Positive
~~~~
Jermaniah POV
Minulat ko ang mata ko, puting ceiling ang una kong nakita.
Nasan ako? Dahan dahan akong umupo at nilibot ang paningin ko. Doon ko lang na realize na nasa isang hospital room ako at doon lang nag sink in sa utak ko na nawalan ako ng malay kanina.
"Ate." Tumingin ako sa pinto na kakabukas lang non. Nakita ko si Jason na naka kunot ang nuo.
"What happened to you? Nawalan ka ng malay kanina." Sabi niya at lumapit sa akin. "Hahatidan sana kita ng foods but saktong pag tapak ko sa floor ng hospital ay nag kagulo ang mga nurse sa nurse station then i saw you na walang malay. And there's a nurse na sinabing nag suka ka. May sakit ka ba?" Tanong niya. Kumunot ang nuo ko ng maamoy ang pabango ni Jason.
"Lumayo ka muna sa akin lil bro, ang baho mo." Sabi ko at tinakpan ang ilong ko.
"What the hell." Takang sabi niya at inamoy ang sarili niya.
"Hindi naman ah. Ang weird mo ate ano bang nangyayare sayo?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng matalim.
"I said umalis ka muna dahil ang baho mo. Ano ba naman yan Jason? Hindi ka ba naliligo?" Laglag ang panga niya habang naka tingin sa akin.
"Alam mo unti nalang maiisip kong buntis ka." Sabi ni Jason dahilan para matahimik ang buong kwarto kung saan kami ngayun. Napa lunok ako sa sinabi ni Jason at nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"Buntis ka?" Tanong niya.
"No i'm not." Sabi ko.
"Look ate nag suka ka, nawalan ng malay then now pinag pipilitan mong mabaho ako like what the fuck ate you're pregnant." Sabi niya.
"Hindi ka doctor para bigyan ako ng--"
"Then do the pregnancy test." Sabi niya at tinignan ako ng masama.
"I swear pag yan positive papatayin ko ama niyan." Sabi niya at tumayo.
"You're too harsh Jason. Hindi ko na nagugustuhan ang ugali mo." Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ayaw din ng ugali ko sayo." Sabi niya at inirapan ako.
"Look ate it may sounds gay but i'm just concern to you. Paano pag buntis ka ha? Paano mo itataguyod ang anak mo ng mag isa habang ang ama niya ay nasa ibang bansa at nakikipag gera? Paano ka pag di na bumalik yung Jericho na yun?" Sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Umiling iling lang siya saka huminga ng malalim at pumikit saka tumingin sa akin.
"Hindi pa ako handa para maging 'tito' masyado pa akong bata para maging 'tito' saka--"
"Ewan sayo Jason, ang sabihin mo nag seselos ka lang kasi kapag positive ang result at may baby na sa tyan ko ay di na kita ma bibigyan ng atensyon." Inirapan niya lang ako saka nag pout.
"Kasi naman ate eh bat kasi nag pabuntis ka?" Hinagis ko kay Jason yung unan ko saka tinaasan siya ng kilay.
"Mang buntis ka din para masaya." Sabi ko at tumayo mula sa hospital bed.
"Eww ate as if naman gagawin ko yun. Mag papari nalang ako kesa mag karuon ng asawa." Sabi niya kaya napa iling nalang ako.
Girl hater talaga.
Nag pakuha ako ng isang pregnancy test kay Jason mula sa nurse station, ng maka balik si Jason ay agad kong tinray yun sa CR at kinakabahan ako sa maaaring resulta.
Paano pag positive? Matutuwa ba si Jericho pag nalaman niya yun? Saka paano ko ipapa alam kay Jericho na buntis ako kung nasa gitna siya ng laban?
Napa lunok ako at huminga ng malalim bago tinignan ang resulta ng pregnancy test.
Agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko at sa buong sestema ko ng makita ko ang resulta.
Positive.
Ibig sabihin... Buntis ako?
Napa upo ako sa toilet at napa hilamos sa mukha.
Paano ko sasabihin kay Jericho?
Anong magiging reaction ni Jericho pag nalaman niya?
Paano pag di niya tinanggap yung baby?Pero diba sabi niya mahal niya ako at pag balik niya ay gagawa kami ng isang masayang pamilya.
Huminga ako ng malalim saka tumayo at humarap sa salamin. Pinag masdan ko ang repleksyon ko sa salamin saka nag hilamos at lumabas sa CR.
"Anong resulta ate? Negative?" Tanong ni Jason sa akin. Umupo ako sa hospital bed saka tinignan siya.
"Positive." Sagot ko. Natahimik siya kaya tinignan ko siya.
Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya kaya napa kunot ako ng nuo.
"Ba't ka naiyak?" Tanong ko.
"K-kasi naman ate eh." Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Kasi naman eh, sa iba na matutuon ang atensyon mo. Paano ako?" Parang batang sani niya kaya tinulak ko ang nuo niya saka piningot siya.
"Abnormal ka ba di pa naman nalabas yung baby eh saka dugo palang ito." Sabi ko at inirapan siya.
"Magiging Tito na ako." Sabi nya at nag pout.
"Alam mo imbes na alagaan mo ako ay ikaw pa ata ang aalagaan ko." Sabi ko at umiling iling.
"Paano nalang pag ikaw na ang naka buntis--"
"Kadiri." Bulong niya.
"Bakla ka ba Jason?" Bigla siyang tumayo at kita ko kung pano rumihistro ang galit sa mukha nya.
"Inaapakan mo ang ego ko ate." Sabi niya at tumalikod sa akin.
"Joke lang lil bro." Sabi ko at tinawanan siya. Nag patuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa nasa harap na siya ng pinto.
"Uuwi na ako Ate bahala ka sa buhay mo." Sabi niya at lumabas. Natatawa akong umiling iling habang naka tingin sa pinto kung saan lumabas si Jason.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's Touch
Romance|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa babaeng yun... Doon nag simula ang takot ko. Ang takot ko na umibig at magaya sa uncle Jared ko. S...