Kinabukasan, mas naramdaman namin ang nanunumbalik na kulit at sigla ni Marco. Magbuhat siguro iyon ng dumating uli si Nanay sa bahay nila. Kakaibang sigla ngayon ang nakikita ko sa kanya. Bagay na nakapagpasaya naman sa akin dahil naisip kong nagbabago na nga ang future.
Ngayon ay nasa Physic Class kami. Nasa harap namin si Sir Duran habang nagtuturo ng tungkol sa Parallel Universe.
Bigla ko tuloy naalala ang tungkol sa future self ko. Nabanggit niya kasing from the Parallel Universe siya. That idea made me curious that's why I feel the urge to ask something about our Professor.
I raised my hand and then Sir Duran motioned me to stand up. Nakatingin sa akin ang mga classmates ko. Siguro ay nagulat sila dahil ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na nagtaas ako ng kamay. Hindi kasi ako 'yung student na active sa klase, mas gusto ko lang na makinig keysa makipagdiskusyon.
"Sir, let's say na nasa future ako ngayon. May pagmakamali akong gusto kong itama sa nakaraan kaya't naisip kong kausapin ang past self ko para mabura ang pagkakamali ko ngayon. If ever gumawa ako ng bagay na magpapaalis ng regrets ng future self ko, mababago ba iyon ng version ko sa parallel universe?"
Ngumiti sa akin si Sir at saka nagsulat sa board ng isang malaking bilog. Sa ibabaw naman noon ay may tatlong maliliit na bilog at sa ibabaw din ng tatlong bilog ay may tatlo ding mas maliliit na bilog siyang nilagay sa isa't isa.
"A very good question, Fersiphina. In parallell universe, what happened on that specific world can't be changed. It will be permanent on that world." He said as he write the word "Present" on the biggest circle and then he wrote the word "Future" on the rest of the small circles.
"So kung may ginawa ka ngayon sa present mo, gagawa lang 'yon ng panibagong parallel world. One action will lead you to a different future and the actions you don't make will make its own future. Meaning, hindi na mabubura ang nangyari na. Hindi mo na maaalis ang regrets ng future self mo sa ibang parallel universe. Bagkus, tanging future self mo lang sa sarili mong parallel world ang mababago ang future." Sambit niya at matapos noon ay tumunog na ang bell.
Tumango ako sa kanya habang napapalunok ng laway. Ngumiti lang naman si Sir sa akin bago dinala ang mga gamit niya at matapos noon ay nagpaalam na siya sa amin.
Napapakurap, nakaramdam ako ng lungkot para sa future self ko. Kahit ano palang gawin ko ay hindi na mababago noon ang sitwasyon niya ngayon. Her regrets will continue to haunt her for a lifetime and I can't do anything for her. Magpapatuloy siyang nagdudusa dahil sa mga pagsisisi niya sa nakaraan.
Siguro, alam na niyang ito ang mangyayari. Nakakalungkot isipin na kahit alam na niyang walang magiging epekto ang ginawa niya sa mangyayari sa kanya, ginawa niya pa rin ang lahat para masagip si Marco kahit dito manlang sa mundong ginagalawan ko. Somehow, this idea makes my mood gloomy.
Nagpatuloy ang nalulungkot kong mood hanggang sa sumapit na ang last subject namin na Physical Education. Pero hindi ko ito ipinahalata sa mga kaibigan ko. Panigurado kasing magtataka sila at hindi ko masasabi sa kanila ang tunay na dahilan.
Nagpalit muna kami ng uniporme bago pumunta sa school court. Habang naglalakad kami, nasa unahan namin sina Marco, Magne at Vaeden na nag-aasaran kaya't nakakuha ako ng tiyempo para makipag-usap kay Diyes tungkol sa future selves namin.
"Anong nakalagay sa letter mo ngayong araw?" Tanong ni Diyes habang nakatingin sa akin. Tila bang naisip niya ang iniisip ko.
Margot,
Ang napiling anchor para sa relay race ng section namin ay si Marco. Sa Biyernes kasi gaganapin ang annual Sports Events na cinoordinate ng mga PE Professors. Doon, pipili ang bawat PE Professors ng competition para sa hinahawakan nilang section tapos ilalaban nila iyon sa ibang section na hinahawakan ng ibang PE Professors.
Napili ni Ma'am Natividad, ang PE Professor namin, na isali ang section namin sa relay race.
And Marco will be a part of it.
But he won't make it. Injured ang ankle niya that time pero isinikreto niya 'yon sa amin kasi gusto niyang patunayan na this time, hindi na siya mabibigo-- na this time, hindi na uli niya kakainin ang sakit ng kabiguan.
But he really won't make it.
Nadapa siya sa middle part ng relay course kung saan siya naka-assign kaya't natalo ang section namin. This made him sad. Lalo siyang nalugmok sa kalungkutang idinulot sa kanya ni Cygny. Mukha man siyang okay pero hindi, a demon inside of him will tell him to give up.
What I want you to do now is to not let Marco fight for your section. Do everything for him not to be a part of the relay race. This will help him, big time.
"What do we do now?" Diyes asked me, completely clueless of what to do.
I sigh. "Siguro, aagawin ko na lang sa kanya 'yung position. Ako na lang ang maglalaro for his place."
"Will that be okay?" He asked again with same expression on his face.
Ibinaling ko muna ang tingin ko kina Marco at saka mahinang sumagot sa kanya. "I don't know. Basta, sundin na lang natin ang nasa letter. Our future selves know better than us."
From the corner of my eyes, I saw Diyes to just nod. I just continue walking as the gloomy mood starts to indulge my body again. Naalala ko na naman ang future self ko sa ibang parallel universe.
***
Nang dumating na si Ma'am Natividad ay dumiretso na kami sa school oval. Dahil ngayon ay alas-dos pa lang ng hapon, tirik na tirik pa rin ang araw. Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin kaya't hindi namin gaanong iniinda ang kirot na dinudulot ng init ng araw.
Pinag-warm up muna kami ni Ma'am. Matapos noon ay nagsimula na siyang isa-isahin ang bilis namin sa pagtakbo gamit ang timer sa cell phone niya. Isa-isa na kaming tumakbo sa kalahati ng oval nang forward and backwards.
Matapos ang isang oras ay pinabalik niya na uli kami sa court upang sabihin ang isang mahalagang announcement. Katulad ng nasa letter, inannounce niya na relay race ang sports na iaassign niya sa amin para sa taunang Mini-Olympics ng Physical Education Department. Pumili siya ng limang magiging miyembro na magrerepresent ng section namin.
Nagulat ako nang tanging si Marco lang ang napasama sa OPERAE PRETIUM Squad. Ginalingan ko kanina para kahit papaano ay may sapat akong mairarason kay Marco kapag sinabi kong ako na lang ang papalit sa pwesto niya pero hindi pa rin pala sapat.
Ganoon din ang ginawa ni Diyes pero katulad ko ay hindi rin naging sapat ang ginawa niya. Napapabuntong hininga akong lumalakad kasama sina Diyes at Marco papunta sa CR upang magpalit na uli ng uniporme.
Maya-maya ay tumigil ako sa paglalakad kaya't napatingin sa akin ang dalawa. "Marco, seryoso ka bang kaya mong maging anchor sa relay race?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko, tumango siya bago nagsalita. "Oo naman, kaya ko 'yon."
"Kung hindi mo kaya, ako na lang." Pagpupumilit ko sa kanya.
"Oo nga, Marco. Si Margot na lang ang pasalihin mo." Pagsang-ayon naman sa akin ni Diyes.
"Wait, why?" A sudden hurt mirrored his eyes.
At wala kaming mai-sagot ni Diyes.
Ilang segundo pa munang natigilan si Marco bago muling nagsalita. "But . . . Sure. Sige, sasabihin ko na lang kay Ma'am na ikaw na lang ang ipapalit ko sa pwesto ko."
Ang ngiti ni Marco ay nahaluan na ng lungkot. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na iyon kahapon kaya alam na alam kong malungkot siya ngayon.
"Una na ako sa inyo, ah? Didiretso na ako sa trabaho." Dagdag niya at kitang kita ko kung papaanong nawalan ng emosyon ang mukha niya nang tumalikod siya sa amin ni Diyes.
Napapakurap. Hindi pa ako makapaniwala sa nangyayari. Napatingin ako kay Diyes. "Did I made the right choice? Will it save him or will it just push him more to sadness? Pero . . . pero iyon ang nasa letter ng future self ko, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerAt the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the waves of life. But guided by voice messages from the parallel universe, Margot, his classmate, will...