Chapter 7: Friend Request
Pagdating ko sa bahay sa sala agad ako dumeretso at naupo sa sofa. Binuksan ko ang flat screen tv na higit 65 inches ang laki. Minute it to Win it.
Sa panonood ko bigla namang pumasok sa isip ko si mr stranger. Saan kaya siya sa Atlag? Ano kaya ang pangalan nun? May account kaya siya like facebook, instagram, at twitter. Hmm. Saka ko na nga iisipin. Kinuha ko yung phone ko sa ibabaw ng table sa tapat ng sofa.
Facebook loading. Ang bagal naman ng internet. Bakit ngayon pa? Pag open ng facebook ko may 6 messages, 15 notifications , and 1 friend request.
Una kong tiningnan yung messages ko. Ang tatlo dun ay group chat sa school ng ibat-ibang organization at yung isa ay group chat ng section section. TM-1A.
Notifications. Puro mention naman ang nakita ko sa notifcations ko. Mga nagpapa-like ng picture para sa pageant na sinasalihan nila. Pagkatapos kong tingnan yung notifs ko. Kinabahan ako bigla nang pagmasdan ko yung nag-iisang friend request sa facebook ko. Though, may iba pa namang request bukod dun. Isa lang yung bagong request.
Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Bubuksan ko ba o hindi? Wag nalang kaya. Bulong ko sa isip ko. Wala namang mawawala kung titingnan ko kung sino yung nagrequest kaya tingnan ko nalang.
Dahan-dahan kong tinap yung button of friend request nang biglang.
"Bulaga!!!!!"
"Ay putang***" halos mapamura ako sa gulat. My heart beats so fast. Bwisit talaga tong si Kit. Ang hilig manggulat.
Tuwang-tuwa siya sa ginawa niya. "Aray!" sigaw niya nang batuhin ko siya ng unan na nasa tabi ko. Tumawa lang ulit siya habang pa-akyat ng hagdan.
Kinuha ko yung phone ko sa ibabaw ng lap ko. Pagmukad-mukad ko.
You accepted Khael Vincent Faulkerson.
WHAAAAAATTTTT 😱 ????
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari. Aksidente kong napindot yung confirm request.
Faulkerson. Familiar ang apelyido na yun. Isip-isip. Omaygad. Si mr stranger. Yun ang apelyido na nakatatak sa varsity shirt niya.
How come? Paano niya nalaman ang facebook account ko. May nagsabi kaya sa kaniya? Ang daming tanong sa isip ko. Gusto ko siyang i-stalk kaso inuunahan ako ng kaba baka mamaya iba pa ang makita ko. May makita lang akong hindi kanais-nais.
Malapit na magdilim. Maya-maya lang ay uuwi na sina mom and dad. Si kuya Kyle mamaya pa yun darating. Lagi niya kasing sinusundo si ate Miles after ng work niya kaya ihahatid pa nito sa bahay nila. Napaka-sweet. Sana all.
Wala akong magawa kaya sinubukan kong kalkalin ang phonebook ko. Susubukan kong tawagan si Agatha kung anong update sa birthday ni Bryan.
Sa unang ring walang sumasagot. Hanggang sa pangalawang ring wala parin.
"Hello bes!" bungad na bati ni Agatha. "Sorry, ngayon ko lang nasagot kausap ko kasi si Bryan eh." dagdag pa nito.
"Okay lang bes. Speaking of Bryan tatanong ko lang yung about sa birthday niya." sabi ko.
"Ahm, nag-usap na kami ni cousin Bryan about his birthday. Tuloy na tuloy sa bahay nila." excited na sabi ni Agatha.
"Okay, bes. So, sinu-sino mga pupunta?" tanong ko naman sa kabilang linya.
"Sabi ni Bryan mga kaklase lang daw niya at mga kasamahan niya sa varsity." sagot ni Agatha sa kabilang linya.
Speaking of varsity. Naalala ko na naman si mr stranger slash Khael. Hindi kaya imbitado rin siya? Wag kang masyado assuming Ken baka umasa ka. Bulong ng isang tinig.

BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...