Chapter 12: First Kiss
KENN's POV
Naramdaman kong tumama sa aking mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napaupo akong sumandal sa kama ko at inisip kung ano ang mga nangyari. Paano ako nakauwi? Sino ang naghatid sa'kin sa bahay? Sino ang nagdala sa'kin sa kwarto ko? Sa sobrang daming tanong sa isip ko naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Sobrang sakit na parang binibiyak. Nanlalata rin ang katawan ko. Napatingin ako sa alarm clock. 9:30 AM. Ang haba na rin pala ng naitulog ko.
Sinubukan kong bumangon at tumayo ngunit lalong sumakit ang ulo ko. Nanlalata talaga ako. Pinilit kong maglakad papuntang banyo at naghilamos. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa reflection ng katawan ko sa salamin at napahawak sa labi ko. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi.
Lumabas na agad ako ng banyo at bumaba. Nakita ko si kuya Kyle sa sofa habang nanunuod ng tv kasama si ate Miles. Dito pala siya natulog kagabi.
"Good morning ate Miles." bati ko habang pababa ng hagdan.
"Hi Kenn!" sabi ni ate Miles. Ang ganda talaga niya lalo pag naka-smile siya.
Dumeretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. May hotdog at itlog sa lamesa. Kumuha agad ako ng plato para kumain. Tamang-tama may sinangag pang natira sa luto ni mommy kanina.
Pagkatapos kong kumain ay naupo ako sa may sofa sa sala. Linggo nga pala ngayon kaya walang palabas na maganda.
"Kenn. Sino yung lalaking naghatid sayo kagabi bukod kay Bryan?" napapitlag akong bigla sa sinabi ni kuya. Ibig sabihin sila Bryan ang naghatid sakin.
"Bukod kay Bryan?" pag-aalinlangan kong sagot. Hindi ko maisip kung sino yung tinutukoy ni kuya.
"May kasama si Bryan kagabi para ihatid ka." pagpapaliwanag niya. Si Khael. Ang unang pumasok sa isip ko.
"Wala kang maalala kagabi sa sobrang kalasingan mo. Inakay ka nung isang kasama niya kagabi para dalhin ka sa kwarto mo." dagdag pa ni kuya. Bukod sa ginawa ni Khael yun lang ang naalala ko.
"Baka si Khael yun kuya. Yung kasamahan niya sa varsity." sabi ko sabay kamot sa ulo. Si Khael nga ang naghatid at nag-akay sa akin pauwi. Sa sobrang antok at kalasingan ko kagabi wala nakong maalala. Halos hindi ko naramdaman yung paghatid sakin sa bahay kagabi.
"Alam mo may napansin ako sa kanya kagabi."
"Bakit kuya ano yun?" mabilis na tugon ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Anong ibig sabihin ni kuya?
"Ang tagal niya kasing nakatitig sayo nung ihiga ka niya sa kama mo kulang nalang halikan ka niya." natatawang sabi ni kuya.
"Nagulat pa nga siya nang mapansin niyang nandoon pa ko sa kwarto mo. Kung wala pala ko dun malamang kung ano na ginawa sayo ng lalaking yun." Gusto kong matawa sa sinasabi ni kuya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Kung totoo man yun. Pwede ba kong kiligin kahit saglit?
Malapit na magdilim nang magising ako. Nakatulog na naman pala ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Nagpalipas muna ko ng limang minuto bago bumangon sa pgakakahiga ko sa kama. Maya-maya may naamoy akong kakaiba. Inamoy ko ang sarili ko. Shit. Ang baho ko na. Hindi pa pala ko naliligo. Maya-maya ay magsisimba ako kaya naghanda nako ng susuotin ko.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nagsapatos. Wala pa rin sina mom and dad nung bumaba ako. Tanging si Kit lang na nanunuod ng tv, at sina kuya Kyle at ate Miles na nasa kusina. Gumagawa sila ng cupcakes. Marunong nga palang magluto si ate Miles. Ang swerte ni kuya Kyle sa girlfriend niya.
Hindi na ko nagpahatid kay kuya Peter. 5:30 PM pa lang naman kaya may 30minutes pa ko para bumyahe. Nag-abang na ako ng jeep sa labas ng gate at nakasakay naman ako agad.
Nakarating ako sa bayan at dumeretso sa simbahan. Marami na rin ang tao sa loob at may mga tao rin naman sa labas. Nakisingit ako sa mga tao sa labas para makapasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko sakaling makahanap ako ng bakanteng upuan. At sa wakas, nakahanap ako.
Ang ganda ng misa. Dahil na rin sa magandang pagdedeliver ni Father Fidel sa Mabuting Balita ng Panginoon. Pagkatapos ng misa ay naglibot muna ako sa bayan. May nakita akong key chain sa bangketa. Ibat-ibang uri ng bracelet. Nagustuhan ko yung bracelet na may cross na napapalibutan ng maliliit na bilog na gawa sa kahoy.
"Ale, magkano po ito?" tanong ko sa tindera. Nasa edad 40's na yung babae.
"Ah, sampung piso lang yan hijo." tugon ng tindera. Ang mura naman pala. Kumuha ako ng dalawang piraso.
"Ito po bayad ko. Salamat po." sabi ko. Naglibot lang ulit ako sa bayan. Ang dami kong gustong bilhin kaso hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko.
Napadesisyunan kong umuwi na sa bahay dahil nagugutom na rin ako. Sana naman nakauwi na sina mom and dad. Panigurado may pasalubong ulit sila. Pag-uwi ko sa bahay hindi nga ako nagkamali. Pagbukas ko ng pinto ng bahay nakita ko agad si mom sa kusina nagpprepare na for dinner.
Nag-bless agad ako kay mom paglapit ko.
"Si dad?" tanong ko.
"Nasa taas nagpapalit ng uniporme." sabi ni mommy.
Napansin kong bumukas ang pinto at niluwa nito si kuya Kyle. Hinatid na siguro niya si ate Miles dahil may pasok na rin bukas.
"Good evening mom, dad." bati ni kuya sa kanila. Hindi ko napansin si dad na nakababa na pala. Nag-bless na rin ako kay dad.
Sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Kahit papano ay kumpleto kaming kakain ngayon. Pagkatapos kumain ay nagligpit agad ako ng pinagkainan namin. Nasa kwarto na sina mom and dad. Si Kit at kuya Kyle nasa kwarto na rin nila.
Nahiga ako sa kama pagkatapos kong maghugas. Nag isip-isip ng kung anu-ano. Wala naman kaming homework sa school kaya wala akong magawa. Kinuha ko sa bulsa ng pants ko yung bracelet na binili ko sa bayan at nilagay ko sa table katabi ng kama ko.
Halos kalahating oras akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko nang maalala ko na naman yung nangyari kagabi. Lagi nalang sumasagi sa isip ko kahit pilitin kong wag alalahanin. Napagtanto ko bigla na siya ang first kiss ko. Ever since ay wala akong naging jowa kaya wala akong alam sa ganong bagay. Ang first kiss ko ay sa isang lalaki imbis na babae. Si Khael ang first kiss ko. Gusto kong kiligin pero hindi pupwede. Hindi ako handa sa buhay pag-ibig lalo na kung sa isang lalaki. Hindi naman siguro masama kung mag-isip ako ng advance. Diba? Hehe. Unti-unti ng bumibigat ang mata ko hanggang sa tuluyan na kong nakatulog.
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...