Episode 1

16.6K 655 354
                                    

Hi!

I blinked as I continue to hold my phone. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para i-accept ang message request na natanggap ko matapos kong maligo. Ang message request na ito ay nanggaling sa taong may weird na pangalan. Spero Futurae. Naglalaman ito ng voice message.

How was your day?

I blinked even more.

Pamilyar ang boses na ito sa akin.

Good.

There's a long pause before the person behind this voice message continues.

By the way,

He laughed. But there is something on his laugh. It's . . . fake.

Kung hindi mo makilala ang boses na ito. It's . . .

Sino ka ba?

Marcovence Baignard Razon.

What the hell?

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko nang ayos sa aking kama.

What the actual hell?!

Nanlalaki ang mga mata kong pinindot ang pause button.

Totoo ba 'to?!

Pati ba naman dito ay hindi niya pa rin tinitigilan ang pan-ti-trip sa akin?!

Jusko naman!

Really, Marco? Lume-level up yata ang pang-bu-bwisit mo sa akin lately?!

Nanlalaki ang butas ng ilong, nakabusangot akong pinindot muli ang play button. Hindi ko alam kung ano pa talaga ang nag-uudyok sa akin para patuloy na pakinggan ang kabalastugan ng siraulo kong kaklase.

Most prolly, siguro wala na ako kaya mo naririnig ngayon ang kadramahan kong ito. Siguro . . . uhm, basta.

Wait, there is something under his breath. I don't know why but it sounds like a genuine pain, just like a tunnel of silence and sorrow. With nothing but sadness and inevitable defeats.

Alam ko, by now, alam mo na kung ano ang nangyari sa akin. Hindi ko naman i-se-send sa iyo ito nang hindi pa buo ang desisyon ko, eh.

Tumawa na naman siya. Hindi ko na ito maatim pa. Ang lungkot niyang pakinggan.

So, yeah. What you are about to listen as you decided to proceed with other voice messages are the reasons why . . .

Garalgal ang kaniyang boses. Halata ang pag-pipigil niya ng hikbi.

I decided to commit sui--

Natigilan siya. At ako rin.

Does he meant suicide?

Holy shit . . .

Nakarinig ako ng malalim at may bahid ng kalungkutan na buntong hininga mula sa kanya. Ilang segundong sinakop ng katahimikan ang mga tainga ko bago siya nagpatuloy.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon