He's Touch 2: What?

1K 20 0
                                    

What?

~~~

Jermaniah POV

"Doktora, may nag hahanap sayo." Napa lingon ako sa nurse assistant ko na nasa pinto. Kumunot ang nuo ko.

"Sino daw?"tanong ko.

"Ughm, yung captain po ng West Pacific military." Lalong kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim saka tumango tango.

"Papasukin mo." Sabi ko at binalik ang paningin ko sa binabasa kong resulta ng isang pasyente ko ng maramdaman ko ang pag bukas ng pinto at pag pasok ng isang presensya ng tao.

"Good morning doctor." Inangat ko ang paningin ko at nakita yung captain na ginamot ko kahapon na may suot na white t-shirt, military pants, boots at may dog tag. May hawak siyang bouquet of red rose flower.

"Good morning Captain?"

"Jericho." Sagot niya kaya tumango tango ako.

"Anong kailangan mo Captain Jericho?"tanong ko at inanyayahan syang umupo. Umupo sya at ngumiti.

"Para sayo." Sabi niya sabay abot ng hawak na bouquet. Kumunot ang nuo ko.

"Para saan?"tanong ko at tinanggap ang bulaklak saka nilagay sa tabi ng table ko.

"Ughm, wala lang. Pinag pahinga kami ni General kaya naisip kong bilhan ka nyan tapos dumalaw dito."sabi niya.

"How much is this? Babayaran ko nalang." Sabi ko at inabot ang wallet sa drawer ko.

"No, wag. Ano ughm... Free ka ba mamaya?"napa tigil ako sa tanong niya.

Isa ba itong estilo ng panliligaw? Kasi kung oo. Bahala siya. Wala akong time para jan.

"May appointment ako mamaya, may pupuntahang bahay para suriin ang pasyente at pupunta sa lab. In short, wala akong time humarot." Deretsang sabi ko at huminga ng malalim. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa table ko saka tinagilid ang ulo ko para suriin ang kanyang mukha.

"How about lunch time?"

"Hindi uso sakin yun." Deretsong sabi ko saka huminga ng malalim.

"Salamat sa bulaklak Captain Jericho, marami pa akong gagawin baka nais mo ng umalis, nakaka abala ka sa oras ko." Sabi ko dahilan para makita ko ang desmeyadong mukha niya.

"Gusto ko lang naman maging mag kaibigan tayo." Naka pout niyang sabi.

"Marami na akong kaibigan. Hindi ko kailangan ng dagdag plastik." Sabi ko.

"Boyfriend?"

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Marami ka rin bang boyfriend?"tanong niya. Naningkit ang mata ko saka tinignan ang mukha niya.

"Maraming marami." Sagot ko saka tinuro ang pinto.

"Pwede ka nang umalis. Istorbo ka at malaking abala para sa akin." Pag tataray ko.

"Eh asawa meron ka?" umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Letse!
Nakakainis na ha!

"aalis ka o tatawag ako ng security?"

"Pumayag ka muna sa dinner date mamaya." Napa pikit ako sa sinabi niya.

"Busy akong tao." Sabi ko.

"eh di gawan natin ng paraan para matapus ka ng maaga. tutulungan kita." sinamaan ko siya ng tingin.

"I have no time for you, i have no time to hang up with you. In short, i have no time for shit." Sabi ko kaya mas lalo siyang nag pout and i find it cute. No i mean kadiri.

"Hindi talaga ako aalis dito pag di ka pumayag."

Naiinis na ako!

"Guguluhin kita at aasarin pa lalo pag hindi ka pumayag na makipag dinner kasama ko. Bahala ka mag iingay ako dito at mag kukunwaring pasyente mo na hindi mo inaasikaso."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Binablock mail niya ako!

"Lalabas na masama kang doctor dahil di mo inaasikaso ang pasyente mo. Liliit ang tingin nila sayo at mawawalan sila ng tiwala sayo."

Shit!

"Saka--"

"Okay Fine!" Napa hawak ako sa sintido ko at huminga muna ng malalim bago siya tignan.

"Send me the place and time at pupunta ako. Now, you may go out of my office nang makapag trabaho na ako. Or else ayaw mong gawin ko ang trabaho ko at ayaw mong matuloy ang dinner." Sabi ko. Isang ngiti ang aking nasilayan sa kanyang mga labi pati sa kanyang mga mata.

"Hihintayin kita. Ughm... Wala akong number mo." kainis!

Kinuha ko yung calling card ko saka binigay sa kanya. Tinignan ko lang siya saka siya tumayo at naka ngiting tumingin sa akin.

"I'm sure mag eenjoy tayo." sabi niya saka kumindat sa akin dahilan para mawala ako sa ulirat at nag lakad palabas ng office ko. Napa hawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Shit! Hindi na maganda 'to

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon