Niah's Mom.
~~~~
Jericho POV
"Mama!" Napa tigil ako sa pag lalakad papasok sa bahay nila Niah ng marinig ko ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Sandaling napa tigil si Niah sa tabi ko kaya napa tingin ako sa kanya.
Agad na nag uunahan ang luha ni Niah habang dahan dahang nag lakad papasok sa bahay nila.
Mula dito sa kinatatayuan ko, nakita ko ang isang lalaki na yakap ang isang matandang babae na walang malay.
"Mama wake up... Ate is here, I'm here too. Mama." Umiiyak na sabi ng lalaki. Napa tingin ako kay Niah na biglang napa upo sa sahig. Akmang lalapitan ko siya ng mag salita siya.
"Mama... Mama im here." Tumayo siya kahit na nang hihina siya. Lumapit siya sa dalawa at inagaw sa lalaki ang matandang babae.
"Mama open your eyes, i want to see your beautiful eyes mom." Umiiyak na sabi ni Niah at hinaplos haplos ang buhok ng matandang babae.
Napa tayo ako sa gilid ng may mga pumasok na nurse at may dalang hospital bed.
"Mama please!"
Nag tatalon na habang umiiyak yung lalaki at pilit namang ginigising ni Niah yung babae.
"Mama!" Nag lumpasay na yung lalaki sa sahig at parang batang inagawan ng candy ang lalaki.
Napatingin ako kay Niah na tinutulungan ang mga nurse na ihiga yung matanda sa hospital bed. Nakita kong kinapa ng isang nurse ang pulso ng matanda.
"Wala na siyang heart beat." Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Niah sa nurse na nag salita.
"Buhay pa si mama! Don't you dare!"sigaw nito sa nurse na ngayun ay naka yuko.
Pinanuod ko silang isakay sa ambulansya ang matandang babae. Nakita ko din na sumunod ang lalaki sa kanila ngunit sakay siya ng isang Lamborghini.
Pinanuod kong sumakay si Niah sa ambulansya kung nasaan yung pasyente, sumakay na din ako sa motor ko at sinundan sila.
Pag dating sa hospital nila Niah, nakita ko kung paano isugod ni Niah sa emergency room yung matandang babae. Sinubukan niya ding i revive ang matandang babae pero may dumating na mga doktor para pigilan siya. Nag iiiyak lang si Niah habang yakap ang katawan ng matandang babae. Dumating yung lalaking sa palagay ko ay kapatid ni Niah.
Wala itong emosyon, naka tingin lamang ito sa ate niya na yakap ang katawan ng matandang babae.
"Doctor ka hindi ba?" Napatingin si Niah sa lalaki.
"Pagaling mo si mama, buhayin mo siya... Alisin mo ang sakit niya... Ibalik mo siya ate please."lumuhod ito mula sa kanyang kinatatayuan.
"Siya nalang ang meron ako...."pahabol nito at umiyak. Napa tingin ako kay Niah na umiiyak na lumapit sa lalaki.
"I'm sorry."yan nalang ang nasabi ni Niah at niyakap ang lalaki. Napa tingin ako sa wala nang buhay na matanda. Binalik ko ang paningin kila Niah na ngayun ay nag iiyakan. Nakita ko kung paano takpan ng mga nurse ang mukha ng matanda.
Napa yuko ako at bahagyang napa atras saka nag lakad palayo sa gawi nila. Ng maka layo na ako ay huminga ako ng malalim saka umupo sa isang upuan dito sa pasilyo ng hospital.
Napa yuko ako ulit saka pinikit ang aking mga mata.
"Lord, alam ko pong malakas ako sa inyo. Alam ko naman pong di niyo ako papabayan. Lord, pwede po bang mag request? Isa lang naman po eh. Gusto ko pong... Patatagin niyo ang kalooban ni Niah at ng kapatid niya. Bigyan niyo po sila ng lakas para tanggapin ang katotohanang wala na ang kanilang ina. Kopkopin niyo po ang kaluluwa ng kanilang ina. bigyan niyo po sila ng lakas Lord kahit yun nalang po. Amen."
Binuksan ko ang aking mga mata saka sandaling nag muni muni.
*cringggg
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Captain nasaan ka?)
"Nasa leave ako ngayun bakit ba?"
(hinahanap ka ni General.) Huminga ako ng malalim.
"Papunta na ako jan." Pinatay ko ang tawag saka tumayo sa kinauupuan ko at muling nag tungo sa lugar kung saan iniwan ko sila Niah.
Nakita kong dinadala na ng mga nurse ang labi ng nanay nila Niah sa morgue, habang sila Niah at yung lalaki naman ay magka yakap na naka upo sa labas ng emergency room. Pinag masdan ko lang sila saka napag desisyonang iwan sila.
Nag tungo ako sa bahay nila General. Ng makarating ako don ay agad kong hinanap si General para makausap na agad. Gusto kong mag file ng leave kahit isang buwan lang.
"General."
Sumaludo ako sa kanya saka umupo."Captain Jericho, may bagong misyon kang dapat gawin." Kumunot ang nuo ko.
"Po?"
"Sa April, ipapadala ka ng team sa North Korea para makiisa sa mga militar na sasabak sa gera doon." Napa pikit ako.
"Meron ka pang natitirang dalawang buwan para mag sanay." Iminulat ko ang aking mga mata.
"General. Pwede po bang mag file ako ng leave kahit isang buwan lang? Ang natitirang isang buwan ay pag tutuonan ko ng pansin para sa aking pag eensayo. "nakita kong kumunot ang nuo niya.
"Naisipan ko kasing kailangan ko din ng pahinga, tutal kakagaling palang naman po natin sa gera sa Nigeria. Baka naman pwede pong mag leave." Hindi siya umimik.
"Boss alam kong mahal niyo ko na appreciate ko yun Boss ako lang ang loyal niyong alaga. Matitiis mo ba ko?"natatawa kong tanong.
Natawa sya at napa iling iling.
"Go, you may have your leave Captain Jericho. Basta tatawagan ka namin in case na may nagbago sa plano." Sumaludo ako.
"opo. Salamat." Sabi ko. Tumango siya saka ngumiti.
Nag martsa ako patalikod ng tawagin niya ko muli.
"Captain Jericho." Tumingin ako kay General.
"Gaya ng kasunduan."nilabas niya ang dalawang ticket na agad namang nag pangiti sa akin.
"Two tickets for vacation." Naka ngiti ko yung kinuha at tumango sa kanya.
"Thank you General."
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's Touch
Romance|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa babaeng yun... Doon nag simula ang takot ko. Ang takot ko na umibig at magaya sa uncle Jared ko. S...