Sa mga linggong lumipas, mas lalong lumalim ang pagtingin ko para kay Marco. Hindi ko na pinigilan pa ang feelings ko. Mahal ko siya. Mahal ko na siya and that's for sure.
Pero . . . wala akong balak aminin ito sa kanya. I am just too afraid and timid to confess my feelings kasi I know deep down, wala akong pag-asa. Na hanggang crush lang ako. Na . . . si Marco 'yon eh, at si Margot lang ako.
Hihintayin ko na lang lumipas itong lecheng nararamdaman ko para sa kanya. I know that this is just a puppy love and it will never last. Tatawanan ko na lang 'to sa future so might as well, i-enjoy ko na lang ang kilig ko sa tuwing kasama siya.
Ngayon ay Sabado. Katulad ng nakagawian, pumunta ako kina Marco para ipagluto siya ng pagkain. Busy sina Diyes, Magne at Vaeden kaya ako lang ang pumunta sa bahay niya ngayong araw. Pero kadalasan talaga, kaming lima ang tao lagi sa bahay niya.
Ang gustong ipaluto sa akin ni Marco ay sinigang, malamig kasi ngayon. Umuulan pa kaya tamang-tama talaga sa panahon ang gusto niya. Pero speaking of him, nasaan na ba siya?
Mag-iisang oras na magmula nang umalis siya pero hindi pa rin siya bumabalik. Siguro ay stranded ang mokong na 'yon sa palengke. Ilang minuto kasi nang makaalis siya ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Hindi niya rin dala ang kanyang cell phone kaya't hindi ko alam kung papaano siya mako-contact.
What if hintayin ko na lang siya sa harap ng subdivision nila?
Great idea!
Walang ano-ano ay dali-dali na akong tumayo. I am about to grab ahold the umbrella that I sat on the center table when the door suddenly open.
As soon as the cold breeze of air touched my skin, my eyes were cemented to Marco. He is wearing his usual black shirt and a khaki shorts that is above his knees. Basang-basa siya, pero hindi noon naalis ang kanyang ngiti.
That damn smile.
Lumapit ako sa kanya at kinuha na ang mga pinamili niya. "Ako nang bahala dito. Sige na, magpalit ka na ng damit." Nagmamadali kong sambit.
Jusko naman, Marco. Bawal kang magkasakit! Varsity player ka pa naman at next week na ang Intrams!
Ngumisi naman siya nang nakakaloko bago kumindat. "Ayie, concerned siya. Pa-fall."
I just rolled my eyes.
Heto na naman siya sa pagpapa-fall. At ako naman si tanga, na-fo-fall nga.
I then faced him with my poker face on. Siguro ay na-realize niyang wala ako sa mood para makipag-asaran. Tumawa lang siya nang tumawa bago umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.
Kalokohan talaga ng mokong na 'yon.
Habang napapailing, dumiretso na ako sa kusina at sinimulan nang ihanda ang mga ingredients. Sinimulan ko ito sa pag-chop ng luya, sibuyas at bawang. Sakto namang bumaba si Marco kaya tinawag ko siya para tulungan ako.
He is now walking towards my direction with his white tank top on, his hair's messy but it never ruined his looks—it actually made him look more attractive. Habang pinupunasan niya ang lense ng eye glass niya ay napansin kong may nakasabit na sweater na gray sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...