He's Touch 28

543 13 0
                                    

He's Touch 28

~~~

Niah POV

After 6 months

6 months without communication to Jericho is like a hell.

6 month past simula ng huli ko syang makausap sa phone at nalaman niya ang tungkol sa kalagayan ko. I don't know kung bakit pero isa lang ang alam ko. Hindi parin tapos ang gera sa NK.

I am now 9 months pregnant at yes, malaki na ang tyan ko. Everyday i take my vitamins and consult to my own doctor yung kaibigan ko.

Si Jason naman ayun, tuloy lang ang buhay at pang bubully sa mga kaklase niya at mga ka schoolmate niya. Walang linggo ang lumipas na hindi ako napapapunta sa school niya. Laking pasalamat ko nalang dahil kami ang may ari ng school na yun at di pa siya napapa kick out.

Umupo ako sa sofa malapit sa may glass window saka hinawakan ang tyan ko at tumingin sa bintana. Nakita ko ang papalubog ng araw.

Nandito ako ngayun sa bahay ko, wala pa si Jason mamaya pa ang dating non so ako palang mag isa ngayun.

"Kumusta na kaya ang papa mo?" Tanong ko sa anak kong nasa sinapupunan ko.

To be honest, nag tatampo ako kay Jericho kasi hindi ko na sya ma contact at wala kaming communication. Araw araw walang nag bago. Lagi kong pinag darasal na sana dumating na siya na sana matapos na ang laban sa NK at sana ayus lang sya don.

Ayokong istress ang sarili ko dahil buntis ako at baka maka sama sa anak ko kaya naman kahit mahirap na alisin si Jericho sa isip ko ay nililibang ko ang sarili ko.

Nag leave muna ako sa trabaho ko as CEO ng hospital at ng ilan pang business namin. Si Jason muna ang pumalit sa akin that's why busi'ng busy ang kapatid kong iyon pero kahit na busy siya he still cares to my baby kahit na lagi nyang sinasabi na 'susuntukin ko talaga yang tyanak na yan pag labas niya.'

Nakakatawa lang dahil hindi pa matured si Jason pero alam niya kung kelan siya mag seseryoso sa isang bagay.

"I'm home." Napa lingon ako sa pinto na kakabukas lang nakita ko ang kapatid ko na naka bihis ng business attire at may dalang shopping bag.

"What's that?" Tanong ko. Nilapag nya sa harap ko yung dala niya saka umupo sa kaharap kong sofa at pinatong ang paa sa mini table.

"Buksan mo." Sabi niya at pinikit ang mga mata niya, napagod na ata siya? Tuwing umaga kasi pumapasok sya sa school at after school naman ay deretso na sya sa hospital at sa iba pang business namin.

Kinuha ko yung dala niya at binuksan.

"Omigieee barbie!" Nag ningning ang mga mata ko ng makita ko ang dala niya. Yes, nag lilihi ako sa barbie doll. Ang cute kasi ng hair nila!

"Tsk, parang isip bata eh." Tinignan ko siya ng masama.

"Sino kaya yung bully na isip bata sa ating dalawa." Sabi ko. Inirapan nya lang ako saka kinuha yung remote ng tv at binuksan ang tv.

"Sino kaya yung buntis sa ating dalawa na tuwang tuwa sa manika." Sabi niya naman.

"Aba Jason JR, nag lilihi ako. Pasalamat ka hindi ikaw ang pinag lilihian ko."

"Oh eh di salamat Jermaniah, as if naman gusto kong ako ang pag lihian mo kadiri." Ayan nanaman po, umaatake nanaman ang pagiging girl hater niya.

"Napapa isip tuloy ako kung paano ka nakakabili ng mga manika." Sabi ko.

"Wag mo nang isipin, wala ka namang isip." Sabi niya. Napa tingin ako sa tv ng makitang balita ang palabas.

"Wag mong ililipat." Sabi ko at nanatiling sa TV lang ang paningin.

"Magandang araw sa inyong lahat, narito ang aming team sa National Airport upang umantabay sa pag dating ng mga sundalong galing sa Gera sa North Korea."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng reporter.

"Jason ilipat mo sa ibang news channel." Sabi ko.

"Para saan?"

"Basta ilipat mo!" Sigaw ko. Dali dali niya namang nilipat ang channel at saktong ganon din ang balita.

"Pauwi na po lahat ng sundalong lumaban sa North Korea. Patay'man o buhay ay uuwi dito mismo sa ating bansa at sasalubungin sila ng may pag saludo at buong puso ng ating Pangulo."

"Sa ibang palita pa Jason." Muling nilipat ni Jason ang channel.

"Sa wakas ay natapos na din ang gera sa North Korea, kaya naman inaasahan na ang pag dating ng ating mga magigiting na sundalo sa bansa bukas ng umaga."

Tumulo ang mga luha ko at napa hawak sa tyan ko.

Uuwi na si Jericho.
Makakasama ko na sya.
Dadating na siya.
Ang Ba-bi ko... Uuwi na siya.
~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Last 3 chapters mga bibeh's till the end :')

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon