Episode 21

4.4K 313 147
                                    

It's Wednesday afternoon. Hindi kami sabay-sabay na umuwi ng grupo dahil busy kaming lahat sa kanya-kanyang sinalihan na clubs.

Sina Vaeden at Magne ay umuwi na dahil wala naman daw gaanong ganap ang Photography Club. Si Diyes ay sobrang busy dahil sa mga pinapagawa sa kanya ng Journalist Club. Halos hindi na nga namin siya nakakasabay umuwi araw-araw, eh. Ang paliwanag niya lang, katatapos lang daw kasi nilang mag-conceptualize ng theme for this year's school newspaper, nandoon na sila sa part na gumagawa na ng content. Tiyak na mas magiging busy sila next week kasi kailangan nilang i-cover ang lahat ng games pati na rin ang booths at events na mangyayari.

Samantalang si Marco, halos gawing buhay na ang basketball. Busy siya sa pag-te-training. Hindi na rin namin siya nakakasabay umuwi dahil sa trabaho siya dumidiretso after ng training niya.

Ako naman, busy sa Cooking Club na sinalihan ko. Katatapos lang namin kahapong pagkasunduan ang mga pagkain na iluluto namin.

Since patok na patok sa mga ka-edad namin ang Korean dishes, iyon na ang naisipan naming concept sa menu ng booth. Ang booth ay magmumukhang Korean Eatery. Para magmukha talagang Korean iyon, nagpagawa din kami ng uniporme na traditional clothes ng mga Korean. Lalo tuloy akong na-excite.

Ang kikitain ng booth ay mapupunta sa napili naming charity. Iyon ang rason kung bakit lalo akong na-motivate na gawin ang best ko para sa event na 'to. Gusto ko rin kasing makatulong.

Dahil malapit kami sa mga matatanda, napili naming ibigay na lamang ang malalakap naming pera sa Home for the Senior Citizens. Matatagpuan iyon malapit sa school. Ang charity na 'yon ay naglalayong bigyan ng tirahan ang mga matatandang iniwan ng sariling pamilya.

Nang makita ko nga sila noong minsang pagbisita namin doon, hindi ko maiwasan ang maluha. I promise myself that time na never mangyayari 'yon sa parents ko. Kahit na maghirap pa ako, hindi ko sila iiwan.

No one deserves to be left behind. Most especially, if it's the one who brought and raise you in this chaotic world.

Actually medyo nahirapan pa nga kami noong una kung paano pagkakasyahin ang pera ng club. Hindi naman kasi gaanong kalaki ang ibinigay na fund sa amin ng school, eh. Mabuti na lang talaga at we are fortunate to have a crazy rich kid Club President. Dahil kulang na kulang ang pera namin, siya na raw ang bahalang magdagdag ng lahat ng kulang sa expenses. Basta masunod lang daw ang napag-usapan namin, wala daw siyang pakialam sa kung magkanong pera ang kailangan niyang ilabas. 

Well, that is how crazy rich Stephanie Vidallion is. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Noong una, akala ko ay mataray siya. Napaka-outspoken niya kasi pero as days passed by, natutunan ko na ring masanay sa ugali niyang 'yon. Kahit naman ganoon siya, sobrang galing niya pa ring mag-lead sa amin. 'Yung tipong kaya niyang solusyunan ang malaking problema namin in just a few seconds.

"So, are we all clear?" She asked while roaming her eyes at us.

I nod slowly. Katatapos niya lang kasing isulat sa white board ang mga dish na iluluto namin sa Monday. Pati na rin ang mga gagawin namin on that specific dates of the Foundation Week.

"Wait, Steph. How about we add kimchi para complete 'yung Korean experience ng customers natin?" Tanong ni Cath. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya.

Si Cath Martinez talaga ang pinakaunang naka-close ko sa club. Ang bait niya kasi tapos sobrang approachable pa. Siya 'yung unang kumausap sa akin at nag-invite na sumali ako sa club. Mabuti na nga lang talaga at natagalan niya ang pagka-suplada ko that time kasi kung hindi ay hindi ako mag-eenjoy nang ganito ngayon.

Nagtaas kamay si Harper. "Ako nang bahala sa kimchi. Gagawin ko na agad 'yan mamaya para pwede nang kainin sa Monday."

I nod slowly again. As usual, audience lang naman ako lagi. Hindi ko talaga kasi feel na makipag-debate sa kanila. Lalo na kung alam ko namang kaya nila ang kanilang desisyon.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon