He's Touch 10: Effort

545 12 1
                                    

Effort

~~~~

Jericho POV

"Niah, may dinala ako para sayo." Naka ngiti kong sabi at inilabas yung bulaklak na binili ko sa labas kanina.

"Nakita ko to sa labas kanina at agad kitang naisip." Sabi ko at inilahad sa kanya. Naka tingin parin siya sa bintana na para bang walang naririnig at walang pake alam sa mundo.

"Niah..." Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Tumingin siya sa bulaklak na hawak ko saka tumingin sa akin.

"Ano kasi sabi nong nag titinda mabango daw to at talaga namang magugustuhan ng mga babae." Sabi ko.

"Paki lagay nalang sa gilid." Matamlay nyang sabi at binalik ang paningin sa bintana.

Inilagay ko iyong bulaklak sa tabi ng higaan niya saka umupo sa harap niya.

"Sya nga pala Niah, tara gala tayo. Malapit lang dito yung Gangnam." Sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Inaantok ako." Sabi niya.

"Niah kakagising mo lang. Tara na dali may mga pagkain don at sure ako na may mga magagandang places don." Sabi ko.

"Jericho.."

"Please Niah tara na? Sayang naman kung puro sa hotel ka nalang diba? Saka umuulan ng snow ngayun. Tara na." Sabi ko huminga siya ng malalim.

"Mag bibihis lang ako." Walang gana nyang sabi kaya napa ngiti ako.

"Sige hihintayin nalang kita sa labas." Sabi ko at nag lakad palabas ng kwarto.

Napa buntong hininga ako ng isarado ko ang pinto ng kwarto.

'Kailangan maibalik ko sa dati si Niah.'

Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto. Nakita ko na agad si Niah na naka bihis na at handa ng gumala.

"Tara, sa coffee shop muna tayo. Balita ko sobrang sarap daw ng mga kape dito." Sabi ko. Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pag lalakad palabas ng hotel room namin. Ng makalabas kami sa hotel ay agad na sumalubong sa amin ang lamig ng panahon, buti nalang ay naka jacket kami ng makapal.

Nilingon ko di Niah na naka tingin sa langit habang naka lahad ang kamay sa ere, napa ngiti ako ng makitang unti unting nagka sigla ang kanyang mga mata.

'Maiaalis din kita sa kalungkutan.'

"Tara doon." Sabi ko at tinuro yung pinaka malapit na coffee shop sa hotel.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya.

"Ready?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at tumangi.

Sabay kaming nag lakad papunta sa coffee shop na katapat lang ng hotel na tinuluyan namin. Mag kahawak ang kamay namin habang napapaulanan kami ng maliliit at muputing butil ng snow.

Ng makarating na kami sa coffee shop ay pinag buksan ko siya ng pinto at agad naman kaming binati ng mga nandoon.

Tumangi kami at binati din ang mga nandon saka umorder ng kape.

Habang nasa loob kami ng coffee shop ay pinag mamasdan ko si Niah na umiinom ng kape.

"Javaphile." Sabi niya kaya tinitigan ko siya.

"Javaphile ang tawag sa taong gustong gusto ang kape." Dagdag niya at tumingin sa akin.

"Ikaw ba? Isa ka ba sa mga Javaphile?" Tanong ko.

Ibinaba nya ang hawak niyang baso saka tumingin sa akin.

"Oo, ako, si mommy at si daddy isa kaming mga Javaphile. Si Jason Jr lang di mahilig sa kape." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

"Ikaw ba?" Tanong nya. Tumango tango ako.

"Oo, simula nong grade 7 ako umaga, gabi at tanghali hindi mo ako mapapakain ng almusal pag walang kape, pinaka the best para sakin yung Kopiko Black." Kwento ko.

"Ako naman, noong Grade 6 ako unang uminom ako ng kape pero pinag bawalan ako ni mommy kasi daw baka maging nerbyosin akong tao. Pero nong Grade 8 ako nag continue ako sa pag inom. Wala ng nagawa si mommy kundi ang suportahan ako. Lagi ko kasing kinukuha mga kape niya sa cabinet niya." Medyo natawa siya kaya naalarma ako at nilabas ang cellphone ko.

"Ganyan ka lang. Wag kang gagalaw. Wag mo ding alisin yung ngiti sa labi mo." Sabi ko at agad na tinutok sa kanya yung phone ko at kinuhanan siya ng litrato.

"Tsk. Wag mo nga akong kunan ng picture." Inirapan niya ako. natawa ako.

"Alam mo dapat ganon  ka nalang." Sabi ko dahilan para tumingin siya sa akin.

"Dapat lagi kang naka ngiti kasi mas bagay sayo ang ngumiti." Sabi ko. Iniwas niya ang tingin niya.

"Kaya ka siguro tinatawag na DR Angel kasi ka pag ningingitian mo mga Pasyente mo ay nakakakita sila ng angel." Sabi ko.

"Ubusin mo nalang yang kape mo." Sabi niya at inirapan ako.

Natawa ako at ginawang wallpaper yung picture niya saka tinago sa bulsa ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon