Beginning
~~~~
Jermaniah POV
Maigi kong pinag mamasdan ang resulta ng isa kong pasyente na may sakit na xeroderma pigmentosum. Isa yung rare decease na kung saan ang pasyenteng may sakit non ay hindi pwedeng masinagan ng araw.
Allergic sa araw. Maaari kasing dapuan ng malulubhang sakit ang pasyente na may xeroderma pigmentosum.
"Doktora kailangan po kayo sa ER, madaming sugatang sundalo ang sinugod sa ER." Napa tayo agad ako mula sa pag kakaupo saka kinuha ang
stethoscope ko.Agad akong lumabas sa aking opisina saka nag lakad papunta sa ER. Sa daanan palang papuntang ER ay sobrang dami ng tao ang karamihan ay sundalo na sugatan.
Anong nangyare?
"Doc umahin mo po muna yung captain nila."sabi sa akin ng isang nurse kaya tumango ako at nag lakad papasok sa ER. Sa loob nakita ko ang ilang sugatang sundalo na namimilipit sa sakit.
"Nasan ang captain nila?"tanong ko.
"Nasa gilid po doon sa kaliwa pangalang yard."
"May mga gamit na ba doon?"tanong ko.
"Yes po doc." Tumango ako at nag lakad palapit sa tinurong dereksyon ng nurse. Agad kong hinawi ang kurtinang nag sisilbing takip sa isang hospital bed at agad na kinuha ang stethoscope ko sa bulsa ko.
Tumingin ako sa captain nila na ngayun ay naka upo sa hospital bed habang may kausap sa cellphone niya. Kumunot ang nuo ko ng makitang parang wala naman siyang sugat maliban nalang sa isang maliit na sugat sa kanyang dibdib na sa tingin ko ay nadaplisan lang ng bala.
Kung pag kukumparahin ang sugat niya sa ibang sugat ng sundalong nakita ko kanina ay wala lang. Mas gusto kong gamutin ang sugat ng ilang sundalo kesa sa sugat ng lalaking nasa harap ko na naka hubad ang pang itaas na damit at may kausap sa cellphone.
"Oo nga kaya nga." Napa tingin siya sa gawi ko at natigilan.
Sa kinatatayuan ko ay nakita ko kaagad ang kulay kayumanggi niyang mga mata, perpekto ang kanyang makakapal na kilay at itim na itim na mahahabang pilik mata. Ang matangos niyang ilong at ang kulay pula niyang labi na talagang nag papatingkad ng kanyang kakisigan. Isama mo pa ang pagka moreno niya na talaga namang babagay sa kanya at ang buhok niyang blurry fade style ang gupit.
Nag tama ang mga paningin namin, nakita ko kung paano niya dahan dahang binaba ang cellphone na hawak niya na aa tingin ko ay di pa tapos ang pag uusap nila ng kausap niya.
Kinuha ko ang bulak at ilang gamit saka umupo sa harap niya. Ramdam ko parin ang titig niya kaya tinignan ko siya.
"Yan lang ba ang sugat mo?"tanong ko dahilan para mapakurap siya at mabalik sa ulirat.
"H-ha?"
"Ang sabi ko, ito lang ba ang nakuha mong sugat?"tanong ko.
"O-oo." Utal niyang sagot kaya tumayo ako.
"Ang nurse na ang gagamot ng sugat mo, mas kailangan ako ng ilang sundalo." Sabi ko at akmang aalis na ng hawakan niya bigla ang kamay ko dahilan para mapa lingon ako sa kanya. Agad kong binawi ang kamay ko ng makaramdam ako ng pagka paso sa ginawa niya.
"Ano... Kasi sa tingin ko malalim yung sugat ko saka sabi ng stuff ikaw ang kailangang gumamot sa akin." huminga ako ng malalim.
"Kaya na ng nurse na gamutin ang sugat mo, ang ilang sundalong naputulan ng paa ang kailangan kong asikasuhin."sabi ko.
"Pero sabi ng Stuff kailangan ikaw ang gumamot sa akin."
"Ako ang may ari ng hospital na ito. Kaya pwede kong utusan ang ilang nurse para gamutin ka." Sabi ko at tinalikuran siya. Nag lakad ako paalis sa lugar na iyon pero sinundan niya ako.
"Ms teka lang." Napa pikit ako sa inis at tinignan sya.
"Saglit mo lang naman ako gagamutin eh, saka ako ang captain. Ang sabi ng General ikaw ang gagamot sa akin." sabi niya kaya napa buntong hininga nalang ako at inalalayan siya pabalik sa hospital bed niya. Napaso ako ng dumikit ang kamay ko sa likod niya pero hindi ko iyon pinahalata.
Ng makabalik kami sa hospital bed nya ay sinimulan ko na siyang gamutin.
"Ughm... DR Jermaniah Velasquez, napaka gandang banggitin." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya. Naka tingin siya sa nametag ko.
"Ako nga pala si Jericho Lace Gonzales." Sabi niya.
Tahimik ko lang siyang pinapakinggan.
tapos ko na syang gamutin, kaya tinignan ko na sya.
"Captain Jericho, ayus na ang sugat mo. Daplis lang yan kaya mawawala din yan." Sabi ko at niligpit ang gamit ko.
"Ughm... Busy ka ba?"napa tingin ako sa kanya.
"24/7." Sagot ko saka tinalikuran siya.
"Jermaniah." Napa pikit ako sa inis.But still naka ngiti ko parin siyang hinarap.
"Salamat." Kumalabog ang puso ko ng makita ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi.
Shit.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's Touch
Romance|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa babaeng yun... Doon nag simula ang takot ko. Ang takot ko na umibig at magaya sa uncle Jared ko. S...