Episode 44

2.9K 218 36
                                    

Bigla akong nagising dahil sa marahang pag-alog ni Vaeden sa paanan namin ni Magne. Napapahikab, kinuha ko ang aking cell phone para i-check kung anong oras na ngayon.

It's eight o'clock in the morning, a bit late to what we planned yesterday. Ang plano kasi ay hindi kami magpapalipas ng tanghali dito, iyon kasi ang kondisyon ng mga magulang namin ni Magne. We promised them na uuwi kami nang alas-siyete ng umaga.

Napapangiwi tuloy ako habang nakatulala. Nagpe-play na kasi sa utak ko kung papaano ako masesermonan mamaya ni Papa. Paniguradong nakakabinging boses niya na naman ang maririnig ko mamaya.

Dahil sa mag-aala una na yata kami ng madaling araw natulog, heto kami at magtatanghali na nang magising. Kagabi kasi ay nag-laro pa kami ng mga larong pambata katulad ng luksong baka, patintero at iba pa.

Noong una ay laro-laro lang talaga ang napag-usapan pero naging seryoso ang lahat ng i-level up na ni Magne ang laro. Nilagyan niya ng consequence ang mga matatalo katulad ng the loser has to run the whole shore for a multiple times, has to tweet or post something that will embarass him or her for the whole night, or has to do things that will make him or her looks idiot. Ang consequences ay mangagaling sa mga players na nanalo, it's like a can't say no challenge.

Ang laging panalo kagabi ay ako at si Marco pero ang laging natatalo ay si Diyes. Nakakatawa dahil hindi talaga siya marunong ng mga larong pambata. Halatang halatang hindi siya naglalaro dati and I assume, that's because of his snobbish demeanor. Sa sobrang suplado niya siguro ay mas pipiliin na lang niya na maglaro ng computer games keysa makihalubilo sa ibang bata.

"Bangon na kayo, bilis. Umiinit na." Reklamong muli ni Vaeden na ngayon ay nasa labas.

As usual, napakainipin niya talaga. Sa aming magkakabarkada, siya lang talaga ang pinaka-istrikto pagdating sa oras. Siguro, kanina pa siya gising.

Napapangiwi akong bumangon at umupo. Inayos ko muna ang aking buhok, pinonytail ko ito bago nagpasiyang lumabas na. Naiwan si Magne na ngayon ay abala din sa pag-aayos ng kanyang sarili.

"Good morning." Pagkalabas na pagkalabas ko sa tent ay bumungad sa akin ang mukha ni Marco na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin.

I smile back as I mess his tassled hair. "Good morning."

Seeing his playful smile, I can't help myself but to secretly gush. Sariwa pa rin kasi talaga sa utak ko ang mga ginawa niyang pag-amin sa akin kagabi. Para bang kanina lang 'yon nangyari dahil bawat detalye ng mga minutong iyon ay kabisadong kabisado ko.

"How was your sleep?" He asked with his playful smile on. Ngayon ay mas lumubog ang kanyang mga dimples dahilan para mas gumwapo siya sa paningin ko.

I bit my lower lip. Hindi ko siya sinagot dahil kapag nagsalita ako ay hindi ko mapipigilan ang sarili kong mapangiti. Ang ginawa ko na lang ay ang hawakan ang kanyang dalawang pisngi at saka ito iharap kina Vaeden at Diyes na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang tent.

"Tumulong ka doon, 'wag kang tamad." I said as I smile widely. Mabuti na lang at hindi siya sa akin nakatingin ngayon dahil tiyak, mamumula ang mga pisngi ko.

Humarap siya sa akin at saka bahagyang tumawa. "Sabi ko nga, tutulong na nga." Sambit niya habang kinakamot ang kanyang kilay.

Napailing naman akong habang bahagyang natatawa. Ilang saglit pa ng panonood sa kanila ay lumabas na rin si Magne kaya't sinimulan na rin namin ang pagkalas sa tent naming dalawa.

***

Mahigit isang oras ang ginugol namin para linisin ang mga kalat na ginawa namin kagabi. Pinili na rin namin na linisin din ang kalat na ginawa ng ibang mga naunang pumunta dito kaya medyo natagalan kami.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon