Courting You
~~~~
Jermaniah POV
"Ito ang iinumin mong gamot bago ka matulog." Sabi ko at binigay sa pasyente ko ang reseta. Pinag masdan ko ang mukha niya.
"Namumutla ka, ayus ka lang ba?"tanong ko. Tumango tango siya.
"Mabuti at gabi ka umalis sa bahay niyo, tandaan mo, bawal kang masinagan ng araw dahil baka kung anong sakit ang dumapo sayo." Naka ngiti siyang tumango saka tumayo.
"Aalis na po ako." Tumango ako at naka ngiting pinag masdan siyang lumabas sa office ko.
Huminga ako ng malalim saka kinuha ang ilang papeles na nag lalaman ng mga sakit ng pasyente ko. Tahimik ko itong pinag aaralan hanggang sa marinig kong nag bukas ang pinto ng office ko. Iniangat ko ang paningin ko at nakita si Jericho na may hawak na bouquet of flowers at may ngiti sa labi.
"What are you doing here?"taas kilay kong tanong.
"Binibisita ang pinaka magandang doktor na nakilala ko?"tanong niyang sagot saka natawa at nag punta sa harap ko.
"I'm busy." Sabi ko.
"I don't care." Sabi niya saka inilahad sa akin ang dala niyang mga bulaklak.
Tinignan ko lang yun kaya natawa siya.
"Usong kunin no? Para sayo yan." sabi niya.
"I don't need flowers." Sabi ko kaya mas lalo siyang natawa.
"I don't care. Kunin mo nalang at itapon mo sa basurahan ayus lang. May milyong milyong bulaklak pa sa buong mundo." Sabi niya kaya inirapan ko sya at kinuha ang hawak niya. Inilapag ko iyon sa gilid ng mesa ko saka siya tinignan.
"Sabihin mo na, bakit ka nandito?"tanong ko.
"Wala nga, gusto lang kitang makita."sabi niya.
"Alam kong may mas malalim na rason kung bakit ka nandito." Huminga siya ng malalim.
"Liligawan kita." napa tigil ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang mga mata niya na sobrang seryoso.
"Ano?"
"Liligawan kita." Natawa ako saka sumandal sa upuan ko.
"Hindi ko kailangan ng manliligaw."sabi ko.
"I don't care." Sabi niya kaya napa kunot ang nuo ko.
"Umalis ka na nga. Istorbo ka."sabi ko.
"base sa assistant mo, tatlong pasyente nalang ang dadalawin mo ngayung araw pag katapos non ay uuwi ka na." kumunot ang nuo ko.
Stalker!
"Tara na, it's already 9 AM at base sa assistant mo 9 mo sila dadalawin sa hospital room nila. Tara, samahan na kita."
"no need captain. kaya ko kahit wala ka."
"I don't care." Letseng i don't care yan.
"I insist Niah, sasamahan kita. Saka wala naman akong gagawin eh."sabi niya kaya inirapan ko siya. Kahit labag sa loob ko ay wala akong magagawa, mapilit siya at makapal ang mukha. Talo ako.
Nag lakad kami palabas ng office ko at bawat mata ay nasa amin. Kung tama ako ay pinag tsitsismisan na nila kami.
Isang malaking issue ang dala ng lalaking ito sa buhay ko.
Ng makarating kami sa elevator ay tinignan ko siya.
"Pwede ba, bawas bawasan mo ang pag bisita sa hospital na to. Naiisue ako ng dahil sayo." Sabi ko. Tinawanan niya lang ako.
"Ayaw mo ng issue?"tanong niya.
"Ayaw."
"Eh di totohanin natin." Sinamaan ko siya ng tingin. Nag bukas ang pinto ng elevator, nauna na akong lumabas sa elevator naramdaman ko ang pag sunod sa akin ni Jericho.
Una naming dinalaw ang pasyente ko na may sakit na cancer, pero bago yun ay binigyan ko muna ng mask si Jericho.
"Tina kumusta ka? Balita ko malapit ka na daw gumaling." Naka ngiti kong sabi.
Jericho POV
Pinag mamasdan ko si Niah na naka upo sa gilid ng kama nong una niyang pasyente. Naka ngiti siya at halata sa kanya na mahal niya ang trabaho niya.
"opo ate, malapit na nga po akong gumaling. unting gamutan nalang ay mawawala na ang sakit ko." Naka ngiting sabi sa kanya ng batang babae.
Naka tayo lang ako dito sa gilid, naka cross arms at pinag mamasdan sila.
Hindi maalis sa mga mata ko ang ngiti ni Niah. Ngayun ko lang nakita si Niah na ngumiti. Unang beses kong makita si Niah na ngumiti.Para bang isang mamahaling bagay ang ngiti ni Niah na sobrang hirap makuha.
"Ate, sino po siya?"napa tingin ako sa bata. Naka tingin siya sa akin kaya ngumiti ako at kinawayan siya.
"Hi, I'm kuya Jericho." Naka ngiting sabi ko.
"Kaano ano mo po si ate Niah?"tanong niya.
Tumingin ako kay Niah na naka tingin sa akin.
"Ano ka--"
"Manliligaw niya ako." Sabi ko kaya napa tingin sa akin si Niah at sinamaan ako ng tingin.
"Nililigawan mo po si ate Niah?"tanong nong pasyente ni Niah. Tumango tango ako at tinanggal ang mask na naka suot sa akin. Wala din namang mask si Niah eh.
"Ang gwapo mo po." Napa ngiti ako sa sinabi ng bata.
"Thank you." Sabi ko.
"Tina, kailangan na naming umalis ni Kuya Jericho. Dinalaw lang kita kasi gusto kong makita kang naka ngiti." Naka ngiting sabi ni Niah kay Tina. Tumango tango si Tina.
"Inumin mo lagi ang mga gamot na binibigay ng nurse okay? Saka dapat kumain ka ng marami para talagang mawala na ang sakit mo. Pag nawala ang sakit mo ililibre kita ng ice cream." Naka ngiting sabi ni Niah. Napa ngiti ako sa ginawa ni Niah. Niyakap niya ang bata saka hinalikan ang ulo nito.
"Mag pahinga ka na okay?"
"Okay po." Naka ngiting sabi ni Tina saka tumingin sa akin.
"Bagay po kayo ni ate Niah." natawa ako sa sinabi ni Tina saka nakipag apir sa kanya.
"Good girl Tina. Sa susunod dadalawin kita ulit." Sabi ko kaya napa ngiti siya.
"Aalis na kami Tina okay? "
"Okay po."
Naka ngiting tumalikod si Niah kay Tina. Sinundan ko siya palabas sa kwarto ni Tina. Isang matalim na paningin ang binigay nya sa akin ng maka labas ako.
"Ikaw na lalaki--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may lumapit na nurse kay Niah.
"Doc! Si Nico po nag aagaw buhay!" Nanlaki ang mga mata ni Niah at agad na tumakbo papunta sa kabilang kwarto. Agad akong sumunod kay Niah at doon ko nakita ang isang batang lalaki na nag flat na ang line sa makina.
May kung anong ibinigay na makina kay Niah. Pinanuod ko kung paano niya sinubukang iligtas yung batang lalaki.
"1,2,3 Clear!"
Hindi maalis sa mata ko ang itsura ni Niah habang ginagawa niya ang lahat para mailigtas ang batang lalaki. Napa tingin ako sa mga magulang ng batang lalaki na umiiyak sa gilid.
Muli kong binalik kay Niah ang paningin ko. Hindi naka ligtas sa aking paningin ang pag tulo ng luha ni Niah habang pinagmamasdan ang relo niya."Time of death... 9:25 AM." Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Niah habang naka tingin sa batang lalaking wala ng buhay.
Habang pinag mamasdan si Niah na marahang umiiyak habang naka tingin sa bata ay iisa lang ang napag tanto ko.
Malapit si Niah sa mga bata lalo na sa mga may sakit.
Tunay niyang... Mahal ang trabaho niya bilang isang doctor. isa siyang dakilang doctor.~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's Touch
Romance|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa babaeng yun... Doon nag simula ang takot ko. Ang takot ko na umibig at magaya sa uncle Jared ko. S...