Epilogue

971 21 1
                                    

Epilogue

~~~

Niah POV

After 3 months.

"Jason nasa kotse na ba yung mga gatas ni Braxton?" Tanong ko habang binibihisan ang one Month old kung baby, ang anak namin ni Jericho.

"Oo." Sagot niya at kinuha ang bag ko na may lamang damit ni Braxton.

"Dalian mo nga jan, ang bagal bagal bihisan ng anak mong tyanak." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya ako pinansin, lumabas sya sa kwarto.

Binuhat ko na ang baby ko saka nag lakad papunta sa body size mirror.

Pinag masdan ko ang reflection naming dalawa. Napa ngiti ako ng makita ang cute na cute na si Braxton na natutulog habang karga ko.

Kamukha nya ang daddy niya. Mula sa ilong hanggang sa labi pati sa mga mata niya ay kuhang kuha niya sa kanyang ama.

Hinihiling ko lang na sana makita niya ang daddy niya at sana makita siya ng daddy niya.

Ilang buwan na ang lumipas, nanganak na ako lahat lahat pero wala paring Jericho ang umuuwi sa akin. Wala paring Jericho na bumabalik sa akin.

'Jericho, nasaan ka na ba?'

Nawawalan na ako ng pag asang babalik ka pa.

Huminga ako ng malalim saka nag lakad palabas ng kwarto.

Ngayung araw ay pupunta kaming tatlo sa sementeryo, dadalawin namin sila Mommy at Daddy.

Pinag buksan kami ni Jason ng pinto, bali sa likod ako umupo kasi nga may baby akong karga bawal umupo sa harap.
Umupo na si Jason sa Driver's seat saka tumingin sa akin.

"Nag mumukha akong gwapong driver" irap nyang sabi saka pina andar ang kotse.

"Ang mahalaga is Important Jason." Pang aasar ko. Tinignan niya ako ng masama bago nag simulang mag maneho.

Napuno lamang ng asaran ang byahe namin papunta sa sementeryo. Walang pag babago sa relasyon namin ng kapatid ko. Kumbaga Asaran ang pundasyon ng aming relasyon lols.

Tumigil ang sasakyan namin sa parking ng sementeryo. Agad na bumaba si Jason sa Drivers seat saka kami pinag buksan ng pinto. See? Ang caring ng aking kapatid.
Kahit na demonyo talaga sya.

"Akin na muna si Tyanak ate, nangangalay ka na ata." Sabi niya at humarang sa dadaanan ko saka kinuha si Braxton.

Hindi man niya sabihin pero halata sa kilos niya na masaya syang magkaruon ng pamangkin kahit na puro Tyanak ang naririnig ko sa kanya.

Sobrang maalaga si Jason, tuwing gabi na iiyak si Braxton ay siya na ang pupunta sa kwarto ni Braxton at papatahanin iyon. Lagi niya ding inaagaw sa akin si Braxton at nilalaro. Naalala ko pa nga nong manganganak na ako sobrang hindi mapakali si Jason.


Ibinigay ko sa kanya si Braxton. Ako na ang kumuha sa Bag na dala namin saka nag simulang mag lakad papunta sa puntod nila mommy at daddy.

"Hi, mom and dad." Naka ngiti kong sabi habang naka harap sa puntod nila. Ibinaba ko ang mga dala ko saka nag sindi ng kandila. Inilagay ko ang bulaklak sa kanilang puntod at inalis ang unting kalat.

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon