Noong makalabas na sina Marco at Vaeden mula sa canteen, dumiretso sila papunta sa building ng classroom namin. It was then when I realized that they are about to direct their way behind it.
With heavy feet, I followed them. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Vaeden is walking before Marco. Swear, seeing them like this made me feel awkward for the both of them. Kapag kasi magkasama ang dalawang ito dati, puro kalokohan ang kanilang ginagawa. Ngayon? Parang hindi sila minsang naging matalik na magkaibigan. Hindi nga rin sila papasang magkakilala, eh.
They stopped when they reached the back of the building. While I leaned my back against the concrete wall. Ready to eavesdrop and do something if ever Vaeden is up to something stupid again. I can never let him hurt Marco. Never again.
"Mabuti naman, pinansin mo na uli ako." Marco said, hindi ko sila makita. Pinili kong huwag silang silipin. "Ano ba kasing problema? Bakit bigla ka na lang lumayo?"
Wala siyang sagot na nakuha mula kay Vaeden.
"Huy," he repeated. But still, there was no reponse from Vaeden.
That was the moment I chose to peek. Nakita kong nakatayo silang dalawa. Nakapatong ang kamay ni Marco sa balikat ni Vaeden. Samantalang si Vaeden, nakakuyom ang kamao. Nakatungo ang ulo. I can sense that right now, he is dangerously fuming with a sliver of sadness from his eyes.
"Ano pang rason sa pag-dala mo sa akin dito, 'tol, kung hindi mo rin naman pala ako sasagutin." Napakamot sa ulo si Marco. "Labo mo naman--"
"Sorry," Vaeden finally said after seemed like forever of silence.
Marco blinked. Obviously clueless of what Vaeden was apologizing for.
"Sorry," nabasag ang boses ni Vaeden, "sorry."
Nagsimula siyang humikbi. "Sorry, 'tol."
Marco put his both hands above Vaeden's shoulder. "Sorry saan?" He is still blinking with a hint of curiosity, "Ano bang nangyari? May ginawa ka ba--"
"I was the one who posted your private video."
Natigilan si Marco. Napabitaw kay Vaeden. Nakaawang ang bibig niyang tinitigan ang matalik na kaibigan.
"Ano?" Natitigalgalan niyang sagot.
Umalon ang adam's apple ni Vaeden. Nakatungo pa rin, hindi niya magawang tingnan ang malapit niyang kaibigan. Dati. Malapit na kaibigan dati. "I was the reason why your private video went public--"
Napahawak ako sa bibig nang biglang dumampi ang kamao ni Marco sa pisngi ni Vaeden. Malakas iyon. Sa lakas noon ay natumba si Vaeden sa lupa. Napalunok ako ng laway noong makita ko ang pag-linya ng dugo mula sa gilid ng kanyang labi.
"Bakit?" Ang tanging nasambit ni Marco. His eyes are flashing the anger that he is bottling up for a few days. "Bakit sa lahat ng tao sa mundo, ikaw pa? Ikaw pa na best friend ko ang makakagawa sa akin n'on?"
Dinuro niya ang napapangiwing kaibigan. "Fuck you! You don't know how much mess you have brought me!"
Napasabunot siya sa kanyang buhok. Damang-dama ko ang pang-gigigil niya dahil sa inis. Inis at galit. Pinaghalo. Kapag nagsama? Poot.
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...