"Anong ibig sabihin nito Mr. Amberg?" tanong ni Don Robert Moran dito."Papa! anong ginagawa mo dito? bakit andito kayo ni Mr. Amberg?" takang tanong narin ni Zander dito sabay tingin kay Derick...... "Anong ibig sabihin nito Villarama? Don't tell me na magkakilala kayo ni Mr. Amberg?" galit na tanong ni Zander dito, at tuluyan naring ipinasok si Don Robert sa loob ng kwarto kasabay ng pagpasok narin ng mga NBI na sa pamumuno ni Danrick.
"Simple lang ang sagot ko diyan Mr. Zander Moran.... yes we're best of friend....." sagot ni Mr. Amberg dito.
"How? Paano kayo naging mag-kaibigan? Niluko mo kami Mr. Amberg." hiyaw ng papa ni Zander dito pero maagap ang mga NBI na kasama ni Danrick dahil agad na napigian nila si Don Robert na atakihin si Mr. Amberg.
"By the way Mr. Moran my real name is JONATHAN KURT AMBERG Derick one of his best of friend." matatag na pakilala ni Jonathan sa mag-ama na kinalaki ng mata ni Zander at ng papa nito.
"What?!!" galit na tanong ni Zander dito sabay bunot sana nito ng nakatagong baril nito ng biglang lumabas si Danrick na may hawak ng baril na nakatutok na kay Zander....
"Sige bumunot ka ng baril mo Zander Moran at dito palang sasabog na ang utak mo dito." saad ni Danrick dito na siya na namang kinagulat na naman ni Zander.
"Ano Moran natatandaan mo ba kung sino ako?.... Kung hindi, magpapakilala ako sa iyong muli..." saad ni Danrick dito habang nakatutok ang baril nito dito......"Marquez, kunin ang baril nito at pati narin ang ama nito... kapkapan nyo." utos ni Danrick sa tauhan nito.
"Yes sir." sagot naman ng mga ito at tumalima na sila sa pagkuha ng armas ng mag-ama.
"Anong ibig sabihin nito Danrick? Alam ko na kaibigan mong matalik ang hampas lupang Steven na iyon bakit ka andito? at kahit anong gawin mo... wala kang makukuha sa akin na sagot... at wala kang ebidensiya na may kinalaman ako sa pagkamatay ng hampas lupang iyon." matatag na sagot ni Zander dito.
"Noon yon Zander... Noon yon.. hindi na ngayon... dahil malinaw na ang lahat sa akin... at may ebidinsiya narin ako na ikaw ang pumatay o I rather said that nagtangkang pumatay sa kaibigan ko." saad ni Danrick dito na mas lalong kinabahala ni Zander base sa itsura nito...
"A-Anong ibig mong sabihin na t-tangkang pagpatay sa k-kaibigan mo?" nauutal na tanong ni Zander dito, at doon na humarap si Derick dito...
"Ako.... Zander Moran!!!! natatandaan mo pa ba ang pagmumukhang ito? ang pagmumukhang sinira ninyo anim na taon ng nakakaraan?" galit na saad ni Derick dito na nasa harapan na ni Zander.
"HINDI! HINDI IKAW YAN!" sigaw ni Zander dito.... "Patay na ang hampas lupang iyon. Hindi ikaw si Steven Robles... HINDI IKAW!" sigaw parin ni Zander kay Derick dahil sa galit na nararamdaman ni Derick ay bigla nalang nito hinawakan ang kwelyo ng damit ni Zander at....
"Titigan mong mabuti ang mukha ko Zander... titigan mong mabuti!" galit na utos nito dito.... "Naalala mo ba ng sabihan mo ako na tandaan ko ang pagmumukha mo kung mabubuhay pa ako?..... anim na taon.... anim na taong nakalimutan ko ang pagmumukha mo Zander at ngayon nga na bumalik na ang lahat ng alaala ko, kahit kailan hindi na mabubura ang mukha mo sa isipan ko dahil sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka na makakalabas sa bilangguan..... at alam mo bang..... ng dahil din sa iyo hindi ko nakasama ang mag-iina ko sa anim na taon na iyon... kaya pagbabayaran mo ang lahat ng iyon Zander kasama ng ama mo.!" galit na wika ni Derick dito.
"Hindi ikaw ang hampas lupang iyon?" tanging sambit ni Zander dito.
"Hindi ka ba naniniwala na ako na ito Moran? Ang Steven Robles na inaapi nyo noon na kinawawa nyo ni Gostavo noon at hinamak nyo dahil sa kahirapan namin ng nanay ko noon..... Moran baka nakakalimutan mo na bilog ang mundo... oo noon nasa taas kayo at kayo ang tinitingala ko... pero ngayon ako naman ang nasa taas at ako naman ang titingalain ninyo.... dahil kung anong mayroon kayo noon at ngayon mayroon na din ako ngayon... kung ano ang kinakain ninyo noon, nakakain ko narin ngayon at kung anong yaman nyo noon at ngayon mas triple pa na mayroon ako sa inyo..... kaya pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa akin noon Moran." galit na wika ni Derick dito sabay na pabalyang bitaw kay Zander.
![](https://img.wattpad.com/cover/24231886-288-k180180.jpg)