CHAPTER 10: Comfort Room

8 2 0
                                    

Chapter 10: Comfort Room

Mabilis na lumipas ang oras. Abala pa rin si Bryan sa mga bisita niya na mukhang nagpapaalam na para umuwi.

Nakita kong lumabas si Eunice galing sa loob. Papunta ito sa table kung naaan kami.

"Okay lang ba kayo?" tanong ni Eunice nang maupo ito sa tabi kong upuan. "Maya-maya lang magsisimula na tayo uminom." dagdag pa niya.

"Ano nga pala iinumin natin?" tanong ni Agatha habang sinisilid sa bag ang phone niya.

"Hindi ko pa alam kay Bryan eh." saad ni Eunice habang nagkakamot sa binti. Kinagad ata ng lamok. Naka-dress na pink kasi siya na hanggang tuhod ang haba.

"Sa loob nga pala tayo iinom sa may sala. Ang dami na kasing lamok dito sa labas eh." dagdag pa nito habang nagkakamot na naman ng binti.

Nakita ko si Bryan papalapit sa amin. May kasama siyang nakasunod sa likod niya. Dalawang babae at isang lalaki. Mukhang varsity rin sila. Napansin kong magjowa yung dalawa dahil magka-akbay ito at yung isa, alone pero hindi naman halata.

"Ahm, guys! Sina Jenn, Jinjer, at Eduard nga pala mga kasamahan ko rin sa varsity." sabi nito nang makalapit sa amin.

Nagwave naman ng mga kamay yung mga kaibigan ni Bryan habang nakatingin sa amin.

"So, tara na sa loob!" sabi ni Bryan. Naunang tumayo si Eunice para sumunod sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa paligid ng bahay nila Bryan. Pagpasok mo ng pintuan makikita mo agad ang mga kumikinang na chandelier sa kisame ng bahay nila. Malawak din ang sala sa may baba. May isang malaking piano malapit sa veranda.

Nakaupo ako ngayon sa sofa katabi ni Agatha at Rein, sunod si Khael. May isang mesang babasagin ang nasa harap namin nakapalibot kami lahat dito.

"Kukuha lang ako ng iinumin natin ah." narinig kong nagsalita si Bryan. "Tulungan na kita." sabi nung isang kasamahan niya si Eduard ata yun.

Ilang saglit lang bumalik na ang mga ito. May dalang pulutan si Eduard at may dalang isang case ng Red horse naman si Bryan.

Seriously red horse ang iinumin nila? Nakakalaki ng tummy yan e. Sabi ng isip ko.

Nakita kong nagbukas si Khael ng tatlong bote ng beer at sinalin sa pitsel na may yelo. Mukhang balak pa atang magtanggero ng lalaking to.

"Sarap ng fries ah. Sino'ng nagluto?" narinig kong sabi nung Jenn. Napansin kong tinikman yung fries sa table.

"Si mommy ata." sagot ni Bryan matapos magprepare ng iinumin. Tatlong case ng red horse mauubos nila?

Hindi nga ako nagkamali si Khael ang tanggero. Nagsimula na ang inuman. Nagsimula ang tagay kay Khael sinundan naman ni Bryan, Eduard, Eunice, Jinjer, Jenn, Agatha, ako, at huli si Rein.

Napansin ko bigla na ang bilis naman ng ikot. Si Agatha na ang susunod kinuha niya agad ang basong may beer at nilagok. Kakayanin ko ba to? Makakauwi pa kaya ako neto? Ang dami kong iniisip.

"Kenn, sayo na." narinig kong sabi ni Khael sabay abot ng baso. Pinagmasdan ko muna yung baso ng ilang segundo. Ang daming bula sa gilid. "Iinumin mo ba o hindi?" naiinip na sabi ni Khael. Masyado naman tong isang to. First ko ngang iinom akala mo sanay na sanay ako.

Hindi nako nagpatumpik-tumpik pa at nilagok ko na yung beer. Halos masamid ako sa lasa ng red horse. Shit ang pakla.

Halos isang oras na ang lumipas. Nakakasampong ikot na ata. Medyo nahihilo na ko. Hindi ko makita sa mga mukha ng mga to parang hindi sila nalalasing. Si Agatha, energetic parin. Ang daming kinekwento lalo na si Rein. Tungkol sa mga lovelife nila mga pinag-uusapan. May narinig pa ko na anong position daw ang ginagawa nila pag nag-aano. Wala kaming ginawa kundi ang tumawa sa sinasabi ng dalawa.

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon