Monster 25

7 0 0
                                        

Calisto

Nahimatay na lamang siya bigla at hindi ko alam ang aking gagawin. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ko at agad-agad nila siyang binuhat. Dadalhin daw nila siya sa ospital. Ang OA naman. Simpleng sakit lang naman ng ulo ang meron siya. Pwede namang magpahinga nalang siya sa clinic.

Nung akmang ipapasok na siya sa ambulansya, mabilis na tumungo ako sa harapan nila at nagsalita.

"Sa clinic niyo na lamang siya ihiga. Masakit lamang ang ulo niya. Isa pa, ayaw na ayaw niya sa ospital."

Tahimik lamang sila. Nagtitinginan. Nagsisikuan kung sinong kokontra sa akin.

"Maniwala kayo. Isa akong doktor," sabi ko sabay pakita ng aking lisensya. "Saan ba ang clinic niyo?"

Kumalma naman sila at itinuro sa akin nung isang babae ang direksyon. Sumama ako papunta roon habang buhat pa rin nila ang kanyang katawan. Patingin-tingin ang babae sa akin. Parang di makapaniwala na ewan.

Inihiga nila siya sa kama. May respeto kong inutos na makakalabas na sila ng kwarto maliban sa kanyang sekretarya.

"Sir, parang ngayon ko lang po kayo nakita rito. Sino po ba kayo at parang kilala niyo si Madam Bela?"

"Matalik kaming magkaibigan mula pagkabata. Ngayon nalang kami ulit nagkita," sagot ko. Tinitigan akong mariin nito, waring kinikilala ako.

"Ah! Tama. Kamukha niyo nga po yung nasa painting dati."

Nagitla naman ako sa narinig. "Painting?"

"Opo. Sabi ng kasamahan ko, pininta raw mismo yun ni Madam Bela. Magkasama po kayo sa painting na yun. Nakamalaking frame pa nga."

"Frame?"

Wala akong kaide-ideya sa mga sinasabi niya. Hindi ko mawari kung nagkakamali lang siya ng sinasabi o talagang hindi lang ako familiar sa ibang termino niya.

"Kaya lang hindi po ako sigurado kung kayo nga po 'yon. Kulay mais po kasi ang buhok non at kulay brown orange ang mga mata."

Anong...

"Pero kamukha ko talaga?" tanong ko. Natural ay gusto kong makasiguro.

"Opo, Sir.. Sir... ano nga po palang name niyo?"

"Nim?"

"Name po. Pangalan?"

"Cal," maikli kong sagot.

Nang mapansin ko ang paggalaw ng ulo ni Bela ay nagpaalam na agad ako. Sinabi ko sa kanyang sekretarya na babalik na lamang ako sa lalong madaling panahon.

"Minerva, sinong kausap mo?"

"Madame, mabuti naman at nagkamalay na kayo. Si Sir Cal po ang kausap ko kanina."

"Cal?" Calisto?

"Kaibigan mo raw syang matalik. Nang akma kang dadalhin sa ospital, pinigilan nya sina K2. Sabi niya ayaw mo raw sa ospital."

Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig kong 'yon. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

Nang makita ni Minerva ang expression ng aking mukha ay automatic na nabigla rin ito sa nabanggit.

Kinalkal niya agad ang kanyang cellphone sa bag at nag-open ng social media. Sa Facebook ay may mga posts na agad tungkol sa aking phobia sa ospital. Sa Youtube ay nakaupload na agad ang aktuwal na nangyari. Sa Google at Yahoo ay trending na agad ang mga news article tungkol don.

Napasapo na lamang ako sa aking noo. Ano ba itong napasukan ko?

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon