Ipinadyak ni Marco ang kanang paa niya na nadaganan ng mabigat na foam. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na pagkadismaya sa nangyari. He wants to bounce back from the failures but it seems like the destiny doesn't want him to do so.
Nang matapos na siya sa pagpadyak ay iniharap niya ang mukha niya sa akin. Ngumiti siya nang malawak. The same usual playful smile he always show me but it's far different from what I always see from him. His smile is full of pretensions. It seems like he is just hiding the pain deep inside his fragile heart.
Lumakad na uli siya doon sa kabilang dulo ng foam, paharap sa akin. "Tara na, Margotliit. Wala lang 'to, malayo 'to sa bituka." Tumawa siya nang bahagya pero alam kong hindi totoo ang tawang 'yon. Alam kong pilit lang iyon.
Patuloy na kinakabahan, sinunod ko na lang siya. Hinawakan ko na ang itim na handle ng foam at ganoon din siya. Bumilang muna siya nang tatlong beses bago kami nagsimulang magbuhat. Pero katulad nang nangyari kanina, nadaganan na naman ang paa niya.
Ngayon ay punong puno na ng pag-aalala ang mukha ko. "Sure ka ba? Okay ka lang talaga?" I am blinking ans freaking out at the same damn time. "Punta ka muna sa clinic, baka kung napano na 'yang paa mo."
Ngumiti siya sa akin. Puno pa rin ito ng pagpapanggap. "Hindi. Kaya ko 'to. Trust me."
Bumuntong hininga na ako. Wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang sa kanya dahil alam ko namang wala din akong magagawa. Patuloy lang siyang magpupumilit.
"On my count of three, buhat." Sambit niya habang nakatingin sa akin. Puno naman ng pag-aalala ang mukha ko nang itinango ko ang ulo ko sa kanya.
"One."
Nakatingin lang ako sa kanya. Ramdam na ramdam kong desidido siya sa gusto niyang gawin. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang manindigan na kaya niya ito. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kayang kaya niya ito.
"Two." I looked away right after he winked at me. Nakuha pang mang-asar ng loko-loko.
"Three, buhat."
Matapos niyang sabihin iyon ay buong lakas ko nang iniangat ang foam at saka tumingin sa kanya. I frown right after I saw his face. Napapangiwi siya ngayon pero hindi niya pa rin talaga binibitawan ang handle ng foam. Halatang nahihirapan na siya pero ayaw niya pa ring bumitaw. Gusto niyang panghawakan ang sinasabi ng kanyang utak.
"O-Oh, 'di ba? Sabi sa 'yo eh, kayang kaya ko 'to." He said as he laughed awkwardly. He is still full of pretensions.
Ngunit napakurap na lang ako nang makitang tumabi sa kanya si Diyes at saka hinawakan din ang handle sa gilid ng foam. "Marco, okay lang kung sabihin mong hindi mo na kaya. We are always here for you. We can help you-- we will always help you."
Natigilan ako sa narinig ko sa kanya hanggang sa si Vaeden naman ang humawak sa kabilang handle na katapat ng hinahawakan ni Diyes. "Paps, kung hindi mo na talaga kaya. Let go, you have to rest. Winning doesn't mean you're strong physically. Winning means you're strong enough to admit your weak sides."
"Oo nga, Marco. Hindi mo kailangang magmukhang malakas kung nanghihina ka na. Hindi required ang maging matapang sa mundo. Minsan, kailangan mo rin talagang tanggapin na hindi mo kaya." Magne said as she holds the other handle.
Nang mapatingin ako kay Marco, nag-iba na ang expression ng kanyang mukha. Ngayon ay kitang kita kong unti-unti nang nagbubutil ang kanyang luha pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Tila bang hindi niya inaasahan ang nangyari, para bang mas lumakas siya dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan namin.
Finally, I smile at him. "Kaya ikaw, mokong. Ipatingin mo na sa clinic 'yang paa mo para makatakbo ka mamaya sa relay race. Leave this to us. Rely on us. Let us carry the burden you are currently feeling. Let us be the ones to throw this for you." I heave a deep sigh then smile him genuinely. "You can always count on us."
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...