Episode 3

7.5K 463 163
                                    

Pawisan ang noo, nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo sa classroom namin. Kamalasan pa nga, iyon ay matatagpuan pa sa fourth floor! Wala namang elevator kaya anak ka ng kalabaw! Late na late na talaga ako!

Wala namang kaso kung ma-late ako. Ang bagay lang na ikinababahala ko talaga ay iyong mapahiya! Iba ang adviser namin pagdating sa mga late comers. Hindi pinapalagpas ni Ma'amshie ang isang araw nang hindi napapahiya ang kung sino mang ma-le-late sa amin. Kahit isang minuto pa 'yan, wala ka pa ring kawala. Kaya't hanggang maaari, ayoko talagang ma-late.

Pinusan ko ang aking noo bago ako makatuntong sa fourth floor. Tahimik ang mga nadaanan kong class room. Iyong tipong parang isang krimen ang mag-ingay. Iyong kapag gumawa ka ng kahit na isang mahinang ubo ay hindi ka na mapapatawad ng Diyos.

Noong isang hakbang na lang ako sa pinto ng aming classroom ay ganoon na lang ang lakas ng tibok ng puso ko. My heart is practically pounding against my ribs.

Closing my eyes, I started to enter the classroom. Wincing. Ready to accept the shameful kismet that I am about to experience today.

Pero sa halip na ang matinis na boses ni Ma'amshie ang sumalubong sa akin ay tunog ng bote ang narinig ko. Animong pinapaikot ito mula sa sahig na tiles.

Napamulat ako. And there I saw my classmates. They are all staring at me as if I killed the President of the country. One moment, I just want to shout "Bakit? Masamang pumasok sa classroom ko? Ikinamatay niyo? Ikinamatay niyo???" But, I chose to shut my mouth up because I am not a bitch.

I let out a silent awkward giggle as I tuck the strand of my hair behind my ears. "Wala si Ma'amshie?" Deep inside, I am celebrating as if I won the lottery.

Pero imbis na "Oo" at "Hindi" ang makuha ko ay "Truth or Dare?" ang narinig ko. And it came from Marco.

Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. He is on his usual boyish grin with his eyeglass on. He looks . . . carefree and happy. Way far different from the voice message of him.

Doon ay hindi ako nakasagot agad.

"Hey? Na-i-inlove ka na ba sa akin?" He started to laugh like a kid. "Grabe makatitig, ah."

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ma-issue talaga ang lalaking 'to. Tinitigan lang siya, inlove agad?

Nang muli kong ibaling ang tingin sa kanya ay nakataas ang isa kong kilay. "Why would I? Gwapo ka ba?"

Then I heard a few chuckle and teasing "Oooh" from my classmates. Para ba silang mga audience at kami ni Marco and bida sa boxing ring.

He laughed more. Para bang hindi na-apektuhan sa patutyada ko. "Okay, you won."

"Then good." I smile sweetly at him. Savoring my triumph and about to start my winning walk towards my seat but I was halted by all of the entities we have in this class room. When I say all, it includes the rat for our science project.

Bakit nakatingin pa rin sila sa akin?!

"Aba, bakit?" Suminghal ako. "Masamang umupo? Bawal ba?"

Hindi sila nagsalita. Tinuro lang nilang lahat iyong bote na nakahiga sa harap ko. Ang bibig nito ay nakaharap sa akin at samantalang ang pwetan naman nito ay kay Marco.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon