Chapter 13: Conversation
Umiindayog na mga puno sa lakas ng hangin. Bawat haplos na kay sarap damhin. Mga huni ng ibon na tila gumagawa ng isang tinig sa bawat sanga ng mga puno.
Araw ng sabado ngayon. Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang birthday ni Bryan. Nakalimutan ko na rin ang nangyari mismo nung gabing yun. Isang linggo rin akong naging busy sa midterm exams namin sa school.
Nandito ako ngayon sa terrace malapit sa kwarto. Mag-isang nagmumuni habang nagpapatugtog ng mga paborito kong kanta. Sa sobrang bored ko kaisipan kong magselfie gamit ang phone ko. 1.. 2.. 3.. Click. Bakit kaya hindi ko subukan i-upload to. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapagbukas ng facebook ko. Facebook loading.. A few seconds later nagbukas naman agad.
“Live a happy life. ❤” caption na nilagay ko sa picture ko.
A minute ago nag pop up ang phone ko. May isang notification. Pagmukad-mukad ko si Khael.
Khael Vincent Faulkerson reacted to your post.
Syaks. Pinusuan niya ang picture ko. Umayos ka Kenn. Isang linggo na rin ang nakalipas nung huli kaming nagkita sa birthday ni Bryan. A minutes ago nag pop up ulit ang phone ko. 1 message. Pag-open ko si Khael na naman.
"Hi Kenn. Kamusta kana?"
Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung oopen kaba yung chat niya. Baka pag nireplyan ko siya at nasanay akong kachat siya baka hanap-hanapin ko lang. Nagiging advance na naman ako mag-isip kahit wala pa namang nangyayari.
A few minutes later binuksan ko yung chat niya.
"Ah, eh. Okay lang naman ako." I answered quietly.
Sent 3:17pm
Seen 3:17pm
"Mabuti kung ganon." he replied
Seen 3:18pm
"Ah, eh ikaw ba kamusta ka?" I asked.
Sent 3:19pm
Seen 3:19pm
"Ayos naman ako medyo busy lang sa school. Graduating na kasi next year."
Seen 3:20pm
Na-realize ko lang na ang bilis niyang magreply. Wala siguro tong ginagawa kaya nagagawang kausapin ako.
"Ahh ganon ba. Buti may oras ka pa sa sarili mo." reply ko na walang kalatuy-latoy.
Seen 3:21pm
Typing....
"Haha. Oo nga eh. Nagpapalipas lang ako ng oras wala kasi akong magawa ngayon."
Seen 3:22pm
Awwwwwwts. Pampalipas oras lang pala ako. Hingang malalim. Hindi ko kailangang magpadala sa mga sinasabi niya. Baka nga bored lang talaga siya kaya niya ako kinausap at chinat.
"Ay ganon ba. So, kaya pala chinat mo ko kasi bored ka. Hehe." saractic kong sabi sa kanya.
Seen 3:23pm
"Hindi naman sa ganon. Wala kasi akong makausap. Wala rin kasing tao rito sa bahay." May dahilan naman pala kaya ako kinausap.
"Sa totoo lang kaya kita chinat kasi may favor sana ko sayo." dagdag niya pa sa chat niya.

BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...