He's Touch 14: Back to Philippines

499 16 1
                                    

Back To Philippines

~~~

Jermaniah POV

Binuksan ko ang pinto ng aking bahay, agad kong ibinaba si Yogie sa sahig at hinayaang libutin ang loob ng aking bahay.

Bumalik na kami ni Jericho sa Pilipinas. Nag hiwalay kami ng landas kanina sa Airport.

Namilit siyang ihatid ako dito sa bahay pero saktong tumawag ang general niya sa kanyang cellphone dahilan para hindi niya na ako mahatid.

Umupo ako sa sofa at isinandal ang likod ko sa malambot na sofa.

Ipinikit ko ang mga mata ko at agad nag flashback sakin ang mga masasayang araw namin ni Jericho sa Korea.

The day na sinabi niyang isang buwan lang ang bakasyon nya. Sinulit na namin ang sandali. Pumunta kami sa isang sikat na lugar sa Korea at doon kumain, natulog,nag biruan at nag kwentohan.

How i wish na sana hindi na iyon matapos. But we're leaving in reality. Lahat ng bagay ay may kataposan.

Limang araw nalang ang natitira bago sya pumunta sa North Korea. Habang iniisip ko ang bagay na iyon ay di ko mapigilang di kabahan.

I don't know why, i don't know how. Ang tanging alam ko lang ay unti unti na akong nahuhulog sa kinakatakutan ko.

Unti unti na siyang pumapasok sa buhay ko.

"Ate?" Tumingin ako sa front door at nakita si Jason na naka tayo doon. Dala niya si Snow. Agad niyang ibinaba si Snow na agad namang lumapit sa akin.

"Snow baby, how are you?" Tanong ko sa aso at hinaplos ang ulo nito. Nakita niya ata si Yogie kaya tumakbo siya palayo sa akin.

"Oh? Napadalaw ka?" Tanong ko kay Jason. Umupo siya sa harap ko at ibinaba ang headphone niya saka sumandal sa sofa.

Ang cold ng aura ng kapatid ko. I wonder kung paano sya magkaka ruon ng girlfriend. I know he hates girls but kailangan may mapakilala siya sa akin aba.

"Dumalaw ako sa bahay ni tita Kika." Sabi niya inirapan ko siya.

"Oh? Anong gagawin ko?" Tanong ko. Hindi parin ako maka move on sa ginawa ni Kika kay Tito. Like what the fuck, kung kailan komplekado ang lahat saka niya ma rerealized na mahal niya si tito? Fuck her.

"She's dead." Napa tigil ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya.

"Sabi ng nurse niya hindi niya daw ininom yung gamot niya." Sabi nito. "Heart attack ang kinamatay." Dagdag niya.

Umiwas ako ng tingin.

Dapat masaya na ako kasi patay na siya. After all those years siya ang sinisisi ko sa pagka matay ni tito well siya naman talaga eh. Tito give his heart for that girl pero ano itong nararamdaman ko? May part sa akin na nalungkot ng marinig ko ang nangyare?

"Nasan yung.... Katawan?" Tanong ko.

"Pina cremate ng mga kapatid niya. Pupunta ka sa burol?" Tanong niya. Umiling ako.

"She's the reason kung bakit namatay si tito Jared." Sabi ko at tumayo.

"Need to rest, I'm tired." Sabi ko at akmang mag lalakad na ng mag salita si Jason.

"I'm sorry." Sabi nito. Tumingin ako sa kanya. Yumuko siya.

"I'm sorry kung minaliit kita nong araw na nawala si mama." Sabi nito. Napa ngiti ako.

"I know you do your best to save moms life. I'm sorry sa mga nasabi ko." Dagdag niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Para kang bakla alam mo yun?" Natatawa kong sabi. "Tayong dalawa nalang ang natitira." Sabi ko habang yakap siya. "So we need to forget the pain and start a new life." Naka ngiting sabi ko. Tumingin siya sa akin at nagulat ako ng tumulo ang luha niya.

"I missed mom already." Parang batang sabi niya. "I missed her and i don't know what to do. Nasanay ako sa presence ni mommy." Umiiyak niyang sabi. Niyakap ko siya.

Damn, I'm selfish. Lumayo ako sa trabaho ko pero di ko inisip ang kapatid ko. Hindi ko inalala na nawalan din ang kapatid ko. He still cannot recover.

"Stop crying lil bro. Pipicturan kita pag di ka tumigil." Sabi ko. Niyakap niya ako at umiyak lang sa akin.

This is the first time na umiyak ng ganito si Jason. Akala ko sya ang naunang maka move on sa akin but hindi pala. He's too young to face this problem.

"Ate Niah is always here by your side. Ate Niah loves you. Stop crying." Sabi ko habang yakap yakap ang kapatid ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon