He's Touch 13: Move on

490 12 2
                                    

Move on
~~~

Jermaniah POV

Pinag mamasdan ko ngayun ang bintana ng kwarto na tinutuluyan namin ni Jericho ngayun dito sa Korea.

Umuulan ng snow sa labas at sobrang lamig ngayun kaya naman naka bukas ang heater dito.

Hindi ko alam kung nasaan si Jericho ngayun. Lumabas siya at sinabing may kukunin lang daw.

Mahigit dalawang lingo na kami dito sa Korea at masasabi kong.. Sobrang saya ko.

Araw araw sa loob ng dalawang lingo ay namamasyal kami ni Jericho, kung saan saan niya ako dinadala at laging pinapasaya.

Hindi ko alam pero unti unti ko ng nakakalimutan lahat ng mga problema ko. Pakiramdam ko sa bawat araw na dadaan ay na eexcite ako dahil sa bagong pakulo ni Jericho.

Aaminin ko, unti unti na siyang nakakapasok sa buhay ko. I mean, unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

I remember the day nong pumunta kami sa isang resort dito sa Korea, inamin niya sa akin ang feelings niya and he's willing to wait. That day sinabi ko na di pa ako ready na pumasok sa isang relasyon dahil biglang pumasok sa isip ko non ang ginawa ng Tito Jared ko para sa isang babaeng hindi siya kayang mahalin. He gave his heart, he sacrifice his life for that girl who doesn't love him back.

That day sinabi ko sa sarili ko na i will not do that na hindi ako gagaya sa tito ko. Para sa akin isa siyang tanga dahil mas pinili niyang ibigay ang buhay niya para sa isang babaeng hindi naman siya mahal. He's so damn stupid.

And also that day naalala ko si Daddy and Mommy, I'm sure masaya na silang tatlo ni Tito Jared kung nasaan man sila ngayun.

I realized that we are leaving in reality. We're leaving in a world full of pain and happiness.

People come and people go.
Kapag may aalis, may darating. Mommy left us and Jericho comes into my life.

I already moved on. And I'm already accepting the fact. Na kahit mag mukmok ako at patayin ang sarili ko. Hindi na babalik si Mommy.

"Niah." Lumingon ako sa pintong kakabukas lang. Nandoon naka tayo si Jericho na may ngiti sa labi. May dala siyang isang aso. Wow.

"Wow." Sabi ko at agad lumapit kay Jericho.

"Labrador." Sabi ko at kinarga ang maliit na aso.

"Hi sweety." Sabi ko sa aso.

I remember Snow, yung asong niregalo sa amin ni Daddy. Nasa puder sya ngayun ni Jason. Si Snow ang kasama niya sa bahay niya. Sure akong tinatrato niya yun na parang isang tunay na babae.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko. Tinignan ko si Jericho.

"Hmm wala akong maisip, ikaw?" Tanong niya. Tinignan ko yung maliit na asong karga ko saka nag salita.

"Yogie." Sabi ko agad na kumahol yung aso na para bang gustong gusto nya ang pangalang iyon.

"Okay then. Yogie." Sabi ni Jericho at hinawakan ang ulo ni Yogie.

"This is you're mommy Niah, and i am you're daddy Echo." Naka ngiting sabi ni Jericho sa aso. Natawa ako at binaba si Yogie. Tumakbo takbo siya sa loob ng hotel room na para bang iniikot iyon.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Umiling si Jericho sa akin.

"Tara ipag hahanda na kita." Sabi ko at hinila siya papunta sa kusina.

Hinandaan ko siya ng makakain niya. Habang ginagawa ko yun ay nararamdaman kong naka tingin siya sa akin.

Umupo ako sa harap niya kasabay ng pag lalagay ko ng pagkain niya sa harap niya.

"Saan mo balak pumunta bukas?" Tanong niya.

Nag isip ako.

"Halos lahat naman na ata ng magandang lugar dito sa Korea napuntahan na natin." Sabi ko. Natawa siya.

"Susulitin na natin to." Sabi niya habang kumakain.

"Bakit aalis ka?" Tanong ko dahilan para tumigil siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sa April pupunta akomg North Korea." Agad na namutawi sa dibdib ko ang kaba.

"Hindi ba't may Gera don?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumango tango.

"That's why pupunta ako don." Sabi niya. Kumunot ang nuo ko.

"Isang buwan lang ang leave ko." Sabi niya.

"At isang lingo nalang ay pupunta ka na sa North Korea." Bulong ko. Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos saka hinawakan ang kamay ko.

"Babalik naman ako eh." Sabi niya. Natahimik ako.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming negative imagination ang pumapasok sa isip ko.

"Hanggang.... Kailan ka don?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"Hanggang sa matapos ang gera." Sagot niya.

Kinakabahan ako. Sobrang kaba.
Ang sabi ko sa sarili ko noon hinding hindi ako mahuhulog sa mga lalaking kagaya ni Jericho. Sa mga Sundalong gaya niya. Dahil ang kanyang kalahating buhay ay awtomatikong naka sugal na sa kamatayan bago pa man siya lumaban.

Walang kasiguraduhan kong siya ay makakabalik pero shit. Ayokong mag isip ngga negatibo.

Unti unti ng nawawasak ang harang na ginawa ko upang di maka pasok si Jericho sa buhay ko.
Unti unti na iyong nawawasak na aabot sa puntong.... Pag gising ko sa umaga ay baka siya na ang kaadikan ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon