Three days.
Two nights.
Three silent days.
Two lonely nights.
That's what Marco and I experienced on his father's wake.
Ang mga araw at gabing iyon ay isa na yata sa pinakamasakit na araw na naranasan ni Marco. I know, those days and nights will burn on his mind forever. Burn not in anger but in pity for himself.
Walang nakiramay sa kanya noong mga araw na iyon kundi ako lang at si Mr. Sy, the owner of the funeral. Maski ang best friend ni Marco na si Vaeden ay hindi manlang dumating. Pati na rin si Diyes. Sinubukan ko silang kausapin, ngunit sila ang lumalayo sa akin sa tuwing sinisingit ko iyong tungkol sa kalagayan ni Marco.
Dito ko napatunayan na at the end of the day, you are your only ally. Sa mundong ito, wala kang kakampi kung hindi ang sarili mo lang. Dahil maski ang pinaka-close mo pang kaibigan ay maaring tumalikod din sa 'yo kapag nagka-gipitan na. Sa mapanganib na mundong ito, kahit sino ay maari mong maging kalaban . . .
Stay vigilant.
Keep your ground.
And ready yourself for the worst.
Ngayon, sampung araw makalipas ang libing ng tatay ni Marco, hindi na bumalik pang muli sa dati ang lahat. Kung dati ay agaw-pansin lagi si Marco, iyong tipong karamihan sa schoolmates ko ay hinahangaan siya. Iyong halos lahat ay kaibigan niya, ngayon ay iba na. They are looking at him with nothing but fear. For them, Marco is the face of his father's crime.
Pero hindi pa natatapos diyan ang lahat.
Tuluyan nang lumayo si Vaeden kay Marco sa hindi malamang dahilan. Para bang may sakit na nakakahawa si Marco kung layuan niya. Iyong parang diring-diri siya sa tuwing mapapalapit siya kay Marco.
Ano bang problema ni Vaeden?
As far as I know, Marco and him was very close ever since I can remember.
Kaya, bakit bigla siyang nag-iba?
Bakit parang may mali?
Mabuti na nga lang at hindi nag-iba ang pakikitungo ni Diyes kay Marco. Kahit papaano ay may kaibigan pa rin siyang hindi siya iiwan. Silang dalawa na lang lagi ang magkasama. But, I know, Marco is not happy with just that. I know, from the bottom of his heart, he is still longing for his very own best friend.
Pero ano nga bang nangyayari kay Vaeden?
That's what I'm about to find out tonight.
Kanina, matapos kong makauwi sa bahay ay naka-receive ako ng message mula kay Spero Futurae. That stranger. Hindi ko pa rin talaga alam kung sino ba talaga siya. Tinanong ko siya last few days kung siya ba ang future self ko, hindi raw. Wala talaga akong ideya kung sino ba talaga siya. At ano ang dahilan niya para tulungan ang Margot na nasa parallel universe.
Sinabihan ako ni Spero Futurae na pumunta sa pinakamalapit na convenience store sa bahay namin. I did what I am told right away. Yes, even without knowing the reason behind it.
Ngayon ay nandito ako sa loob ng 7 Eleven, nakaupo sa bakanteng mesa habang pinapanood ang mga taong pumapasok. Most of them are kids with their school uniform, they are prolly Elementary students.
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...