He's Touch 3: Dinner Date

847 23 0
                                    

Dinner Date

~~~~

Niah POV

Kaharap ko ang makulit na captain ng Universe Navy o mas kilala bilang West Pacific Military na ngayun ay naka ngiti habang pinag mamasdan ako.

"Do you like it?" Tanong niya. Maganda ang venue, nasa taas kami ng Solar Building, ang pinaka mataas na building sa buong Manila. Kita dito ang mumunting liwanag na mula sa mga maliliit na establisemento. Ang buwan na sobrang liwanag at ang mumunting bituin sa langit. Isang romantic night dinner date huh.

"Slight." Sagot ko at pinag cross ang arms ko saka sumandal sa upuan.

"Captain Jericho, tatapatin na kita." Seryoso kong sabi habang naka tingin sa mga mata niyang kulay kayumanggi.

"Hindi ako mahilig sa mga ganitong okasyon, in short. Wala sa list ko ang lumandi." Sabi ko dahilan para matawa siya.

"Dr Jermaniah Velasquez, as far as i know ang dinner ay hindi gawain para lumandi. Kakain lang tayo ng sabay at mag kakaruon ng ilang kwentuhan tungkol sa personal life natin." Natatawa niyang sabi kaya napa irap ako.

"Busy akong tao."

"Busy din ako pero kaya kong imanage ang oras ko." Sabi niya at ngumiti.

"Well kabaliktaran non ang akin. Naka focus ako sa iisang gawain."sabi ko. Dumating yung taga serve ng pagkain namin kaya napa tiggil kami sa pag uusap at hinintay na matapos ang pag serve ng waiter.

Nag patuloy kami sa usapan.

"Mataray ka daw?"tanong niya kaya medyo natawa ako.

"Hindi ba halata?"tanong ko.

"Hindi."sagot niya dahilan para matigilan ako. Pinag masdan ko siya.

"Kung mataray ka dapat hindi doctor ang kinuha mo. Dapat naging kontra bida ka sa mga movies."sabi niya at ngumiti.

"Kaya kong maging mataray kahit doctor ako. Lalo na sa mga makukulit na pasyente gaya mo."sabi ko. Natawa siya.

"Naging makulit lang naman ako simula ng makita kita."

"Hindi ko tinatanong." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"10:40 PM aalis na Ako. May schedule pa ako sa hospital." Banggit ko.

"Ihahatid kita kaya wag kang mag alala." Sabi niya at ninguso yung pagkain na nasa harap ko.

"Tara kain na tayo?"sabi niya. Tahimik kong ginalaw ang pagkain na nasa harap ko. Napa ngiti ako sa loob loob ko dahil ang paborito kong pagkain ang hinanda niya. Hindi ko alam kung alam niya o nag kataon lang.

"bakit mas pinili mong maging doctor?"biglang tanong niya kaya natigilan ako.

"Ano kasi... Inistalk kita, tapos ano nalaman ko yung tungkol sa papa mo." Sabi niya kaya natawa ako.

Binitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor saka tinitigan siya.

"Totoo bang kaya ka naging doctor para sa papa mo?" Tanong niya. Isang malamig na titig ang binigay ko sa kanya.

"Ayoko sa lahat ang pinag uusapan ang papa ko." Malamig kong sabi saka huminga ng malalim.

"Pero sige, dahil makulit ka at sa tingin ko titigilan mo na ako pag katapos nito ay ikwekwento ko sayo ang lahat." Sabi ko at kinuwento ko sa kanya ang lahat. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal dahil naalala ko nanaman si Papa.

Isang masakit na ala-ala ang maalala ko kung paano siya mawala.
Buong buhay ko matapos ang graduation ay pinaniwala kong nasa ibang bansa lang si papa at di na babalik. Yun lang ang nakikita kong paraan para maibsan ang kalungkutan at pangungulila ko.

"Ganon pala yun."malungkot niyang sabi.

"Pasensya na... Hindi ko alam na ganon pala talaga ang lahat."sabi niya at yumuko.

"Ako naman... Nag military ako dahil din sa papa ko." Sabi niya kaya napa titig ako sa kanya.

"nong bata ako nasawi siya sa isang gera sa North Korea. Bago yun nangako pa siya sa akin na babalikan niya kami ni mama at papasyal sa Hongkong, syempre umasa ako at nag dadasal na sana maging successful ang laban nila papa." Sabi nya. Bakas sa kanyang boses ang lungkot.

"Tuwing pag tulog ko katabi ko ang Rosario, tuwing umaga pagkagising at bago matulog iisa lang ang pinag darasal ko. Ang makabalik ang papa ko." Inangat niya ang paningin niya at nakita ko ang pamumuo ng luha niya.

"Isang araw... Nabalitaan namin na nakabalik na ang mga sundalo galing sa gera at laking tuwa ko ng malamang nanalo sila sa gera. Pero, agad din yung nawala ng malaman kong si Papa lang ang namatay sa gera." Natahimik ako sa kwento niya.

"Nag tanim ako ng galit sa papa ko kasi hindi nya tinupad ang pangako niya.... Pero habang nagkaka isip ako unti unti kong nauunawaan na ang papa ko ay isang bayani. Mas inuna niya ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya. Hinangaan ko ang papa ko kaya naisipan kong mag sundalo din gaya ni papa."mapait siyang naka ngiti. Naalerto ako ng makita ko kung pano bumagsak ang luha niya.

Agad kong kinuha ang panyo ko at inabot sa kanya. Napa tingin siya sa kamay kong may hawak na panyo saka dahan dahang tinanggap.

"Salamat." Sabi niya at pinunasan ang luha niya gamit ang panyo ko.

Napa tingin ako sa relo ko. 10:45 Na. Napa tingin ako kay Jericho na naka tingin sa akin.

"Oras na ata para umalis ka." Agad akong umiling sa sinabi niya.

"Bukas na yun. Ipag patuloy nalang natin ang dinner."sabi ko at ngumiti.

Magkaibang storya pero iisang inspirasyon lang ang pinag kukunan namin ni Jericho. Ang ama namin na maagang nasawi.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper



He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon