It's the first day of the month of November-- it's All Saints' Day.
Kagagaling lang namin nina Ben 10 at Marco sa puntod ng tatay niya. Sina Vaeden at Magne naman ay hindi namin kasama dahil mag-o-overnight daw sila sa Sementeryo.
Ako, bumisita na ang family namin sa puntod ng mga kamag-anak namin a week before this day. Hassle kasi. Ayaw naming maranasan ang sisiksikan at mataong atmosphere ng Undas.
Si Ben 10 naman, sa Hong Kong pa matatagpuan ang puntod ng kamag-anak niya. Nagpasya siyang 'wag na lang pumunta doon dahil magsisimula na rin naman kasi ang second semester three days after.
Ngayon, naglalakad na kami papunta sa bahay ni Marco para magpalipas ng hapon. Ipagluluto ko din kasi ang mokong na 'yon kaya napili naming sa bahay na lang niya dumiretso.
Habang naglalalad kami ay patuloy akong inaasar ni Marco. Hindi ko alam pero hindi na yata makukumpleto ang araw niya nang hindi ako pinagtitripan, eh.
Kanina, habang nasa puntod kami ng Papa niya ay itinapat niya sa akin ang kandila dahil RIP daw sa height kong kinulang. Tapos ngayon naman, gusto niya akong buhatin kasi sobrang cute ko raw dahil na naman sa lecheng height ko.
Ang laki laki talaga ng problema ng kapreng 'to sa height ko!
Ito namang si Ben 10, hindi manlang ako ma-i-pagtanggol. Puro tawa lang.
Pero napapansin ko, iba ang mood niya ngayon. Para bang may bumabagabag sa utak niya kaso hindi niya lang ito mailabas. Pinili ko na lang na hindi mag-salita. Baka kasi may problema lang siya. Which is . . . rare.
Nang makapasok na kami sa bahay ni Marco ay umupo na ako sa sofa. Si Ben 10 naman ay naupo sa tabi ko.
Samantalang si Marco ay naupo sa sahig. Sumandal siya sa mga tuhod ko bago niya inuunan ang ulo sa mga hita ko. Ngayon ay nakatingin siya sa kisame habang ako ay nakatitig sa kanyang mukha.
His face is just too perfect.
With his thick eyebrows, his long eye lashes, and his pinks lips.
He is damn perfect . . .
I look away all of a sudden as soon as I started to feel the freaking butterflies on my stomach again. Tinatraydor na naman ako ng feelings ko!
I fake a cough.
Minsan talaga, ang problematic na ng pagiging marupok ko, eh!
Minabuti ko na lang na abutin ang remote at i-turn on ang flat screen TV na nasa harap namin. Agad ko itong inilipat sa MYX Channel kung saan ang segment na Mellow MYX ang siyang pinapalabas ngayon.
Ang segment na ito ay ginawa para sa mga viewers na humihingi ng love advice sa VJ. Gustong gusto ko ito kasi dahil NBSB ako, nakakakuha ako ng sapat na kaalaman kapag nagkaroon na ako ng boyfriend-- if magkakaroon talaga. Depende pa kung magkaka-move on ako kay Marco--
Ugh!
I want to slap myself!
"So we are up for our last sender!" The VJ said with full energy. She actually reminds me of Magne. Pareho silang hindi nawawalanan ng energy everytime na napapanood ko siya.
Habang si Ben 10 ay busy sa paglalaro ng NBA 2K19, si Marco naman ay nagsimulang ipikit ang kanyang mga mata. Ako, nagpatuloy ako sa panonood. Nilalabanan pa rin ang temtasyong titigan na lang ang mukha ng nakakainis na lalaking nakaunan sa mga hita ko.
Kumuha ang VJ ng kapirasong papel doon sa pabilog na bowl at saka ito binasa. "Hello, VJ Ai! Itago niyo na lamang po ako sa pangalang 'Four Arms'-- woah! The sender chose a unique name, huh? Bakit kaya Four Arms? Anyways! Let's go back to his love problem."
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Misterio / SuspensoAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...