Smile
~~~
Jericho POV
"Oh." Inilahad ko kay Niah ang bottled water na binili ko sa labas ng hospital. Matamlay niya iyong kinuha saka ngumiti sa akin ng pilit.
"Salamat." Walang gana niyang sabi. Tumingin siya sa ibaba ng building na kinatatayuan namin saka huminga ng malalim. Nasa rooftop kami ng hospital at sinasamahan ko si Niah na mag pahangin.
"Ayus ka na ba?"tanong ko. Umiling siya.
"Buhay ang nawala. Napaka walang kwenta ko." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.
"Isang buhay lang ng tao ang nawala, wala kang kasalanan kong oras na nila." Tumingin siya sa akin ng naka kunot ang nuo.
"You don't understand." Sabi niya.
"Then tell me so that i can understand."sabi ko. Umiling iling siya at binuksan ang bottled water na binigay ko saka uminom ng tubig. Pinag masdan ko siya kung paano niya ubusin ang laman non saka kung pano niya punasan ang labi niya.
Maya maya pa ay nag salita na siya.
"Napaka walang kwenta ko, sinabi ko sa mga magulang niya at sa kanya na gagaling siya at makakalabas sa hospital na ito pero... Hindi ko nagawa." Sabi niya at tumingin sa malayo.
Huminga ako ng malalim.
"Hindi ka pwede sa military." Napa tingin siya sa akin.
"Kaming mga sundalo... Tungkolin din namin ang mag ligtas ng mga buhay ng tao." Kwento ko saka tumingin sa kanya.
"Sa bawat gerang pinupuntahan namin naka baon ang kalahati ng buhay namin sa hukay. May ilang mga taong hindi namin nagagawang iligtas, may ilang mga buhay ang nasasayang dahil di namin nagawang iligtas sila. Pero alam namin sa sarili namin na ginawa namin ang lahat para mailigtas sila." Sabi ko kaya lumingon siya sa akin.
"Kung ang isang buhay ng bata ay iniiyakan mo na agad ano pa kaya ang buhay ng mga nasawi sa gera? Baka mawalan ka na ng malay pag nakita mo kung paano sila mamatay." Sabi ko. Natawa siya.
"Hindi ko alam kung pinapalakas mo ang loob ko o kung ano." Sabi niya saka ngumiti.
"wag mong sisihin ang sarili mo ng dahil lang sa hindi mo nailigtas ang isang buhay. Sisihin mo ang sarili mo kung hindi mo nailigtas ang isang buhay ng wala lang ginagawa."sabi ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti.
"Salamat." Sabi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
"Siguro tama ka. Tungkolin nating pareho na mag ligtas ng mga buhay.... Sadyang di lang natin hawak ang kapalaran nila para mapanatili silang buhay." Sabi niya kaya napa ngiti ako.
ngayun ko lang napag masdan ng malapitan ang mga mata ni Niah. Napaka ganda niya, sobra.
Kayumangging mga mata, mapupulang labi, mahahabang pilik mata, perpektong kilay, matangos na ilong, porselanang kutis at buhok na hanggang balikat lang na medyo kulot ang dulo.
*cringgg *cringgg
Napa tingin ako sa bulsa niya.
Kinuha niya ang phone niya at sinagot ang tawag."Hello? Yes ako nga?.... Si mama? Anong nangyare? P-papunta na ko." Namutla siya at agad na tumalikod sa akin.
"Teka sandali... Saan ka pupunta?"tanong ko. Nakita ko kung pano dumaloy ang luha niya sa kanyang pisngi.
"Sa bahay...."sagot niya. Hinawakan ko ang kanyang braso ng akmang tatalikod siya.
"Samahan na kita, mas mapapabilis ang pag punta mo don dahil naka motorsiklo ako. Tara na." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya habang pababa sa ground floor.
Hindi ko alam kung tamang oras ba ito para sa kung anong nararamdaman ko oh ano pero... Nong hinawakan ko ang kanyang kamay hindi na mapakali ang aking buong katawan.
Sobrang bilis ng tibok ng aking puso, kakaiba din ang nararamdaman ko sa bahaging tyan ko at pakiramdam ko... Ayoko ng bitawan ang malalambot niyang kamay.
"Jason... Nasan ka ba? Umuwi ka na dalian mo si mama." Napa lingon ako kay Niah na may kausap ngayun sa cellphone niya.
Ibinaba niya ang phone niya at sakto non ang pag bukas ng elevator. Agad kaming lumabas sa elevator na hawak parin ang kamay niya. Binitawan ko lang ang kamay niya ng makalapit kami sa motor ko. Agad kong kinuha ang isang helmet saka isinuot sa kanya, kinuha ko din ang helmet ko at sinuot ko saka sumakay sa motor.
"Humawak kang maigi, bibilisan ko ang pag mamaneho ituro mo sakin ang daan." Agad siyang tumango tango. Sumakay siya sa likod ko at yumakap sa akin. Natigilan ako ng maramdaman ang pag yakap niya sa akin pero agad din iyong napawi dahil naalala kong may mas importante pa pala kaming dapat puntahan.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's Touch
Romance|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa babaeng yun... Doon nag simula ang takot ko. Ang takot ko na umibig at magaya sa uncle Jared ko. S...