Episode 32

3.6K 271 103
                                    

For a minute, I froze on my spot. Tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko. Luha hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa pasasalamat na wala si Marco sa eksaktong lugar na 'yon. Hindi nagkatotoo ang panaginip ko.

Unti-unti nang nabunutan ng tinik sa dibdib, inilibot ko ang tingin sa buong rooftop. Ganoon na lang ang pasasalamat ko nang sa wakas, nakita ko si Marco na nakaupo doon sa eksaktong lugar kung saan kami kumakain ng grupo. Ngayon ay kitang kita ko siyang nakasandal sa pader at nakatingala sa langit.

Hingal na hingal pa rin, lumakad na ako papalapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Halos mawalan ng hangin ang mga baga ko nang makita ko kung papaanong dumausdos ang luha sa kanyang mga mata.

Napapalunok ng laway, wala akong masabi.

"Margot, hindi ba ako worth it mahalin?" Punong puno ng lungkot ang tono niya.

Sasagot na sana ako pero muli siyang nagsalita kaya minabuti ko na lang na makinig na lamang sa kanya. "Hindi ba ako kamahal-mahal? Deserve ko pa ba 'tong nangyayari sa akin?"

Tumingin na siya sa akin habang nakangiti nang mapait. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Bagay na nagpaluha rin sa akin. "Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit parang ako lagi iyong pinupuntirya ng tadhana para pag-piyestahan ng kalungkutan? Bakit ako lagi?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Then he came with his weakest tone. "Bakit?"

I can see the sadness on his eyes. Now, I know why the sky is gray today, it's because all of the blue is on his eyes.

Hindi pa rin sumasagot sa kanya, inabot ko ang mukha niya. Nagsimula akong punasan ang luha sa mga mata niya habang ang mga mata ko ay patuloy rin sa pagluha.

"Naalala mo 'yung araw na may gusto akong sabihin sa 'yo?" Sambit niyang muli habang nakatitig sa akin.

Napakurap ako. Oo nga pala. May gusto nga pala siyang sabihin sa akin pero naputol iyon dahil kay Steph.

Mabilis kong itinango ang ulo ko sa kanya. Habang naghihintay pa rin sa sagot niya, ibinababa ko na ang kamay ko. Definitely ready for what he is about to spill.

"That day, I want to seek advice to you. That was the day where I realized that I might be dating the wrong girl. That I might be on the wrong book to my real love story." Itiningala niya uli ang ulo niya. Tumingin siya sa langit na dumidilim na at nagbabadya na ng ulan.

"Cygny is a nymphomaniac. It's a condition where a girl has an abnormally excessive and uncontrollable sexual desire. Hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating sa sex. Nalaman ko ito nang minsang pumunta ako sa bahay nila. Her mother told me that Cygny doesn't want to undergo therapy because she strongly believe that she's normal." Bumuntong hininga muna siya bago inalis ang salamin niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

Natigilan ako mula sa mga narinig ko. Napapakurap, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya. Pero minabuti ko na lang na patuloy na makinig sa kanya.

"Later on, she admitted that she just confessed her feelings to me just because she just want to have sex with me." His chest went up and down.

Letting out a full of sadness breath, he continued as he turn his gaze at me. Ngayon, nakangiti na siya sa akin nang mapait. "It was painful. Her feelings towards me wasn't genuine at all. It was only for show. But I chose to stay by her side. I chose to embrace her with her flaws because as his boyfriend, that was my responsibility. I'm committed with her and the least that I can do is to straighten her crooks. Back then, she promised me that she will control herself. That she'll do everything not to cheat on me."

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon