Episode 43

2.8K 219 27
                                    

Natigilan ako sa sinabi niya. Para ba akong nanigas mula sa kinatatayuan ko habang pinoproseso sa utak ko ang kanyang mga sinabi. Ilang segundo pa akong napatingin sa kanya bago muling nag-salita.

"H'wag mo nga akong pag-trip-an." I said as I look away.

"I'm not tripping on you." Humugot siya nang malalim na hininga. "Gusto kita, Margot. Matagal na."

Tuluyan na akong natigilan at natahimik dahil sa mga narinig mula sa kanya. Sumabay sa natahimik kong katawan ang paligid. Sobrang tahimik nito. Tanging ang mga huni lang ng insekto ang naririnig ko pero katulad ng paghuni nila ay ganoon rin ang nagsisimulang pagpabilis ng tibok ng puso ko dahilan para gumawa ito ng ingay sa aking katawan na tanging ako lang ang nakakarinig.

"It's Month of July nang magkagusto ako sa 'yo. You were always there for me. You cook for my food. You help me with my academics activities. And most especially, you saved me from the cruel sadness caused by the death of my father."

I can clear the sincerity from his eyes and the kind of emotion that I've been longing to see from him.

Atlast . . .

"Lagi mo akong pinapasaya. Lagi akong sumasaya kapag naaasar ka sa akin, kapag lagi akong barado sa 'yo tuwing nagjo-joke ako at kapag ipinapatong ko ang braso ko sa ulo mo." He stepped closer to me, that made me move my feet backward involuntarily, "Margot, sumasaya ako kapag kasama kita."

Then I gasp when I bumped my back against the tree.

The he trapped me.

Inilagay niya ang magkabilang kamay sa pagitan ng ulo.

Then he darted me that kind of stare that I've been waiting for a long time.

"Lahat ng pang-aasar ko sa 'yo, akala mo trip ko lang lahat ng iyon?" Tumawa siya nang bahagya. "Hindi, gusto ko lang kasi na mapansin mo ako lagi kaya ko iyon ginagawa. Gusto kasi kita, eh. Gustong gusto kita."

Still staring right into my eyes, he continue to talk without me answering him. It's like he is speaking his heart out right now. Para bang ibinubuhos na niya ngayon ang mga salitang hindi niya masabi-sabi nitong mga nakaraang buwan.

"Pero pinili ko na lang na kimkimin ang nararamdaman ko para sa 'yo. Itinago ko kasi natatakot akong masira ang pagka-kaibigan natin. Ikaw ang nakakapagpasaya sa akin at siguradong hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Kaya mas pinili ko na lang na magpaka-safe kesa mag-take risk. Mas pinili ko na lang na manatili sa kung ano ba tayo noon kesa naman sa mawala ka pa sa akin."

As he continue to look at me, I began to sense the sadness from him. "Akala ko, kapag patuloy kong itinago ang nararamdaman ko para sa 'yo ay unti-unti nang mawawala ang feelings ko para sa'yo pero hindi pa rin pala, mas lalo lang akong nahulog sa 'yo pagkaraan ng ilang linggo."

"Pero promise, sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero wala eh, mas lalo lang akong nafo-fall habang pinipigilan ko. Mas lumakas ang epekto mo sa akin sa paglipas ng mga araw. 'Yung tipong simpleng ngiti mo lang sa akin, parang sasabog na ako sa saya."

Shit.

I felt the same way to you, Marco.

Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.

"'Yung simpleng pag-sandal mo lang ng ulo ko sa balikat ko, feeling ko, solved na solved na ako. Minsan pa nga, hinihiling ko na tumigil na lang ang oras para manatili na lang tayo sa ganoon. Pati na rin 'yung patuloy mong pagluto ng mga pagkain ko, bawat subo ko sa mga pagkain na 'yon, feeling ko, pwede na akong mamatay kasi it's like it's the only thing that I live for. Your food and," I saw his prominent Adam's apple to bob up and down, "you . . ."

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon