habang nakatingin sa bigay ng asawa nitong envelop sa kanya.
"Ang best fri-end ko at ang a-nak nyo, a-lam ko wa-la pa syang a-sa-wa nga-yon, ha-na-pin mo si-la... pa-ta-wa-rin mo ako Phi-lip." saad ni Donya Claudia at ito'y nalagutan na ng hininga...
"Claudia! Cluadia! sabihin mo sa akin asan sila?" iyak at sambit ni Don Philip sa namatay na asawa at maya't-mayay tinignan nya ang laman ng envelop at nagulat ito sakanyang nakita....