He's Touch 21: Without Him

480 12 1
                                    

Without Him.

~~~~

Jermaniah POV

Naka tingin ako sa bintana ng opisina ko kung saan tanaw ang pag sikat ng araw.

Narito ako sa hospital, balik sa dating gawi na mag tratrabaho at mag aalaga ng mga pasyente.

Dalawang araw na ang nakalipas ng umalis si Jericho papunta sa NK. Ang sabi niya ay tatawagan niya ako pero hanggang ngayun wala akong tawag na nakukuha.

Kinakabahan ako. Sa totoo lang simula ng unang nalaman ko na pupunta sya ng NK ay di na naalis ang takot at kaba sa dibdib ko.

Kung pwede lang pahintuin ang oras gagawin ko makasama lang si Jericho at masiguradong hindi na siya aalis.

"Doc..." Tumingin ako sa pumasok sa opisina ko, isa sa mga nurse na nag tratrabaho dito.

"May sinugod pong pasyente sa ER, kayo nalang po kasi yung available na surgeon." Sabi nito.

"Susunod ako." Sabi ko, lumabas siya sa opisina ko. Huminga ako ng malalim saka nag lakad papunta sa ER. Nadaanan ko pa ang nurse station na naka tutok sa TV atensyon. Kumunot ang nuo ko at tumingin sa TV.

"Nakalapag na ang sampung eroplano ng Pilipinas na pinadala sa North Korea upang tumulong sa laban doon kontra sa mga rebelde. Narito ang--"

"On air kayo?"
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong makita si Jericho sa tabi ng reporter.

Agad tumulo ang luha ko ng makita ko syang naka ngiti.

Ba-bi...

"Yes po?"

Naguguluhan ang reporter sa kinilos ni Jericho. Biglang inagaw ni Jericho yung Mic sa reporter at humarap sa camera.

"Hi, this is Captain Jericho of West Pacific Military. I want to say Hi to Jermaniah Veronica Velasquez My girlfriend and my Ba-bi." Biglang napa tingin sa akin ang mga nurse na nanunuod at halatang kinilig.

"Ba-bi I'm sorry if di ako naka tawag sayo ng dalawang araw. Naka airplane mode kasi yung phone ko nakaka inis bala kasi ma lowbat kaya. I'm here na sa North Korea. Wag kang mag alala sa akin kasi ayus lang naman ako. Yung mga sinabi ko sayo gawin mo ha. Ayokong mag kasakit ka habang wala ako. Saka wag kang tatawag. Ako na ang tatawag sayo promise yan mamatay pa mga kasama ko." Nakita kong sinigawan si Jericho ng kasama niya pero naka ngiti lang siya.

Napa ngiti ako sa sinabi niya at bahagyang naiyak.

"Ba-bi kung napapa nuod mo to, lagi mong i on ang phone mo para matawagan kita. I don't know kung kailan ang balik ko but I promised na babalik ako sayo kaso gagawa pa tayo ng baby." Nag hiyawan ang mga doktor at nurse na nanunuod ngayun dito sa sinabi ni Jericho.

Loko talaga.

"Ibabalik ko na sa reporter itong mic. Kailangan ko ng pumunta sa kampo para matapos agad itong laban namin Ba-bi. I love you and i miss you agad agad sagad trenta. Mahal na mahal kita mwuah." Napa ngiti ako ng makita kong binalik ni  Jericho ang mic sa reporter.

"Salamat, invited ka sa kasal namin." Sabi ni Jericho sa Reporter at kumaway pa sa camera saka nag lakad papunta sa kasamahan niya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Doc yung pasyente!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na napa takbo papunta sa ER.

Ilang oras ang ginugol ko para maisalba ang pasyente at sa awa ng Dyos ay nailigtas ko naman siya. Inalis ko ang gloves at ang hairnet saka lumabas sa ER.

Nag lakad ako palapit sa Nurse Station ng biglang umikot ang sikmura ko at naduwal.

Agad akong nag duwal sa gilid ng nurse station na agad namang umalalay sa akin ang mga nanduon.

"Doc ayus lang po ba kayo?" Tanong ng isang nurse sa akin. Tumango tango nalang ako at hinarap sila.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Sabi ko. Pinaupo nila ako sa upuan at agad nilang pina ayus ang kalat sa gilid.

"Doc mag pahinga po muna kayo?" Tanong nito sa akin. Umiling ako.

"May mga pasyente pa akong kailangang gamutin." Sabi ko at tumayo. Biglang umikot ang lahat sa paningin ko at naging black ang lahat. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag bagsak ko ss malamig na sahig ng hospital.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon