CHAPTER 1: Stranger

47 3 0
                                    

CHAPTER 1: Stranger

“Kahit ano'ng ingat pala ang gawin mo sa isang bagay kung mawawala, mawawala talaga.”

“Hindi lahat ng bagay mananatili sayo. Hindi lahat ng bagay na hawak mo ay magtatagal sayo.”

“Ang hirap lang isipin na yung bagay na pinaghirapan mo eh mawawala dahil sa isang pagkakamali.”

“Gaano ba kahirap magsabi ng totoo? Gaano ba kahirap para sayangin ang tiwalang binigay mo?”

“Ang sakit makita na unti-unting nawawala sayo ang isang bagay na pilit mong binubuo.”

“Wala kang maisip ma dahilan dahil binigay mo naman ang lahat.  Hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Oras at effort, all in all balewala lang.”

“Mabuti nalang marunong akong umintindi at kayang tanggapin ang lahat basta para sayo,  sa ikaliligaya ng puso mo.”

------------***************-------------


Time check: 7:25 AM

Mukhang ma-lelate na naman ata ako. Ano na naman ba ang bago sayo Kenn?

Nagmamadali akong bumaba ng jeep nang tumapat ang karatig na sinasakyan ko.

Bulacan State University

Hindi ko alam kung bakit ko laging tinitingnan yan bago ako pumasok sa loob ng campus.

Patakbo ko nang tinahak ang malaking gate sa harapan ko. Wala na kong pakialam kung sino ang mabangga ko. Basta alam ako wag akong ma-late sa klase ko.

"Hoy kuya! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!"

"Omaygad! Yung mga libro ko!"

Mga ilang sigaw na narinig ko sa likod habang tumatakbo ako. Pagtingin ko sa likod  habang tumatakbo nakita ko ang isang babaeng pinupulot ang mga libro niya na nakakalat sa daan.

Nag peace sign ako at sabay sorry. Tanging matalim na tingin lamang ang ibinalik niya sa akin. Ay ang sungit. Ang ganda pa naman niya. Sayang.

Pagbalik ng tingin ko sa dinadaan ko.

"What the fuck! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!". Pasigaw ng lalaking nakabangga ko. Hindi ko agad napansin kung anong itsura niya dahil nakatingin ako sa mga dala niyang nagkalat sa gitna ng hallway o tinatawag na lovers lane. Dun ko lang napagtanto ang itsura ng lalaking nabangga nang tumitig ako sa kanya. Agad naman niyang nilihis ang kanyang tingin. "Ah eh sorry". Naka peace sign na sabi ko.

Hindi niya ko pinansin. Tiningnan niya lang ako habang pinupulot ang mga gamit niya na nagkalat sa hallway. Mga balloons, kahoy na maliliit, goma, at mga stick. Na-realize ko lang na P.E ang subject niya dahil sa suot niyang P.E uniform at yung mga bagay na nahulog sa sahig ay para sa activity nila.

"Sorry, babawi ako sayo sa susunod. Sorry tala---" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magwalk-out. Napansin ko lang na tapos na pala niyang pulutin ang mga dala niya.

May ilang mga estudyanteng nakatingin sa akin kung sino ang kausap ko dahil wala naman silang nakikitang tao sa harap ko. Shit. Nakakahiya. Bulong ko sa isip ko.

--

Time check: 7:42 AM

Shit. Late na ko. Nagkukumahog na kong tumakbo patungo sa room kung nasaan ang mga classmates ko.

Pagdating ko sa room. Buti nalang. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa yung professor naming si sir Apollo.

Tagaktak ang pawis ko nang maupo ako sa tabi ni Laurine. Nakakainis lang minsan yung tipong kakaligo mo lang pawis na pawis kana agad. Mabuti nalang may mga ceiling fan sa bawat room.

"Hoy Kenn! Ayos ka lang?" tanong ni Laurine, best friend ko at blockmate ko. Tiningnan ko muna siya bago ako sumagot. "What do you think!?" asar kong sagot.

Wala akong magawa kaya kinuha ko ang bag ko at hinanap ang earphone ko. Shit. Nasan yung earphone ko? Iritable kong bulong. Nakita ko yung earphone ko sa loob ng bag. Halos sabog-sabog ang mga gamit ko sa bag.

Scroll up.

Scroll up.

Scroll up.

Play.

Jeepney Lovestory

Isa sa kanta ng idol kong si Yeng. Nagagandahan ako sa kantong to.

"Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama. Ayoko ng pumara. Ayoko ng pumara. Ayoko na. Ah ah ah ah ah."

Yung tipong bawat lyrics nito ay akala mo totoo. Sa pakikinig ko naalala ko yung guy na nakabunggo ko kanina. Hindi ko naman kasi sinasadya yung nangyari. Parang familiar na siya sakin hindi ko alam kung saan ko siya nakita before.

"Kennn!"

"Kennnnnnn!"

"AAAAAAAHHHHHHH"

Napasigaw ako ng malakas. Ang sakit ng braso. Isang malakas na hampas sa braso ko ang natamo ko mula kay Coleen. Best friend ko, at blockmate ko.

"Bakit ba!!?" pagtataray na sabi ko. "Kanina pa kasi kita tinatawag. May gagamit na ng room na to. Si Laurine na una ng lumabas at magreretouch daw muna siya." sabi niya.

Nilibot ko ang buong paningin ko. Wala na ang mga kaklase ko sa room tanging si Coleen at ako nalang ang natira. Mabilis kong sinilid ang gamit ko sa bag ko.

"Sumunod kana lang sa labas ah
Hintayin kana lang namin dun" narinig kong sabi ni Coleen palabas ng room.

Hinanap ko yung dalawa sa labas pero hindi ko makita. Sinubukan ko na rin puntahan sa girl's comfort room sa mismong 4th floor wala naman sila. Naramdaman kong nagvvibrate yung phone ko sa bulsa ng pants ko. Tumatawag si Coleen.

"Hello! Nasan ba kayo?" malakas na sabi ko.

"Nauna na kami sa ground floor ni Laurine. Gutom na gutom na raw kasi siya." narinig kong sabi ni Coleen. Si Laurine talaga laging gutom.

"Okay. Pababa nako." sambit ko sabay end ng call.

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon