Tatlong linggo matapos magsimula ang second semester, nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Diyes. Ni minsan ay hindi na uli namin pinag-usapan ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Bumalik kami sa kung ano kami bago ko pa malaman 'yon. Pero ang nakakatuwa, hindi ako nailang sa kanya bagkus ay mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Siguro ganoon lang talaga kapag tunay na kaibigan ang turing mo sa isang tao, walang bagay na makakapagpabago ng pagkakaibigan mo sa kanya kahit ano pa ang mangyari.
Diyes is actually an ideal man for me but my heart is never meant to beat for him. Ganoon lang talaga sa buhay, kahit gaano pa ka-worth it mahalin ang isang tao, kung hindi talaga siya ang gustong i-tibok ng puso mo, hindi mo talaga siya magugustuhan.
He deserves someone better. 'Yung makakatumbas ng pagmamahal na binibigay niya sa taong gusto niya. At hindi ako ang someone na 'yon.
Naglalakad ako ngayon sa mataong corridor ng Engineering Building kung saan nandodoon ang bagong Faculty Room ni Ma'amshie. Inutusan niya kasi ako na ibigay sa kanya ang mga Certificate of Grades ng Section namin last semester. Gusto niya daw kasing malaman kung papaano kami nag-perform sa nakaraang semester at kung ano ang dapat niyang gawin para mas mag-improve pa kami as a student.
Well, having Ma'amshie with us is really an advantage. Dahil sa kanya, mas naging ready kami sa mga hamon ng Senior High School. Kumbaga, siya 'yung ilaw na gumabay sa amin sa madilim na daan ng bagong yugto ng buhay namin. Dahil sa kanya, hindi kami masiyadong nahirapang mag-adjust. With that, we are really thankful that we have her as our Adviser and also, as our Second Mother.
All my life, ngayon lang ako naka-encounter ng Adviser na talagang parang anak ang turing sa mga advisee niya. 'Yung tipong mas proud siya sa amin kapag may achievements kami at mas matindi pa siya sa mga parents namin kung magalit kapag may kasalanan kaming nagawa.
Mabuti na nga lang talaga at hindi niya nalaman na kami 'yung mga inakala niyang multo na magnanakaw sana ng key to corrections para sa final exams last semester. Kapag naalala ko talaga kung papaano siya sumigaw ng gabing 'yon ay napapahalakhak na lang ako.
Habang naglalakad ako ay patuloy sa pang-aasar sa akin si Marco. As usual, hindi makukumpleto ang araw ng mokong na 'to nang hindi niya ako naiinis.
Ngayon ay nakapatong ang braso niya sa ulo ko habang naglalakad kami. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi dahil sa bigat noon. Wala naman akong magawa kundi ang magtiis dahil kahit naman kasi tanggalin ko iyon sa ulo ko ay patuloy lang niya iyong ipapatong uli sa akin. Sumuko na lang talaga ako sa pagsaway sa kanya sa huli.
"Margotliit, ba't hindi mo na ako sinasaway?" Bigkas niya habang ganoon pa rin ang sitwasyon namin.
Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi niya pa rin inalis ang braso niya sa ulo ko hanggang sa maglakad na kami sa hagdan.
Kahit na pinagtitinginan na kami ay napili ko na lang na magkibit-balikat.
Ang iba sa mga nadaanan namin ay napapangiti sa amin habang ang karamihan sa ibang babae ay nakasimangot.
Nanumbalik na kasi amg tingin nila kay Marco. Right after he was awarded as the MVP sa naganap na intrams, nabura lahat ng koneksyon niya sa kanyang ama. Kaya ngayon, maraming babae na ang nagkakandarapa sa atensyon niya.
Para pa nga silang nagseselos sa ginagawa sa akin ng mokong na 'to. Kung alam lang nila kung gaano nakakainis 'tong crush nila, naku, susuko sila.
"Hello, Marco!" Sambit noong babaeng mukhang haliparot. Base sa laki ng dibdib niya, makapal na make-up at mapulang lipstick, mukha siyang malandi. I just stare at her with a bored expression.
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...