He's Touch 11: COEX Starfield Library

568 11 1
                                    

COEX Starfield Library.

COEX Starfield Library

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~~

Jericho POV

Kasalukuyan kaming naka tayo ni Niah dito sa Labas ng Coex Library, ang pinaka malaking Library dito sa Korea. Meron itong 50 thousands na libro at popular ito dahil sa kaakit akit na awra ng lugar.

Dinala ko dito si Niah dahil alam kong mahilig siya sa mga libro.

Nilingon ko si Niah na naka tingin sa loob ng library.

"Tara na?" Tanong ko. Tumingin sya sa akin saka tumango tango. Muli kong hinawakan ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob ng library.

Agad na bumungad sa amin ang mga taong tahimik na nag lalakad at nag hahanap ng libro. Tinignan ko si Niah na naka ngiti habang naka tingin sa mga libro. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato.

Tumingin siya sa akin kaya naman agad kong tinago ang phone ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko. Naka ngiti siyang tumango tango.

"Saan mo gustong pumunta? Tara hanap tayo ng libro?" Sabi ko. Tumango sya at siya mismo ang humila sa akin papunta sa escalator.

Nag punta kami sa second floor ng library at doon tahimik kaming nag hanap ng libro.

Sinusundan ko lang siya. Pinapanuod ko kung paano siya mamili ng libro. Napa ngiti ako sa sarili ko dahil naalala kong ngumiti nanaman siya ngayung araw.

Kinuha ko yung cellphone ko at tahimik siyang kinuhanan ng video.

Napa ngiti ako habang kinukuhanan ko siya ng video. Lumingon siya sa akin kaya naman nag kunwari akong may katext.

Pinatay ko yung video at tumingin sa kanya.

Naniningkit ang mga mata niya kaya tinignan ko siya ng painosente.

"May nakuha ka na bang libro?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Bumalik siya sa pag hahanap ng libro kaya naman natawa ako.

Tumabi ako sa kanya at umastang nag hahanap din ng libro.

"Grabe, sa dami ng librong nandito parang nanaisin kong dito nalang mamuhay." Sabi ko. Lumingon siya sa akin.

"As if naman mahilig ka sa mga libro." Sabi niya. Tinignan ko siya.

"Mahilig ako sa mga libro ha." Sabi ko.

Ngumisi siya.

"Talaga lang ha. Ilang libro na ang nababasa mo?" Tanong niya.

Napa lunok ako.

"Madami na, teka bakit mo ba tinatanong?" Tanong ko.

"Nabasa mo na yung The Average of Heart equality by Jason Bills?" Tanong niya.

"Familiar. Oo ata? Ewan. Ang dami ko ng nabasang libro." Sabi ko.

"Eh yung Wind of love? By Killa Jones?" Tanong niya.

"Yun ba yung kwento ng isang doctor at isang sundalo?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin.

"Oo." Sagot niya.

"Nabasa ko yan. Alam mo naiyak pa nga ako don ss part na namatay yung sundalo dahil sa gera. Sinubukan siyang iligtas ng bidang doktor na babae pero huli na ang lahat." Sabi ko.

Natawa siya.

"Ang akin naman. Gusto ko yung part na umamin sa kanya yung sundalong lalaki pero nireject niya lang." Sabi niya.

"Tss. Masakit kaya ma reject. Kung ako lang yung lalaking bida don baka natapon ko na yung babaeng doktor na yun palabas ng earth." Sabi ko.

"Wala kang magagawa kung ayaw sayo ng isang tao. Parang yung doctor sa kwento. Hindi niya naman mahal yung lalaking sundalo. Sadyang mapilit lang yung lalaking sundalo." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Tsk, sadyang di lang na appreciate nong doctor yung mga effort nong sundalo." Sabi ko.

"Bakit mo ba pinag tatanggol yung sundalo?" Tanong nya.

"Kasi sundalo din ako." Sabi ko dahilan para mapatigil sya at tumingin sa mukha ko. Natawa siya dahilan para matigilan ako.

Napangiti ako ng makita kong tumatawa siya.

Ang ganda niyang pag masdan pag tumatawa.

Para siyang isang masayahing anghel.

Buong oras nasa Coex library lang kami. Nag babasa sa isang gilid habang mag katabi. Nakakatawang pag masdan dahil puro makakapal na libro ang kinukuha ni Niah at binabasa habang ako,isang manipis na libro lamang ay hindi ko pa matapos tapos dahil nakay Niah ang Atensyon ko.

Papanuorin ko siyang mag basa at sa tuwing titingin siya sa akin ay umaarte akong nag babasa. Nakaka tawa siyang panuorin lalo na ng sumandal siya sa pader habang naka pikit. Kinuha ko ang sandaling iyon para kuhanan siya ng litrato.

Napa tigil ako sa pag kuha ng litrato sa kanya ng mapansin ko ang pag tulo ng luha niya. Agad kong tinago ang phone ko at pinahid ang luha niya. Idinilat niya ang mga mata niya at nag tama ang mga paningin namin.

"Umiiyak ka." Sabi ko. Umayus siya ng upo at pinunasan ang luha niya.

"Nadala lang ako sa kwentong binabasa ko." Sabi niya kaya napa tingin ako sa librong binabasa niya.

"A doctors love?" Tanong ko. Ngumiti siya.

"Parehas namatay yung bida ng hindi manlang nalalaman ang feelings nila para sa isa't isa. Parang kwento rin ng Wind of Love. Doctor at sundalo din." Sabi niya.

"Tsk, tara na nga. Nagugutom na ako tara may malapit na restaurant dito." Sabi ko at hinila siya patayo. Ibinalik namin yung librong binabasa namin sa lalagyan saka lumabas sa coex library.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon