Chapter 18: Reminisce
KENN's POV
Masaya kaming nag-uusap ni Khael sa byahe. Ang dami niyang jokes na sinabi kahit korny tawa pa rin ako ng tawa. Bagay sa kanya yung corny king. Sa sobrang saya ko habang kasama si Khael hindi ko namalayan na nandito nga pala si Januz sa harap ko. Napapansin ko siyang tumitingin sakin pero umiiwas din agad siya ng tingin. Halata ko sa mga mata niya na malalim ang kanyang iniisip.
Pagdating ko sa bahay sa kwarto agad ako dumeretso. Naupo ako sa gilid ng kama ko para makapagpahinga kahit konti. Habang iniisip ang mga bagay-bagay sa amin ni Januz. Tumayo ako at naglakad papunta sa kabinet. Kinuha ko ang isang kahon na naglalaman ng mga memories namin ni Januz. Una kong kinuha ang kauna-unahan niyang regalo nung birthday ko. Isang maliit na teddy bear na color gray. Sobrang saya ko nun dahil binigyan niya ko ng gift.
"Saan mo nakuha 'to?" Naalala kong tanong sa kanya noom dahil hindi ako makapaniwalang binigyan niya ako ng regalo. Kumunot ang noo niya that time.
"Pinag-ipunan ko 'yan para sayo." naalala kong sabi niya noon.
"Salamat Januz." tugon ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Sunod yung handkerchief na may pangalan niya. Januz Kurt Natividad. Pinahiram niya sa'kin noong second year kami dahil natapunan ako ng ketchup.
"Sino may gawa sayo n'yan?" naalala kong sabi niya.
"Yung lalaki kasi kanina nabunggo ako kaya sa uniform ko natapon yung ketchup." paliwanag ko. Nakita ko siyang may kinuha sa bulsa ng pants niya.
"Oh gamitin mo muna para mabawasan ang dumi sa uniform mo." naalala kong sabi niya nung inabot niya sakin ang panyo niya na may pangalan sa gilid. Hindi ko na naisauli sa kanya sa tagal ng panahon.
At ang huli, isang picture frame. Litrato namin ni Januz na magkasama. Naalala ko that time na pinipilit niya kaming magpakuha ng litrato nung intrams.
"Kenn, magpapicture tayo dun?" narinig kong sabi niya sabay turo dun sa photo booth.
"Ayoko Januz. Ikaw nalang." pagtanggi ko sa kanya.
"Dali na. Para kahit grumaduate tayo ng highschool hindi natin makakalimutan ang isat-isa." sa narinig kong sabi niya noon gusto kong matawa.
"Ayoko nga. Tsaka nahihiya ako ang dami-daming tao." litaniya ko.
"Hayaan mo sila! Wag mo silang pansinin." nairitang sabi niya.
"Easy ka lang. Wag kang magalit. Papayag na ko sa gusto mo" sabi ko.
Dali-dali niya kong hinila papunta sa photo booth. Halos magkandapa-dapa pako nun kakamadali niya sa pagtakbo.
"Miss, magkano magpapicture?" tanong ni Januz sa babaeng kumukuha ng picture pagkapasok namin sa loob ng booth.
"15pesos per shot." narinig kong sagot ng babae.
"Eto po bayad, 2 shots po." nakita ko siyang nag-abot ng bayad sa babae. 30pesos ata yun.
Hinatak ako ni Januz sa gitna at narinig kong sumignal na yung babae para kuhanan kami.
"Okay be ready!" sabi nung photographer.
Sa unang kuha inakbayan ako ni Januz. Sa pangalawang kuha hindi ko inasahan ang gagawin niya. Halos maghiyawan ang mga tao sa loob ng photo booth sa ginawa niya. Nakatitig lang naman siya sa mukha ko habang ako naman ay deretsong nakatingin sa photographer.
I still remember my days in high school with Januz. Halos araw-araw kaming magkasama noon. Naikwento niya sa akin buong buhay niya halos maiyak-iyak pa siya habang nagkkwento. Isa lang ang naramdaman ko that time naawa ako sa kanya dahil iba ang pamilyang meron ako at pamilyang meron siya. Hindi nagtagal nasanay na 'ko sa ugali niya.
Palagi kaming sabay kumain, magkasama tumambay, at sabay din kaming umuuwi. Sa kanya ako natuto ng mga kalokohan. One time naabutan ko siyang nakikipag-away. Nung nakita ko siya hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinulungan ko siya. Galit na galit sa akin ang parents ko lalo na si dad. Sinubukan niyang paghiwalayin kami ni Januz. Wag ko raw siyang kaibiganin dahil masasali raw ako lagi sa gulo. Dahil matigas ang ulo ko hindi sila sinunod. Dumating sa point na lumiliban ako sa klase para makasama lang sa gig nila. Nag-audition kasi si Januz nung intrams namin nung first year at dahil dun siya ang napiling singer ng banda nila. Maganda ang boses ni Januz kaya marami ang pwedeng magkagusto sa kanya.
Ang dami naming masasayang araw ni Januz. Siya na ang naging bestfriend ko. Partners in crime. Sobrang saya ko noon pag kasama ko siya. Ang dami naming gustong gawin noon lalo na ang sumakay ng eroplano nang dahil dun tourism ang kinuha naming kurso sa kolehiyo.
Hanggang isang araw inaya niya ulit ako sa gig nila. Hindi ko naman akalain na sa pagpunta ko ay may gusto na pala siyang sabihin. Habang sinisimulan niya ang pagkanta niya tumitingin siya sa'kin. "I'm inlove with my bestfriend." Patagal ng patagal unti-unti kong naiintindihan ang lyrics ng kanta. Hindi agad ako nag-assume. Saktong pagtingin ko sa kanya bigla itong kumindat at ngumiti. Doon ko napagtanto na ako talaga ang tinutukoy niya sa pagkanta niya.
Hinayaan kong matapos ang gabing iyon. Naisip ko lang at natanong sa isip ko. Kailan pa? Hindi pupwede ang gusto ni Januz na mangyari. Lalaki kami parehas at wala akong alam sa gaanong bagay. Lumipas ang araw na hindi ko siya kinausap. Ayokong mabuo ng tuluyan kung ano man ang nararamdaman ni Januz. Ako na ang umiwas sa nararamdaman niya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Dumating ang araw ng pasukan sa kolehiyo medyo ilang parin ako sa kanya. Hindi kopa rin siya gaanong kinakausap. Hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ko ginagawa iyon. Dahil kapag sinabi ko ang totoo sa kanya hindi ko na alam ang magiging kahihinatnan. Palagi siyang nagpapapansin sa akin. Halos araw-araw siyang nag ggood morning sa akin at kung hindi naman good afternoon. Doon ko na realize na hindi ko naman pala kailangang iwasan siya. Ako na palagi ang unang nag-aapproach sa kanya. Siya ang lagi kong kinukuhang partner pag may activity sa school. Kinuha rin namin siyang kagrupo para sa research namin.
Hanggang sa may napansin akong pagbabago sa ugali niya. Parang hindi ko na siya kilala. Nagulat ako sa ginawa niya kanina bigla nalang siyang nagwalk-out. Hindi siya kumikibo kapag kinakausap ko siya. Lalo niya akong hindi pinansin nung nakita niya si Khael. Ramdam ko yung aura sa katawan niya kaya nagpati-una siya sa paglalakad.
Habang nasa byahe kami pauwe alam kong malalim ang iniisip niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagka-selos. Hindi siya sanay na may ibang nagpapasaya sa akin ng ganito tulad ng pagpapasaya na ginawa niya noon. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Januz. Since high school best friend ko na siya. Hanggang dun lang talaga. Ayokong dumating sa point na masira ang binuo naming pagsasama.
Patawad sa'yo aking matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...