He's Touch 29

550 15 1
                                    

He's Touch 29

~~~
Niah POV

Alas singko palang ng umaga ay narito na ako sa National Airport. Kasama ko si Jason dito para abangan ang pag dating ng eroplano nila Jericho.

Alas siete ng umaga ay dumagsa na ang mga kamag anak ng ilang sundalo na kasama ni Jericho. Padami kami ng padami dito at pare- parehong sabik sa pag balik ng aming mga minamahal sa buhay.

Narito kami sa unahan ni Jason pumwesto para agad kong matanaw si Jericho kung sakaling sita ay bababa sa kanilang eroplano.

Tuwa at kaba ang aking nararamdaman, sabik na makita ang pinaka mamahal kong lalaki.

"Oh." Tinignan ko si Jericho na nag abot sa akin ng pagkain.

"Bakit?" Tanong niya ng makita niya na tumitingin ako sa kanya.

Napa irap siya.

"Walang lason yan. Kahit na galit ako sa tyanak jan sa tyan mo ay di ko naisipang lasunin yan." Kampante niyang saad.

Binatukan ko siya.

"Kung ano anong sinasabi ko, kumain ka na ba?" Tanong ko at binuklat yung paper bag na dala niya.

"Syempre hindi pa, nasayo yung pagkain eh paano ako kakain?" Pilosopo niyang sabi kaya tinignan ko siya ng masama.

"Bakit carbonara?" Tanong ko.

Kinuha niya yung sandwich na nasa loob saka binuksan at kinagatan.

"Alangan namang mag sandwich ka eh dalawa kayong mag ina ang kakain." Sabi niya saka kinuha yung soda.

"Mamaya isipin ng magaling na sundalong yun na pinapabayaan kita at yang tyanak niyong anak." Sabi niya. Napa ngiti ako.

Kahit na abnormal yang kapatid kong yan sobrang bait niya.

"Anong ningingiti ngiti mo?" Taas kilay niyang sabi.

"Wala naiisip ko lang na nababakla ka na." Sabi ko kumunot ang nuo niya.

"Ano?!"

"Tignan mo nga yang kilay mo, kung itaas taas mo daig mo pa yung babaeng bitch sa campus niyo." Sabi ko. Inirapan niya ako.

"See, pati pag irap mo--"

"Ate! Alangan namang ngumiti ako diba? Eh di nag mukha akong tanga kakangiti." Sabi niya.

"Kesa naman sa para kang tilapia na naka simangot jan." Sabi ko at inirapan siya. Ilang minuto pa ang lumipas at puro bangayan lang kami habang kumakain. Hanggang sa maubos namin ang mga pagkain namin ay puro asaran kaming dalawa.

Ganito kami ng kapatid ko eh, nag aasaran pero pag may problema naman ay nag dadamayan.

Napa tayo ako ng matanaw ko mula sa langit ang apat na eroplanong pang militar. Biglang umukit sa puso ko ang tuwa at kaba lalo na't papalapit na ng papalapit ang eroplano.

Napatayo din ang ilang taong kasama namin dito habang naka tingin sa himpapawid.

Nanatiling naka upo si Jason at nag lalaro nanaman ng ML.

Lumapag ang eroplano sa lupa at sabay sabay na tumigil. Napa lunok ako at iniisip kung saan sa apat na iyan naka sakay si Jericho.

Maya maya pa'y isa isang bumukas ang pinto ng apat na eroplano. Unang bumukas ang isang eroplanong nasa gitna.

May bumabang isang lalaking sundalong may benda sa kanang kamay at nasundan pa iyon ng ilang sundalong may mga sugat din. Agad kong naisip kung may sugat din ba si Jericho kagaya ng mga naunang sundalong bumaba.

Nakita ko kung paano sila salubungin ng mga pamilya nila, puro iyakan ang maririnig dahil sa tuwang kanilang nararamdaman.

Tinanaw ko ang eroplanong iyon kung nandon ba si Jericho pero wala siya. Sunod ang isang eroplano, nag sibabaan ang mga sakay nong sundalo na meron lamang mga galos.

Nag babaka sakali ako kung nandoon ba si Jericho sa mga sundalong galos lamang ang natamo pero wala, wala din siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumunta malapit sa eroplano. Narinig ko pa ang pag tawag ni Jason sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad palapit sa isang eroplanong kakabukas lamang, doon ay sakay sakay ang mga sundalong naputulan ng ilang parte ng katawan gaya ng paa at kamay.
Ngunit gaya sa dalawang eroplano kanina ay wala din doon si Jericho.

Nag simulang kumabog ang dibdib ko. Nasaan sya? Napa tingin ako sa nag iisang eroplano na hindi pa bumubukas.

May nakatayo doong lalaki, namumukhaan ko sya. Sya yung kaibigan ni Jericho.

Mabilis akong nag lakad papunta sa gawi niya.

Tinatagan ko ang sarili ko kahit na kinakabahan ako ay pinakita kong kalmado ako. Naramdaman ko nalamang si Jason na nasa tabi ko na at sinasabayan akong mag lakad.

"Hindi makapag hantay." Iiiling iling niyang sabi pero hindi ko siya binalingan ng tingin.

"Hey." Sabi ko ng makaharap ko yung kaibigan ni Jericho.

"Yes?"

"Ikaw yung kaibigan ni Jericho right? Nanjan ba siya sa eroplanong yan." Tila nagulat siya sa sinabi ko. Namutla sya dahilan para mas lalo akong kabahan.

"W-wala siya jan." Natigilan ako sa sinabi nya.

"Teka anong ibig mong sabihin? Wala si Jericho sa tatlong eroplano so nanjan siya sa isa." Sabi ko. Umiling iling siya.

Napa pikit siya at huminga ng malalim.

Napansin kong may benda siya sa kanan niyang kamay at may ilang galos sa mukha niya.

"Ang laman ng eroplanong yan ay bangkay ng mga sundalong namatay." Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"So nasaan si Jericho? Imposibleng hindi sya nakasama--" natigilan ako sa sasabihin ko ng ma realize ko mismo ang mga sinabi ko.

Posible kayang.... Hindi siya nakasama?

Nakita kong parang may kinukuha siya sa kanyang bulsa.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang cellphone ni Jericho na may basag na sa screen at yung dog tag niyang naka lagay sa isang plastik.

"Tama ka." Sabi niya.

"Hindi nakasama ang captain." Agad na tumulo ang luha ko.

"After the war, hinanap namin kung nasaan siya. Nalibot na namin ang buong lugar kung saan naka tokha ang team niya, nakita namin ang mga labi ng mga kasama niya. Lahat sila patay, si Captain Jericho.... Hindi namin siya makita." Sabi niya. Dahan dahan kong kinuha yung gamit ni Jericho sa kanya.

"Yan lang phone niya at ang dog tag niya ang nakita namin." Nang hina ako sa sinabi niya. Napa upo ako pero agad akong nasalo ng kapatid ko. Agad na dumaloy ang mga luha ko.

Hindi..  Hindi pwede.

"I'm sorry but we try our best to find him but..... We can't--" hindi ko na narinig pa ang ilang sinabi nya.

Sobrang hinang hina ako. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas matapos ko marinig ang mga sinabi niya. Why? Bakit Jericho. Nasan ka Ba-bi?

Fuck where on earth are you Ba-bi? I fuckin miss you. Please comeback.... Please.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Last 2 chapty bibeh's till the end.

He's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon